Fourteen

565 16 0
                                    

STEFFI


"Kaya mo ba kong ilakad sa sarili mo?" Hindi ko alam kung saan nanggaling yung lakas ng loob ko. Pero ayan na, nasabi ko na. Wala nang atrasan. Mangyari na ang mangyari. Basta nawala na 'yung bigat sa puso ko dahil sa itinatago kong pagmamahal para sa kaniya.

Hindi ko alam kung kailan, saan, paano at bakit, pero habang tumatagal mas lumalalim yung nararamdaman ko para sa kaniya. Kahit na alam kong hindi niya kayang ibalik, sige lang. Handa akong hintayin ;yung araw na gigising siya at mare-realize niyang si Steffi, yung kababata niya at best friend niya, ay mahal niya. Tanga na kung tanga. Martyr na kung martyr. Pero hindi ba, ganoon naman tayong lahat para sa mahal natin? May mga bagay tayong nagagawa para sa pag-ibig na hindi natin inaakalang magagawa natin. Ang sa akin lang, kaya kong maghintay kahit na walang kasiguraduhan kung may hihintayin ba ako.

"A-ano kamo, Steff?"

"Okay lang naman kung hindi mo masasagot kasi alam ko naman na hindi ako yung tipo mo."

"Steff..."

"Ry, alam ko naman. Alam kong hindi mo kayang ibalik yung feelings ko para sayo. Pero sige, okay lang."

"Steff, seryoso ka ba?"

"Ryan, ilang taon ko na tong tinatago. Sorry, nabigla ka."

Aminado ako na may parte ng utak ko na nagsasabing hindi niya ko mahal, pero mas daig 'yun ng puso ko na umaasa at naghihintay na sabihin niyang, Steff, mahal din kita. At 'yung puso ko, unti-unti nang nababasag ngayon. Para nang pinapatay at sinasaksak nang paulit-ulit. Bakit nga ba kasi ako umaasa?

"Ryan, okay lang. Salamat sa pagkain at gamot. Manood na lang tayo Huwag mo nang isipin pa 'yung sinabi ko." Nadudurog na ako. Hindi ko na kaya pa. Iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya at nag-focus na lang sa panonood ng movie. Hindi na rin ako nagsalita pa. Hindi ko na siya nilingon. Hindi ko kaya. Mas lalo akong masasaktan.

Kasalanan ko naman eh, 'di ba? Ako 'yung umasa. Ako 'yung nag-expect. Kasalanan ko kasi umasa ako na kahit papaano kaya niya akong mahalin nang higit pa sa kaibigan. Umasa ako na nakikita niya na ako bilang girlfriend at hindi best friend.

"Steff..." pagtawag niya sa akin, na siya namang nagpapalambot sa puso ko. Pero dahil ayaw kong makita niya akong umiyak, hindi ko na lang siya pinansin pa. Oo, tanga ako para mahalin ang taong alam kong never maiinlove sakin. Pero hindi ako masokista na ilalapit ang sarili ko sa bagay at taong alam kong nakakasakit sa damdamin ko. "Steff makinig ka sakin," sabi niya at iniharap ako sa kaniya. Hinawakan niya ang balikat ko at magkatinginan kami ngayon. Pinipilit kong umiwas ng tingin sa kaniya, pero hinahawakan niya ako sa baba at pinipilit na tignan siya.

"Steff please.. pakinggan mo lang ako."

"Ryan, mas nasasaktan ako."

"'Yun na nga, eh. Ayaw kong nasasaktan ka." Gusto kong sabihin sa kaniya na, mali siya. Dahil sa ginagawa niyang 'to, mas nasasaktan ako. Pero hindi niya naman maiintindihan kahit kailan kasi hindi niya naman nararamdaman. Hindi niya alam ang pakiramdam na hindi ka kayang mahalin pabalik ng taong matagal mo nang mahal.

"Ryan..."

"Steffi," hinalikan niya ako sa noo bago ako tinignan muli sa mata at sinabing "Mahalaga ka sakin, wag kang mawawala."


My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon