Twenty

442 17 0
                                    


TWENTY

STEFFI

Hindi naman ako tanga o manhid. Alam ko na naaapektuhan rin si Ryan sa mga ginagawa ko, pero kagaya nga ng sinabi ko, kung eto na talaga ang huling paraan ay kailangan kong gawin ito. Baka hindi na kayanin ng puso ko na mahalin siya dahil sobrang sakit magmahal ng isang tao na kaibigan lang ang tingin sa'yo. Siguro kahit papaano, okay na sa akin noon na maging best friend lang kay Ryan. Pero hindi pa rin pala, dahil mas masakit pa rin pala talaga 'yung katotohanan na kahit gaano ka kalapit sa isang tao, kung hindi pa rin talaga ikaw ang mamahalin niya, walang silbi ang lahat ng oras at effort mo para sa kaniya.

Kaya naman simula noong lumipad na kami papuntang US, sinubukan ko talaga na umiwas na. Sinasadya ko na hindi siya pansinin o kausapin at talagang itinuon ko ang oras ko sa training, preparation, at mga fitting sessions naming mga modelo bago ang fashion show. Nagkaroon na rin ako ng mga bagong kaibigan na matagal na ring modelo ni Ninang, kagaya nila Shannon Edwards, na isang taon lamang ang tanda sa akin pero nagsisimula nang gumawa ng pangalan sa modeling industry sa US. Pati sila Kayla Eagan, Melissa Richard at Allison Spier. Kaming lima ang pinaka-close at palaging magkakasama dahil hindi rin naman nagkakalayo ang mga edad namin. Si Kayla, Ally at ako ay magkakasing-edad lamang at parehas namang isang taon ang tanda sa amin ni Shannon at Mel. Sila rin ang nagpapasyal sa akin sa mga lugar dito sa US sa tuwing busy si Ninang. Kahit ang pagsho-shopping ay sila na rin ang nakakasama ko at talaga namang hindi maitatanggi na habang tumatagal ay naging mas malapit kami sa isa't isa.

Sa tuwing naiisip o naaalala ko si Ryan, palagi silang nandiyan para ilibang ako. Naikwento ko na rin sa kanila ang estado ng love life ko, kaya naman sinusuportahan lang nila ako sa tuwing nakikita o nararamdaman nila na kailangan ko sila. Lalo na noong gabi ng fashion show, inalalayan at tinuruan nila ako kung paano ikakalma ang sarili ko upang maging maayos ang paglalakad ko sa runway. Noong naging parte na ako ng isang totoong fashion show, nakita ko na kahit ang mga sanay at eksperto na sa pagmomodelo at paglalakad ay hindi pa rin maiiwasan ang kabahan o magpanic dahil sa pressure at iba pang mga emosyon. Matindi pala talaga ang tensyon sa backstage ng isang show, ibang iba sa ipinapakita sa tuwing lalabas na ang mga modelo. Dahil dito, mas napalapit ang puso ko sa modeling at mas lalo ko itong pinahalagahan. Lalo ko pang ikinatuwa nang makita ko mismo ang aking mga magulang na nanonood sa akin. Iba pala talaga ang pakiramdam na nakikita mo ang suporta ng mga taong mahalaga sa iyo. Noong natapos naman ang show, sama-sama kaming kumain ng mga kapwa modelo ko. Tuwang tuwa naman sa akin si Ninang, hindi raw halata na first time ko sa isang show.

"You're like an expert up there, my dear. I'm so proud of you," sabi niya sabay yakap sa akin.

Puro naman positive ang reviews ng mga nanood sa aming show at talagang nagustuhan nila ang mga gawa ni Ninang. Ikinatuwa rin naming lahat dahil pati kaming mga modelo ay napuri rin sa ilang article, kasama na ako, at tinagurian pa akong "Fresh Face" ng isang writer. Noong mabasa namin ito nila Ninang, Mommy at Daddy, tuwang tuwa kami dahil hindi rin naming inasahan ito. Pagkatapos lang ng ilang araw ay may natatanggap na rin kaming mga tawag na nag-ooffer ng mga kontrata para sa modeling agencies pero sa ngayon ay pinagdesisyunan namin nila Mommy na hobby lang muna ang pagmomodel hanggang sa makatapos na ako ng pag-aaral. Pwede akong lumipad pabalik ng US kung mayroon akong engagements at shows, pero sa Pilipinas pa rin ako para ituloy ang pag-aaral ko.

Kasama na rin sa plano ko ang pag-block kay Ryan sa lahat ng social media sites. Kahit na masakit gawin sa akin na parang itapon o kalimutan na lang ang lahat, wala rin naman akong ibang paraan na maisip. Kailangan ko na din talagang i-distansya ang sarili ko bago ako lamunin ng sakit na nararamdaman ko dahil sa kaniya. Kaya naman hindi ko na rin sinabi sa kaniya na sa susunod na linggo, bago ang pasukan namin, ay babalik na ako sa Pilipinas. Hindi ko rin sigurado kung kayak o rin bang harapin siya ulit, dahil sa nakalipas na mga buwan ay wala naman akong ibang ginawa kundi iwasan at layuan siya. Nakakatawa mang isipin pero hindi na yata ako sanay sa presensya niya. Masiyado kong nalibang ang sarili ko sa pakikisama sa mga kabigan kong modelo at sa paglimot sa kaniya.

***

Nag-eempake na ako ng mga gamit ko dahil bukas ay flight ko na. Simula nang i-block ko siya sa Facebook, Messenger, at Instagram ay sa text niya ako kinukulit, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasagot ang kahit na ano dito. Binabasa ko lang ang mga ito, at sigurado ako na nasasaktan at nalulungkot siya sa ginagawa ko sa kaniya. Pero kahit ngayon lang magiging selfish na ako sa pagmamahal ko. Parang naibigay ko ata lahat sa kaniya, umaasa na balang araw makikita niya ako, pero wala pa ring nangyari. Si Yana pa rin talaga ang mahal niya. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam ko na iba talaga ang pagmamahal niya noon para kay Yana, dahil saksi ako pagmamahalan nila. Nandoon ako sa tabi niya, kagaya ng lagi kong ginagawa para sa kaniya. Pero kahit naman hindi ko siya iniwan sa anumang oras, hindi pa rin niya ako nakita.

Sapat na siguro 'yon para malaman ko kung hanggang saan lang ako. At bilang babae, ako na mismo ang magtutuldok sa sakit na pinaparamdam niya sa akin.

My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon