RYAN
Buong finals week, walang paramdam si Steffi. Hindi ko na rin siya kinulit dahil alam ko naman kung gaano siya ka-seryoso pagdating sa pag-aaral niya. Simula rin noong um-absent ako para samahan si Yana, hindi na rin kami nagkausap o nagpang-abot pa sa bahay niya. Madalas kasi wala siya kapag nasa bahay ako, at kapag ako naman ang wala, siya 'yung walang lakad. Naging busy na rin ako sa pag-aaral at pag-aasikaso ng final projects at requirements, pati na rin kay Yana. Hindi pala umayon sa plano yung pinagtulung-tulungan naming lahat na surprise para kay Austin. Hindi sumipot si Austin, at nung nagkausap sila, nakikipaghiwalay lang daw ito dahil may iba na siyang mahal. Ilang araw iyak nang iyak si Yana, hindi mapatahan. Kitang kita ko kung gaano niya talaga ka-mahal si Austin, at may kaunting kirot dahil kung hindi niya ako iniwan noon, hindi siya iiyak kagaya ngayon. Pero isinantabi ko na lang 'yun dahil nakalipas na ang lahat, at hindi na rin naman ganoon ang nararamdaman ko para kay Yana ngayon. Posible rin pala talagang makalimot ang puso.
Binabantayan ko siya, dahil napapabayaan na niya ang sarili niya. Hindi na kumakain, hindi lumalabas ng kwarto, at kadalasan tulala lang. Bilang kaibigan, sinusuportahan at tinutulungan ko na lang siya para kahit papaano, makabangon siya. Buti na lang at kahit papaano ay kaya na niya, noong isang beses na pinuntahan ko siya ay maayos at maaliwalas na siya, malinis na ang bahay niya, at nag-aaral siya. Sabi niya sa akin mahirap daw tanggapin ang ginawa sa kaniya ni Austin, pero gusto niyang bumangon kaya sinisimulan na niya. Sinamahan ko siyang mag-aral at umuwi lang ako noong nakatulog na siya. Pagkatapos naman noon, naging stable na siya at kaya na niya. Hindi na ako palaging nakabantay sa kaniya. Nagsimula na rin ulit siyang lumabas kasama ng mga kaibigan niya, at isang beses pa nga raw noong nasa mall sila, nakita nila si Austin at 'yung bagong girlfriend niya na si Jenna. Hindi na lang raw siya nagpakita dahil sa galit niya sa dalawa, pero hindi na raw ganon kasakit. Masaya na rin ako dahil natututo na siyang bumangon ulit.
Napagdesisyunan kong bisitahin si Steffi at kamustahin na rin siya, matagal tagal ko na rin siyang hindi nakikita at nakakausap. Nagsimula na ang bakasyon pero hindi pa rin kami nagkakausap.
Tumawid na ako papunta sa bahay nila at nag-doorbell. Walang sumasagot kahit na ilang ulit kong pinindot pa. Sinubukan ko na rin siyang tawagan, pero nakapatay naman ang cellphone at hindi ma-contact. Bihira naman siyang magpatay ng cellphone, lalo kung katulad ngayon na wala siya sa bahay niya. Tinext ko na lang siya at sinabihan na pinuntahan ko siya, kaso wala siya.
***
Ilang araw pa ang lumipas, pero wala talagang paramdam si Steffi. Hindi rin naman siya lumalabas at wala talagang tao sa bahay niya. Isang beses nakita ko lang yung naglilinis sa bahay niya, tapos, wala na ulit. Umalis daw si Steffi. Di naman niya alam kung saan rin nagpunta basta ibinilin lang raw 'yung bahay.
Dahil nag-aalala na rin ako, nagtanong na ako sa magulang ni Steffi para malaman kung nasaan siya. Nakausap ko sila at ang sabi nila, nasa U.S. daw si Steffi kasama ang Ninang Lea nito. Nagtataka raw sila kung bakit hindi ko alam, samantalang sobrang dikit naming bilang magkaibigan. Sinabi ko na lang na busy kami at baka hindi na rin ako nasabihan ni Steffi.
Sinubukan ko nang i-message siya sa Messenger, pero hindi niya man lang binubuksan 'yung message ko. Ganoon ba siya ka-busy at hindi niya man lang ako masabihan o makausap?
Isang araw habang nasa bahay lang ako at nagf-Facebook, nakita ko ang post ng Ninang Lea niya kung saan naka-tag si Steffi. Magkasama nga sila, at maraming kasamang babae na mga modelo si Steffi. Gusto ko mang pigilan at hindi pansinin, hindi ko maiwasan na magtampo sa best friend ko. Hindi siya ang tipo ng tao na basta basta gagawa ng mga ganito kalaking desisyon na hindi man lang nagsasabi. Kaya pala hindi ko siya makausap ay dahil nasa ibang bansa na siya.
Steffi, bakit hindi mo man lang ako sinabihan? Akala ko pa naman, sanggang dikit na tayo. Kaya naman pala hindi kita mahanap, kasi ayaw mong magpahanap.
BINABASA MO ANG
My Boyish Girl
RomanceSteffi is not your typical girl. Mas komportable siya na magsuot ng mga damit na panlalaki at kumilos na parang isang lalaki. At dahil dito ay naging sobrang komportable nila sa isa't isa ng best friend niya na si Ryan. Pero ang hindi alam ni Ryan a...