Seven

1.3K 32 2
                                    

STEFFI


Anong nangyayari?

Totoo ba to?

Hinahalikan ako ni Ryan. Hinahalikan ako ng lalaking mahal ko.

Pero mali 'to eh.

"Ryan, ano ba?!" Tinulak ko siya palayo. Hinalikan niya ako nang basta basta! Nang walang paalam!

"S-sorry, h-hindi ko sinasadya.." 'Yung first kiss ko, nawala nang hindi sinasadya? Importante sa akin 'yung first kiss ko. Iniingatan ko 'yun dahil kung ibibigay ko man 'yun, gusto kong ibigay 'yun sa taong mahal ko, at mahal din ako.

"Aalis na ko. Ikaw na ang bahalang magligpit." Tumayo na agad ako sa mesa at tinalikuran siya. Ganun ganun lang lahat sa kaniya. Ano ba ko sa kaniya? Hahalikan niya ko pag trip niya? No. No way. Hindi naman ako laruan ah? Tao ako.

Naglakad ako palayo sa kaniya, pero sa bawat hakbang, parang nanlalambot 'yung mga binti ko. Gusto kong tumakbo at lumabas sa bahay niya, pero bakit ganito? Bakit parang tinutusok ng mga karayom 'yung puso ko at nanlalambot ako? Bakit ganito ako?

Bakit kasi mahal kita, Ryan?

Nasa sala na ako nang maabutan niya ako at hawakan sa braso. Dumoble ang panlalambot ng binti ko kasabay ng patusok ng mga karayom sa puso ko 'nung naramdaman ko 'yung paghawak niya sa braso ko. Bakit ba kasi ikaw pa? Bakit ba kasi hindi mo ko kayang mahalin pabalik? Bakit ba kasi hanggang best friend lang ako?

"Steff, please. Wag ka namang umalis."

"R-Ryan, alis na ko." Hindi ko kaya. Hindi ko kayang pigilin 'yung luha ko. Ayokong umiyak sa harap niya. Ayokong malaman niya na umiiyak ako dahil sa kaniya.

"I'm sorry, okay? Hindi ko lang.. Paano ko ba sasabihin sa'yo 'to.. Hindi ko kasi ano.. Uhm.. Hindi ko—shit naman!"

"Ryan, please.."

"Okay. I'm sorry Steffi. Hindi ko kasi... Hindi ko napigilan yung sarili kong halikan ka. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Basta simula nung hindi ka nagparamdam at nagpakita sa akin para akong ewan. Parang gusto kong puntahan ka pero natatakot ako. Gusto kong itext ka pero hindi sumasagot kahit sa tawag ko. Gustong gusto kitang makita pero umiiwas ka. Kaya nung nakita kita sa bahay ko, hindi alam pero sobrang saya ko. Nung sumabay ka sa aking kumain parang may anghel sa harap ko. Sorry kung hinalikan kita." Habang sinasabi niya sa akin 'yan, umiiyak siya na siya ring naging dahilan ng tuluyang pagbagsak ng luha ko. Bakit niya sinasabi to? Hindi niya ba alam na naapektuhan ako ng sobra? Bakit ba ganito siya sakin ngayon?

Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng mga salita kaya yinakap ko nalang siya ng mahigpit. Sobrang higpit. Naramdaman ko yung paghaplos niya sa buhok ko.

"Steff, I missed you."

Kung alam niya lang kung gaano katagal ko na gustong marinig yan. Pwede na akong tumalon sa tuwa, kilig at lahat ng emosyon na hindi ko na alam. Ang sarap sarap sa pakiramdam na marinig sa kaniya lahat nang to. Sana lagi nalang kaming ganito. Sana hindi na matapos yung moment na 'to. Sana forever na kaming ganito.

"Wag mo na ulit gagawin 'yun ha? Wag mo na akong iiwasan," sabi niya sa akin habang umiiyak pa rin. Sinong mag-aakala na si Ryan Tan, iiyak nang dahil sa akin?

"Okay." Inalis ko na yung pagkakayakap ko sa kaniya tapos ngumiti ako sa kaniya. Ngumiti siya pabalik at hinalikan ako sa noo. Huwag niyo nang agawin pa sakin 'to. Dito ako masaya. Dito ako maligaya. Sana wala nang mangyari pa na ikakawala nito. Dito na lang kami, please?

"Akalain mo yun, marerealize ko pala na kailangan kita at namimiss kita."

"Manhid ka lang kasi eh."

"Sus, ako pa ah? Eh ikaw nga 'tong nagtiis sa akin ng ilang araw!"

Habang nag-aasaran kaming dalawa, bumuhos ang ulan. At siyempre, dahil gawain naming dalawa to, nagtampisaw kami sa ulan. Para kaming bumalik sa pagkabata. Tumatakas pa kami sa mga mommy at yaya namin para makapagtampisaw kami sa ulan, kasi hindi nila kami papayagan. Tapos kapag nakita nila kami, tatakbo kami at hahanap ng masisilungan. Minsan sabay kaming sinisipon. Nagkakalagnat pa kami minsan, pero parang nakasanayan na namin 'yung magtampisaw sa ulan. Para kasing nakakatuwa 'yung ulan. Minsan lang dumating, tapos kapag nasa ulanan ka, pwede mong gawin ang gusto mo na walang pumipigil sayo.

Pero sana, walang makapigil sa amin. Parang ulan, walang makakapigil sa pagdating niya. 

My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon