Nineteen

369 15 0
                                    

NINETEEN

RYAN

Lumipas pa ang ilang araw na wala talaga akong natatanggap na kahit ano mula kay Steffi. Kahit seen man lang ay wala talaga. Ang mas masakit pa doon? Active siyang mag-post sa Instagram at Facebook niya. Bukod sa pagmomodel ay halatang enjoy na enjoy siya sa pamamasyal doon, at base sa mga ipinost niya sa kaniyang Instagram ay marami na rin siyang napuntahan. Nalaman ko na lang na tapos na ang fashion show ng Ninang niya nang mabasa ko ito sa News Feed ko at nang maghanap ako ng mga balita tungkol dito sa internet.

Hindi ko pa rin tinitigilan na i-chat siya, pero talagang hindi niya ako kinakausap. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa kong kasalanan sa kaniya at iniiwasan niya ako ng ganito. Sa pagkakaalala ko ay hindi naman kami nag-away, at hindi ugali ni Steffi na gawin sa akin ito. Palagi siyang nagpapaalam sa akin lalo na kung tulad nito na malaking desisyon ang ginagawa niya, dahil lagi niyang gusto na alam ko kung nasaan siya o kung ano ang mga plano niya sa buhay. At hindi ko naman ide-deny na namimiss ko na talaga siya. Hindi rin ako sanay na palagi siyang wala. Wala akong kasama na mag-grocery, at kahit na dumating na ang mga in-order ko na mga bagong games at mga DVD ay wala akong ganang galawin man lang ang mga ito dahil hindi ako sanay na hindi si Steffi ang kasama ko. Oo, hinahanap-hanap ko si Steffi dahil malaki naman talaga ang parte niya sa buhay ko. At kahit na best friends lang kami, para sa akin ay higit pa doon ang samahan naming dalawa. Para na rin kaming magkapatid. Pero ngayon, hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nangyari sa amin. Kung dati ay sanggang-dikit kami at talagang magkasama sa lahat, ngayon, hindi na ako kinakausap ni Steffi kahit na ano pang gawin ko. Ngayon, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa amin.

Noong gabing iyon ay nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko at nakita ko na nag-reply na sa akin si Steffi. Agad agad kong binuksan ang message niya at nakipag-usap sa kaniya.

Hi Ryan, kamusta? Pasensya ka na kung hindi na ako nakapagparamdam, busy kasi ako dito :-)

Stef ok lang yun. Sana sinabihan mo man lang ako na aalis ka ;-(

Sorry ryan

Oks lng, pasalubungan mo ako ha hehe

Pagkatapos noon, seen lang ang ibinigay sa akin ni Steffi at hindi na naman siya nagreply. Nag-send ako sa kaniya ng Like para mapansin niya ang message ko, pero ganoon pa rin, seen pa rin. Mukhang busy na naman siya at hindi na naman niya ako kayang kausapin. O ayaw na naman niya akong kausapin. Sa puntong 'to hindi ko rin alam kung ano ba talaga diyan ang dahilan niya. Masaya na ako na kahit papaano ay nagkausap na kami pagkatapos ng ilang linggong pag-iwas niya sa akin. Ayos na sa akin 'yun.

***

Ilang araw pa ang lumipas at palagi ko pa rin siyang kinukumusta. Palagi ko siyang mine-message pero seen pa rin ang nakukuha ko. Hinahayaan ko na lang dahil baka busy talaga siya. Pero ang talagang ikinagulat ko ay noong ime-message ko ulit siya noong umaga na iyon ay hindi ko na siya mai-chat dahil nakablock na ako sa Messenger niya.

You cannot reply to this conversation.

My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon