RYAN
Parang isang panaginip. Simula nung umalis si Steffi, puro lang tanong ang naging laman ng isip ko. Kung bakit, paano, anong nangyari. Pero ngayon, lahat, nasagot na. Wala na akong ibang masabi pa kundi masaya ako.
Masaya akong mahalin si Steffi, at masaya rin ako na ako ang mahal niya.
Parang ang haba ng pinagdaanan naming dalawa. Para bang ang tagal naming nakipagpatintero sa nararamdaman naming, tapos, sa isa't isa rin naman ang bagsak namin, kasi kahit naman anong takbo mo palayo, mahuhuli at matataya ka pa rin ng puso mo kasi pwede mong dayain ang kahit na anong laro, pero hindi 'yung nararamdaman mo.
Maaga akong gumising para magluto, gusto ko kasing papuntahin si Steffi at magkasama kaming kakain ng almusal. Sobrang na-miss ko siya at gusto kong bumawi dahil sa nagawa ko sa kaniya. Hindi ko man lang namalayan na may nasasaktan na ako sa mga ginagawa ko. Hindi ko man lang namalayan na may malaking epekto na pala sa kaniya 'yung mga maliliit na bagay para sa akin. Kaya naman ngayong araw na 'to, ipaparamdam ko sa kaniya na hindi na siya magsisisi, dahil handa na akong ingatan at alagaan siya.
Nagluto ako ng bacon, eggs, at fried rice. Kahit naman na model na siya ngayon at alam kong iniingatan na niya ang katawan niya, hindi niya matitiis na hindi kainin ang mga paborito niya. Pagkatapos kong magluto, tinawagan ko na siya para gisingin. Sa pangatlong ring, sumagot na siya.
"Hello?" sabi niya na medyo inaantok pa ang boses. Halatang bagong gising pa.
"Good morning," masiglang bati ko sa kaniya. "Punta ka dito, pinagluto kita."
"Talaga ba?" sagot niya, mukhang nagising na siya dahil narinig ko ang pagtunog ng kama niya noong bigla siyang bumangon. "Sige, punta na ako diyan! Wait!" Excited niyang sagot sa akin.
Pagkalipas ng ilang minuto, narinig ko ang pagbukas ng pinto at nakita ko na siya. Simpleng simple, nakasuot ng malaking tshirt at jogging pants, nakapusod ang buhok, at maaliwalas ang mukha niyang walang kolorete. Kagaya ng Steffi na mula pagkabata ay kasama ko na. Kagaya ng Steffi na nagpapatibok ng puso ko.
Pinapunta ko na siya sa kusina, sabay yakap at halik sa noo niya. "Kain na, alam ko na-miss mo 'yan," sabi ko sabay hatak ng upuan para makaupo na siya.
"Ryan, diet na ko eh!" nakangusong sabi niya sa akin.
"Nako, sige, akong bahala sa'yo. Kumain ka nang kumain, tsaka natin ibu-burn 'yang fats na 'yan. Sasamahan pa kita," nakangiting sabi ko sa kaniya.
Napangiti naman siya sa sinabi ko na 'yon. "Talaga ba? Sabi mo yan ah!" Sabi niya sabay kuha ng pagkain. Gaya ng dati, malakas pa rin talaga siyang kumain. Sinabayan ko na siyang kumain. Na-miss ko 'to. Na-miss kong makasama siya.
"Oh, hinay hinay ha," pabirong sabi ko sa kaniya.
"Nako, alam mo ba?" sabi niya habang patuloy lang sa pagkain. Sobrang cute niya, grabe. Para siyang bata. "Noong nandun pa ako sa US, bantay sarado 'yung pagkain namin! Para masiguro ng trainer ko na fit ako, pinapadeliver niya lang 'yung meals ko. Alam mo 'yung packed meals for diet? Ganun! For a whole month, puro ganoon lang kinakain ko!" Pagrereklamo niya. Kahit na ganoon, ang cute cute pa rin niya. Natatawa na lang ako habang pinagmamasdan ko siya.
"Buti kinaya mo 'yun?" pabirong sagot ko.
"Duh, as if may choice ako!" sabi niya sabay ng pag-ikot ng mata. "Siyempre kailangan 'yun, part ng discipline na tinuturo sa akin 'yun. Hindi ko naman pwedeng i-contest, kasi baguhan lang ako at nakakahiya pa lalo kay Ninang."
"Nakita ko pictures mo, ang ganda ganda mo habang naglalakad ka noon."
Napatigil siya sa pagkain, at napansin ko na namula siya. "Thank you."
Lumapit ako sa kaniya, sabay gulo ng buhok niya. "I'm proud of you."
***
Pagkatapos naming kumain, nagpumilit siyang magligpit, kaya naman hinayaan ko na lang siya. Kagaya ng dati naming gawi, namili na ako ng DVD na papanoorin namin. Naiwan ako sa tatlong choices, mga bagong DVDs na binili ko. Pagkapunta niya sa sala, pinapili ko na siya kung anong papanoorin namin.
"Hmmm," sabi niya habang seryoso sa pagpili ng movies. "May napanood ka na ba sa mga 'to?"
"Wala pa, bagong bili ko lang ang mga 'yan last week," sagot ko.
"Sige, dito na lang muna ako sa The Nun," naabutan ko pa 'to noon na showing sa US, kaso, dahil busy, hindi maisingit palagi ang paggala.
Kinuha ko na ang DVD at sinalang na sa player. "Gusto mo ng popcorn? Mag-microwave ako habang intro pa lang naman," tanong ko sa kaniya.
"Sure, dala ka rin ng soda ha. Para feel na feel kong nasa sinehan ako," natatawang sabi niya.
"Noted, ma'am," sabi ko sabay halik sa noo niya.
Pumunta na ako sa kusina at isinalang ang popcorn sa microwave. Habang hinihintay ko 'yun, pumunta muna ako sa ref para manguha ng Mountain Dew. Parehas kasi naming paborito ito, at hindi talaga ito nawawala sa mga bahay namin. Inilapag ko muna 'yun sa mesa, pero hindi sinasadyang nailapag ko 'yun sa ibabaw ng cellphone ni Steffi at bumukas 'yun.
Pagbukas ng phone niya, nagulat ako sa nakita kong lockscreen niya.
Picture naming dalawa. Noong mga bata pa kami. Nasa Enchanted Kingdom kami noon, kasama ang mga magulang namin. Kung hindi ako nagkakamali, 'yun ang unang picture talaga namin dahil 'yun ang pinakaunang gala namin bilang magkaibigan. Hindi kami mapaghiwalay noong araw 'yun, na kitang kita sa picture dahil magkahawak ang kamay naming habang nakapose sa entrance ng EK.
Tumunog ang microwave, kaya kinuha ko na ang popcorn at soda. Eksaktong kakasimula lang ng movie noong dumating ako, at pagkatabi ko kay Steffi, agad ko siyang niyakap.
"Oh, 'di pa nagsisimula, natatakot ka na?" pang-aasar niya, pero imbis na pansinin ko iyon, lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya.
"Thank you," bulong ko sa kaniya habang nakayakap ako sa kaniya. "Thank you for not letting go, even from the start."
Hindi siya sumagot, pero naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik.
Sa isang yakap niya lang, kumpleto na ang lahat. Bakit ba ngayon ko lang naramdaman na ikaw lang pala 'yung kulang sa akin?
BINABASA MO ANG
My Boyish Girl
RomanceSteffi is not your typical girl. Mas komportable siya na magsuot ng mga damit na panlalaki at kumilos na parang isang lalaki. At dahil dito ay naging sobrang komportable nila sa isa't isa ng best friend niya na si Ryan. Pero ang hindi alam ni Ryan a...