Thirteen

613 20 1
                                    

RYAN

Kinaumagahan ko na binuksan ang cellphone ko. Noon ko lang nakita lahat ng texts at missed calls ni Steff. Hindi ko na nabasa kahapon dahil low battery ang cellphone ko, at naiwan ko pa ang charger at powerbank ko. Noong hapon naman, dumeretso na ako kay Yana para tulungan siya kaya naman nawala na sa isip ko na i-charge ang cellphone ko.

Ryan, anong nangyari?

Okay ka lang ba?

Reply ka naman.

May masasakyan ka ba pauwi?

Gusto mo sunduin kita?

Sagutin mo naman 'yung phone mo.

Tulog pa rin siya hanggang ngayon. Mukhang napuyat nga sa paghihintay sa akin. Habang tinitignan ko siya sa pagtulog, kitang kita ko kung gaano siya kaganda. Makinis, mahaba ang pilikmata. Payapa siyang natutulog. Pero habang tinitignan ko siya, nakikita ko na malungkot siya. May problema kaya siya? Kaya siguro hinahanap niya ako dahil kailangan niya ako. Ano kayang nangyari sa kaniya?

Bumangon na ako at naghanda ng almusal namin. Walang pasok ngayon dahil nasa staff conference ang professors, kaya hinayaan ko na lang muna na matulog si Steffi. Nagluto ako ng bacon at sunny side up, pagkatapos nag-toast ako ng tinapay.

Gigisingin ko na dapat siya, pero noong tatapikin ko na siya napansin ko na mainit ang katawan niya. Sinalat ko ang noo niya at totoo nga, nilalagnat si Steffi. Nanguha ako ng bimpo at nilagyan ito ng malamig na tubig. Tinakpan ko muna ang pagkain sa kusina, kinuha ang susi ng kotse at agad agad na pumunta sa botika para mamili ng gamot niya.

Pagkatapos kong bumili ng paracetamol, dumaan ako sa coffee shop na madalas naming tambayan. Binili ko siya ng coffee jelly at red velvet cake, paborito niya kasi ito. Comfort food niya ito, at palagi niya itong hinihingi at ipinapabili kapag may sakit siya, o kaya naman kung stressed siya o wala siyang time na makabili ng pagkain sa sobrang busy niya.

Mabilis akong nagdrive pauwi. Pagkauwi ko ay tinanggal ko na ang bimpo at ginising ko na siya.

"Steff, gising ka muna. Kain ka na oh," sabi ko sa kaniya. Gumising naman siya agad at bumangon.

"Ryan, sorry ha, ang sama ng pakiramdam ko," matamlay niyang sabi.

"Okay lang, ako na ang bahala sa'yo. Oh, eto oh, kain ka na. Tapos iinom ka na ng gamot ha?" Tumango lang siya at kinain na ang cake. Pagkakain niya, iniabot ko na sa kaniya ang gamot at ininom niya naman ito agad. Kinuha ko ulit siya ng cold compress at inilagay ito sa ulo niya para bumaba ang temperatura ng katawan niya.

"Ikaw kasi eh, hindi mo na naman siguro inalagaan ang sarili mo 'no?" pagsesermon ko sa kaniya. "Alam mo namang ayaw ko na nagkakasakit ka, 'di ba?" Mahinang mahina ang katawan ni Steffi kapag may sakit, kaya naman kung kinakailangan eh ako na mismo ang nagbabantay at nag-aalaga sa kaniya.

"Sorry, Ry. Thank you sa pagkain."

"Magpahinga ka na muna ha? Mamaya pagkagising mo, gagaan na ang pakiramdam mo. Tapos, manonood tayo ng movies ha?" Tumayo na ako para ayusin ang mga kalat sa bahay, pero hinatak ako ni Steffi at napaupo ako sa sofa.

"Pwedeng ngayon na tayo manood? Pwedeng dito ka lang sa tabi ko ngayon? Please?" Nakatitig siya sa akin at naghihintay ng sagot. Bakit ganiyan ang mata niya? Malungkot, pero umaasa. Umaasa sa sagot ko.

"Okay, sige. Pero maglilinis muna ako ha? Gagawa ako ng popcorn natin, gusto mo?"

"Ikaw ang bahala."

"'Wag ka nang masyadong gumalaw ha? Ako na rin ang pipili ng papanoorin natin. Hintayin mo na lang ako ha?" sabi ko sa kaniya at nginitian niya lang ako. Nag-iba na ang ekspresyon ng mata niya. Masaya na ito at maaliwalas na ring tignan si Steffi.

Pagkatapos kong magligpit ng mga kalat, umakyat ako sa kwarto ko para ikuha siya ng jacket ko. Madali kasing lamigin si Steffi lalo na kapag nilalagnat siya. Bumaba na ako kaagad pagkakuha ko ng jacket at nanguha na ako ng DVD. Nag-request si Steffi na Insidious Chapter 3 na lang daw ang panoorin namin, dahil 'yun na lang ang hindi pa namin napapanood na part. Pinlay ko na ito at tumabi sa kaniya, inilapit ko na rin sa amin ang popcorn. Pero nagulat ako noong bigla niya akong niyakap pagkaupo ko.

"Steff, may problema ka ba? Sabihin mo na," bihira rin kasing maglambing ng ganiyan si Steffi at alam ko na kapag ganiyan siya sa akin, may gusto siyang ikwento na talagang hindi niya kaya sa sarili niya. May bumabagabag kay Steffi.

"Ryan..." Sabi niya kasabay ng lalong paghigpit ng yakap niya.

"Hmm?" Niyakap ko na siya pabalik at hinaplos haplos ang buhok niya. Isa kasi 'yun sa nagpapakalma sa kaniya at alam kong makakatulong 'yun para masabi niya at mailabas niya kung ano man ang iniisip niya.

"In love na ako, Ry."

Nagulat ako sa sinabi niya, dahil kahit minsan ay wala naman siyang kinuwento na nagustuhan niya. Kahit na maraming nakakagusto sa kaniya noon, hindi nagpakita ng interes sa mga ito at palagi niyang sinasabi na mas gusto niyang maging kaibigan lang ang mga iyon. Ngayon lang niya sinabi sa akin na may nagugustuhan na siya, at in love na siya.

Hindi ko ipinahalata, pero may kumirot sa puso ko noong marinig ko 'yun. "Talaga? Sino naman 'yan? Kilala ko ba?"

"Oo, kilalang kilala mo." Lalong kumirot 'yung puso ko noon. Kaibigan ko kaya? Kaklase ko?

"Talaga? Eh 'di, pwede kitang ilakad! Sino ba? Ako na ang bahala sa'yo."

"Ikaw."

"A-ano?"

"Kaya mo ba akongilakad sa sarili mo, Ryan?"    

My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon