STEFFI
*Kriiiiiiiiiiiiiing*
Tipikal na nag-uumpisa ang araw ko sa tunog ng alarm clock at sa kumakaway na sinag ng araw sa bintana ko. Pagkabangon ko, deretso na ako sa banyo para maghilamos at magsuklay. Pagkatapos, bababa sa kusina, maghahanda ng almusal, pagkatapos maglilinis ng bahay. Normal na gawain lang sa umaga. Kapag walang pasok, bubuksan ko 'yung TV para sa morning news, at kung may mga school works na kailangang gawin, tatapusin ko 'yun.
I live alone, because yung parents ko, they both work abroad. We extended our business sa Korea, kaya mas maraming time na doon nag-sstay ang parents ko, dahil mas nag-fofocus sila sa business doon. Hindi rin naman kasi biro na mag-establish ng Filipino business outside the country. Pero kapag special occasions at holidays, umuuwi sila dito para magkakasama kaming mag-celebrate. Only child ako, kaya naman kapag magkakasama kami, talagang hindi kami mapaghihiwalay. Palagi kaming namamasyal at kumakain nang magkakasama.
Simple lang naman ako sa araw araw. Wala akong masiyadong pinagkakaabalahan, maliban sa pag-aaral ko. First year college student na ako, at sa kasalukuyan, 18 years old na ako. I am a student of BA Broadcast Communication sa University of the Philippines Diliman. Bata pa lang ako, pangarap ko nang maging sikat na reporter. Kaya mahilig rin akong manood ng balita sa TV ay dahil na rin gusto kong malaman kung paano nila ginagawa ang mga trabaho nila. Balang araw, hinihiling ko na maging katulad nila. Balang araw, magpapakilala ako sa buong bansa bilang isang news reporter.
Ako si Steffi Mariella Chua. Simpleng babae na kilos lalaki. Oo,tama – mas komportable ako sa tabi ng mga lalaki, siguro dahil na rin lalaki ang best friend ko. Hindi ako katulad ng iba na mahilig sa make-up, sa mga sexy na pormahan, o sa mga gawain na karaniwang ginagawa ng mga babaeng kaedaran ko. Heels? Ayoko. Sneakers at rubber shoes ang hilig ko, dahil hindi ako komportable sa ganun. Masakit sa paa, at natatakot ako na baka matapilok ako dahil hindi ako sanay na ibalanse ang sarili ko sa heels. Dress? Crop tops? Sobrang dalang na magsuot ako ng dress, maliban na lamang kung may okasyon. Yung crop tops? Sinusuot ko pero ayoko ng sobrang maikli. Gusto ko maluwag pa rin. Oo, hindi ako yung tipikal na babae na madalas mong makakasalubong. Iba ako sa kanila. Astig ako kung tawagin, minsan nga napagkakamalan pa akong tomboy. Pero hindi kaya! Tumitibok tong puso ko para sa lalaki.
Para sa best friend ko.
Yup, I am in love with my best friend. Have been for 6 years. For six long years, tahimik kong itinago na unti-unti ko na siyang minamahal. Kapitbahay ko rin siya, katapat lang ng bahay ko ang bahay niya, kaya madalas nagkikita talaga kami. Business din ang dahilan kung bakit mag-isa rin siya sa bahay, dahil tulad ko, nasa ibang bansa din ang parents niya. They're planning to be business partners din, sabi ni Mommy. Medyo nalulungkot nga ang parents ko, dahil hindi ko nagustuhang ipagpatuloy ang business namin dahil sa iba ang napili kong career. Pero kahit ganoon, todo pa rin ang suporta nila sa akin. Kaya kahit madalas kaming hindi magkakasama, ayos lang dahil ramdam ko na suportado nila ako, kahit anong mangyari.
Sa palagay ko, isa sa dahilan kung bakit na-in love ako sa best friend ko ay dahil na rin sa mga pagkakapareho naming dalawa. Bukod sa family ties namin, iisa rin kami ng mga hilig panoorin na movies, series, pati mga video games at ibang hobbies, parehas kami. Click talaga kami sa isa't isa. Para sakin, isang blessing at miracle na makatagpo ka ng tao na kaparehas mo, kasi hindi mo na kailangang hanapin pa 'yung sarili mo sa iba kasi sa kaniya pa lang, alam mo na lahat. Kumpleto na. Ayos na.
Nagliligpit ako ng pinagkainan nang tumunog ang cellphone ko. May isang text mula kay Ryan:
Steff! Good morning! Have you eaten already? Punta ka sa bahay mamaya. May bago akong video game! Maghihintay ako. Eat your breakfast! :)
Agad akong nagtype ng reply ko:
Oo sige. Antayin mo na lang ako. Eat your breakfast too. Take care!! :) xx
Normal kay Ryan ang ganiyang messages. Yup, sobrang caring at sweet niyang tao kaya hindi mo na ring mapipigilang mahulog. Sobrang close talaga naming dalawa na minsan napagdududahan kami na mag-boyfriend. Dahil nga lagi kaming magkasama at hindi mapaghiwalay. Minsan, kahit may date siya sumasama ako. Third wheel, photographer ng magkadate, taga-order, yup, lahat na. Steffi Chua at your service po!
Pagkatapos kong magligpit ng mga pinggan at mag-ayos ng bahay, naghanda na ako ng isusuot ko dahil pupunta ako kay Ryan. Kahit na katapat ko lang siya ng bahay, nag-eeffort pa rin ako na mag-ayos para sa kaniya. Kahit na tatambay lang kami sa bahay nila, maglalaro, manonood ng movies, nag-aayos pa rin ako kasi gusto kong mapansin niya ako. Gusto ko na hindi na lang best friend 'yung tingin niya sa akin. Kasi ayoko nang maging third wheel, photographer, taga-order. Kasi gusto ko ako naman. Gusto ko ako naman yung mahalin.
Hindi naman siguro masamang hilingin na mahalin ka rin ng mahal mo, di 'ba?
BINABASA MO ANG
My Boyish Girl
RomanceSteffi is not your typical girl. Mas komportable siya na magsuot ng mga damit na panlalaki at kumilos na parang isang lalaki. At dahil dito ay naging sobrang komportable nila sa isa't isa ng best friend niya na si Ryan. Pero ang hindi alam ni Ryan a...