RYAN
"Bakit ba ang tagal tagal mo lumapit? Tulala ka ata eh." puna niya sakin nung nakaupo na kami sa sofa at kumakain na. Tinamad daw siyang maglaro ng video games kaya nag-aya ng movie marathon. Favorite genre niya ay horror kaya marami akong horror movies sa laptop at mga DVD na horror kasi madalas kami manood ng horror movies. Isa yun sa bonding moments naming magbest friend.
"Sorry na." 'Yan nalang ang sinagot ko. Hindi ko rin maintindihan. Parang ang weird ng nararamdaman ko pag nakikita ko siya. 'Yung ibang feeling na sa kaniya ko lang nararamdaman. Marami na akong niligawan noon at naging girlfriend pero hindi ganito yung nararamdaman ko. Weird.
"May sakit ka ba?" sabi niya at sinalat pa yung noo ko at leeg ko. Ayan na naman yung kuryente. Naramdaman ko na naman. Sa tuwing magdidikit kami, nararamdaman ko yun. Agad akong napabalikwas palayo sa kaniya.
"W-wala. Okay lang, Steff. Manood na lang tayo."
"Sure ka ah?"
"Oo. Okay lang ako." Ano ba tong nararamdaman ko? Hindi naman ako ganito dati sa kaniya ah. Hindi naman ako ganito kasaya kapag kasama at nakakausap ko siya. Hindi ako ganito, normal na kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya noon. Best friend lang, tropa. Bakit ba bigla na lang nag-iba ngayon?
Tinuloy na lang namin ang panonood ng movie. Nakakatawa nga siya eh. Paano ba naman, kahit palagi kaming nanonood ng horror movies, napapasigaw pa rin siya kapag biglang lalabas 'yung multo. Kapag naman nakita niyang papasok sa kwarto yung bida na andun 'yung multo at mapapahamak 'yung bida, sisigaw siya ng "Tanga! Wag dyan!" Matatawa ka nalang sa kaniya kapag kasama mo siyang manood. Para kasing ang fragile niya. Parang ang.. ang sarap niyang alagaan at protektahan.
"AAHHH!" bigla siyang sumigaw nung lumabas 'yung multo at napayakap sa akin. Agad ko naman siyang niyakap pabalik at hinaplos haplos yung buhok niya para mapakalma siya. Why does this moment feel so.. good?
"Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya nung sumilip siya para manood ulit. Nakasandal yung ulo niya sa akin at hinahaplos haplos ko pa rin yung buhok niya.
"O-oo. Salamat." tumingin siya sa akin at ngumiti. Bakit siya namumula? Pero, mas maganda siya pag nakangiti.
Tinuloy namin ang panonood ng movie at hindi kami umalis sa ganoong posisyon. Ewan ko ba, kahit horror 'yung pinapanood namin nangigiti ako habang nanonood. Ang sarap kasi sa feeling. Parang ang saya saya ko.
Nung natapos na kaming manood, nagpunta naman kami sa kusina para magluto. Gutom na daw ulit siya.
"Magluto naman tayo. Nakakagutom sa bahay mo," sabi niya sa akin pagkatayo galling sa harap ng TV.
"Hanap ka na lang diyan, may hotdogs at bacon pa diyan." Nung nakita niya 'yung cheesedogs, nilabas niya iyon at nanguha ng frying pan. Pagkatapos niyang magprito ng hotdog, nanguha naman siya ng natirang kanin pagkatapos nagsangag. Yup, favorite merienda niya ang kanin. Hindi ko nga lang alam kung bakit hindi siya tumataba sa lagay na 'yan e.
"Gusto mo ba? Ipagluluto din kita."
"Sige na, para makain ko naman yung laman ng ref ko." Nginitian niya na lang ako at nagluto na. Ako naman pinanood ko nalang siya. Kumakanta kanta pa siya habang nagluluto. Nakakaaliw panoorin. Ang gaan gaan sa pakiramdam.
Nung natapos na siyang magluto, nanguha siya ng mga plato at naghain ng pagkain sa mesa. Bakit ba ang ganda niya kahit sobrang simple niya? Kahit saang banda mo tignan sobrang ganda niya. Para nga siyang asawa ko ngayon e. Pinagluluto ako at pinaghahain ng pagkain. Paano kaya kapag kinasal na kami at nagkaroon kami ng anak? Sana pagsilbihan niya rin kami tulad ng ganito.
Ano ba yung naisip ko? Mali to, eh. Bestfriend ko siya, hindi ko siya girlfriend.
"Kumain ka na, lalamig yan sige ka. Masarap ang sinangag pag bagong luto!" sabi niya habang nakangiti. Sobrang palangiti' yang si Steff. Sobrang kalog, masayahin at maasikaso. Ideal girlfriend nga siya eh. Maganda, matalino, mayaman, mabait, maasikaso, mapagmahal. Kaso dahil one of the boys nga siya, isinantabi ko na lang ang feelings ko.
"Salamat sa pagluluto. Walang lason to, ah?" sabi ko at tumawa ako. Inirapan niya naman ako.
"Pasalamat ka nga hindi ko pa naiisipang lagyan ng lason pagkain mo eh." sabi niya at tumawa lang. Nginitian ko na lang siya at kumain na kami. Kahit ganito lang kami, masaya ako sa oras na to. Masaya ako na magkasama kami.
Nagkwentuhan kami habang kumakain. Bigla siyang may tinanong sa akin habang kumakain kami.
"Ry, anong gusto mo sa babae? Ano yung mga tipo mong babae?"
"Ako? Hmm. Gusto ko yung mabait, mapagmahal, maasikaso, matalino, mayaman at kalog. Tsaka syempre yung maganda. Bakit mo naitanong?"
"Wala naman. Sige kain na tayo." Pagkatapos noon, hindi na siya nagsalita. Ngumingiti at tumatango tango na lang siya sa mga sinasabi ko. Ano kayang problema niya? Pagkatapos kumain sabi niya siya na lang daw yung magliligpit kaya hinayaan ko na, hindi ko naman mapipigilan 'yang babaeng yan, kasi pag sinabi niya, sinabi niya na.
Pagkatapos niyang magligpit, sabi niya uuwi na raw siya. Hinatid ko na lang siya sa may pintuan. Nung nasa pintuan na kami, may tinanong siya sa akin.
"Ry, maganda ba ako?" What? Hindi ko masagot 'yung tanong niya. Bakit bigla bigla niyang itatanong sa akin 'yun? Akala ko, ako lang ang weird ngayon, pero pati pala si Steffi?
"S-sige ayos lang. Kahit wag mo na akong sagutin. Sige uwi na ako, Ry, Good night." sabi niya at dali daling tumawid para makauwi. Ni hindi niya man lang hinintay yung sagot ko. Hindi ko kasi alam kung saan huhugot ng salita. Parang natulala ako na hindi ko alam ang isasagot ko.
Pero may gusto akong sabihin sa kaniya. At kung hinayaan niya akong sumagot, sana narinig niya ang mga salitang, "Oo naman, napakaganda mo."
BINABASA MO ANG
My Boyish Girl
RomanceSteffi is not your typical girl. Mas komportable siya na magsuot ng mga damit na panlalaki at kumilos na parang isang lalaki. At dahil dito ay naging sobrang komportable nila sa isa't isa ng best friend niya na si Ryan. Pero ang hindi alam ni Ryan a...