Fifteen

745 15 0
                                    


STEFFI

Alam ko naman 'yung pagkakaiba ng mahal sa mahalaga, pero masaya na ako doon. Masaya na ako na kahit papaano, may puwang ako sa puso niya. Kahit kaunti, at least mayroon.

Kinabukasan, maayos na rin naman na yung pakiramdam ko kaya pumasok na ko. Napaaga ang pag-alis ko, dahil hindi na rin naman ako nagluto pa ng almusal dahil kay Ryan ako nakikain ng almusal. Ngayong umaga niya lang ako pinauwi dahil bumaba na ang lagnat ko at kaya ko na ang sarili ko.

Paglabas ko, nandoon pa ang kotse ni Ryan sa garahe niya. Hindi pa siya umaalis. Baka nga tulog na naman 'yun e. Napuyat rin kasi siya sa pagbabantay sa akin kagabi. Tatawagan ko na sana siya para gumising na, pero nagulat ako nang lumabas siya sa pintuan. Tatawagin ko sana siya para sabay na kami pumasok, kaso may kausap siya sa phone at mukhang masayang masaya pa siya habang kausap yon. Sumakay na agad siya sa kotse niya pagkababa niya ng tawag. Mukhang hindi pa nga ako napansin e.

Sumakay na rin ako sa kotse ko at sinundan ko kung saan siya pupunta. Iba kasi yung kutob ko. Nagtaka na lang ako noong napansin ko na out of the way sa school ang dinadaanan niya. Bakit hindi siya sa school dederetso? Pero habang sinusundan ko siya, mas nadudurog ang puso ko.

Dito kasi sa lugar na ito nakatira si Yana. Noong nakita ko pa lang yung welcome sign alam ko nang si Yana pupuntahan niya. Dumeretso pa 'yung kotse niya hanggang sa park ng village nila Yana. Bumaba na siya at nakita kong niyakap siya agad ni Yana nung nakita siya nito. Diyos ko, pinapatay na naman 'yung puso ko.

Nag-usap sila doon sa may bench, pero hindi ko alam kung anong nangyayari kasi nakatalikod sila. Nagdrive na lang ako paalis at iniwan na sila doon. Ayoko nang patayin pa 'yung sarili ko. Sasaktan ko na naman ang sarili ko. Bakit ba ganoon, kung saan tayo nasasaktan ay doon din tayo sumasaya? 'Yung tipong okay lang na masugatan ka, basta tumibok lang ng tumibok yung puso mo kasi 'yung presensya niya 'yung bumubuhay sayo at nagpapasaya sayo.

Sabi niya naman kasi mahalaga ako sa kaniya. Oo nga, mahalaga ako kasi best friend niya ko. Ako yung kasama niya mula pagkabata. Ako yung naglalakad sa kaniya sa mga babaeng gusto niya. Ako 'yung tumutulong sa kaniya sa lahat ng bagay. Ako 'yung laging nandito at hindi siya iniwan.

Baka nga mahalaga talaga ako, kasi best friend niya ako eh. 'Yun lang, wala nang iba. Hanggang dun na lang.

Hindi naman ako pwedeng pumapel sa buhay niya, dahil mahalaga lang ako, hindi ako mahal. Nasa buhay niya ako, pero wala ako sa puso niya. At sa tingin ko, doon pa lang, walang wala na ako. Hindi ako pwedeng sumiksik sa puso niya kung may iba na 'tong laman.

My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon