Seventeen

389 14 0
                                    


STEFFI

Pagkatapos naming mag-usap ni Ninang, napagdesisyunan naming kumain sa labas at magshopping. Naglalambing si Ninang na magbonding naman daw kami, para makabawi kami sa mga taon na hindi kami nagkakasama. Matagal na rin daw siyang hindi nakakauwi at gusto niyang malibot ang lugar, para makita niya daw ito at maging pamilyar sa mga naging pagbabago. Habang nasa mall kami ni Ninang, nag-airplane mode ako ng cellphone, dahil ayaw ko munang isipin si Ryan. Masiyado na akong nasasaktan at kung ito ang paraan para maumpisahan kong kalimutan siya, gagawin ko. Ako na lang ang lalayo dahil baka hindi na kayanin ng puso ko ang sakit. Kahit ilang oras lang kakalimutan ko muna siya. Hindi ko muna iisipin kung nasaan na siya, kung kumain na ba siya o kung nakauwi na siya.

Pagkatapos naming sa mall, nag-aya nang umuwi si Ninang. Pinilit ko na samahan niya na muna ako sa bahay at doon muna siya mag-stay pero nakacheck-in na raw siya sa hotel. Hinatid ko na lang siya at nagpaalam na.

"I'll come visit you again after your final exams, okay? Galingan mo," sabi niya sabay yakap sa akin."

"Yes Ninang. I'll see you soon!"

Pagkahatid ko kay Ninang sa hotel, dumeretso na ako sa bahay. Sa unang pagkakataon, pinilit kong hindi tumingin sa bahay ni Ryan. Deretso lang ang tingin ko. Siguro ganito muna ang gagawin ko. Magpapanggap na wala lang siya sa akin. Magpapanggap na kaya ko kahit wala siya. Pipilitin ko ang sarili ko na kalimutan at isantabi ang nararamdaman ko sa kaniya. Pipilitin kong paniwalain ang sarili ko na wala lang ang lahat. Na hindi ako nasasaktan. Na ayos lang naman, kahit na hindi ako yung palaging pinipili ni Ryan kahit na ako 'yung laging nasa tabi niya.

Pagpasok ko ng bahay, in-off ko na ang airplane mode. Binaba ko muna sa mesa ang cellphone ko at dumeretso sa pagligo para makatulog na. Ang dami rin naming dinaanang shops ni Ninang at napagod ako nang sobra. Hindi rin nagpapaawat si Ninang, ang dami niyang napamili. Biniro ko nga siya na mamili na rin siya ng isa pang maleta dahil hindi na kakasya lahat. Marami din siyang binili para sa akin, lalo na ng mga damit na pwede ko raw magamit kapag nasa USA na kami, gaya ng mga coats at jackets.

Pagkatapos kong maligo ay tinignan ko na ang cellphone ko. May isang text mula kay Ryan, tinatanong kung nasaan ako dahil wala raw tao sa bahay ko. Hindi ko na pinansin pa ang message na 'yun at dumeretso na sa pagtulog.

Panahon na para iligtas ko naman 'yung sarili kong puso. Panahon na para ibuhos ko na sa sarili ko 'yung pagmamahal na kahit kalian, hindi tinanggap at pinahalagahan ni Ryan.

My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon