Sixteen

363 15 0
                                    


STEFFI

Buong araw nang hindi nakapasok si Ryan, dahil hindi ko siya mahanap sa buong campus at noong nakasalubong ko si Andrew na kaklase niya sa isang subject ay hinahanap siya nito sa akin. Malamang, magkasama silang dalawa ngayon. Hindi ko na sila nilingon pa, basta pinaandar ko na lang ang kotse ko at nagdrive na papasok. Na-late ako nang kaunti, buti na lang hindi ako sinita ng prof ko. Buong araw akong lutang, walang pumapasok sa isip ko. Buong araw na hindi nawawala 'yung sakit sa puso ko. Buong araw may nakasaksak sa puso ko na hindi ko kayang tanggalin.

Ang sakit pala na mapaasa ka, 'no? Ang sakit pala na pagkatapos kang paniwalain na may puwang ka na, na may chance ka na, biglang isasampal sayo na wala pa rin talaga. Kahit anong gawin ko, hindi pa rin talaga ako ang tipo ng babae na kayang mahalin ni Ryan.

Dumeretso na ako ng uwi dahil sa bigat ng nararamdaman ko, at naabutan ko doon ang kotse ni Ninang Lea na hinihintay ako. Mabilis akong bumaba at nilapitan si Ninang na nakasandal sa gate.

"Ninang! Kanina pa po ba kayo? Pasensiya nap o, galing pa po ako sa school," sabi ko sabay nagbeso sa kaniya. Matagal na rin kaming hindi nagkikita dahil naging busy na si Ninang. Isa siyang sikat na designer sa USA. Noong bata pa ako, bago ko pa makilala si Ryan, ako ang palaging model ni Ninang. Tinuturuan niya ako kung paano magpose para sa pictures at kung paano lumakad kung nasa runway na. Bago kasi siya maging designer, nakilala muna siya bilang model. Pero noong nakakita na siya ng opportunity, pumunta na siya sa USA at nag-aral doon ng fashion design, hanggang sa sumikat na siya.

"Don't worry, I just got here. Lumabas lang ako ng car kasi napakainit. The Philippines will never change, ano?" sabi niya tapos yinakap ako. "I missed you, dear!"

"I missed you too, ninang! What brings you here?" Binuksan ko na ang gate at pinapasok na si Ninang. Pinaupo ko na siya sa sofa at naghanda ng merienda. Pagbalik ko sa sofa, may ibinalita siya sa akin na mismong ako, ikinagulat ko.

"I have a new collection na naka-set na for next month. And since I dedicated my whole new collection on my life here sa Pilipinas, I came back here to ask you personally to be my star of the night."

"P-po?"

"I want you to walk the runway for my show. Ikaw ang magsusuot ng pinakabongga kong gown, at ikaw rin ang mag-eend ng show. I already asked permission from your parents, at willing naman sila. So, payag ka ba?"

"Wala naman pong problema sa school ko, since finals na rin naman po namin in two weeks. Pero saan po 'yung show?"

"We'll be flying to USA. Maraming photographers at agencies na aattend, and I know you wanted to be a supermodel before. Remember?" Sinabi ko noon nung bata pa ako na kapag naging sikat na si Ninang, gusto ko maging model niya. Bata pa ako noon, hindi ko naman inakala na maaalala pa niya. Isa pa, hindi ko alam kung marunong pa ba akong lumakad.

"Pero Ninang, I don't know if marunong pa po akong lumakad sa runway."

"Don't worry, we'll be flying one week before the show to practice and fit the gown. Are you down?"

Deep inside, sobrang gusto ko. Sino bang may ayaw na matupad ang childhood dreams natin? Pero naiisip ko si Ryan. Paano siya? Sa sobrang biglaan ng lahat, hindi ko na siya nasabihan.

Pero oo nga pala, na kay Yana siya. Hindi naman niya ako mamimiss o hahanapin. Mapapasaya naman siya ni Yana.

"Sure, Ninang."

I'm sorry, Ryan, pero sa tingin ko sapat na 'yung mga taon na minahal kita. Masiyado nang masakit. Kailangan ko na din sigurong isipin 'yung sarili ko. Lalayo ako sayo, dahil baka kapag nagtagal pa, tuluyan ko nang mawala 'yung sarili ko sa sakit na dulot ng pagmamahal ko para sayo.

My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon