Zone 3: Ruins

4.2K 209 21
                                    

Sandaling nagpahinga sina Laby at Ran sa loob ng isang maliit na bahay sa Distrito. Sa kasalukuyan ay wala pa rin silang nakikitang ibang tao sa lugar na iyon. Iniisip ni Laby na marahil ay kaunti lang ang naipadala mula sa isla at wala pang isandaan ang bilang ng mga naka-survive, at masyadong malaki ang limang kilometro para magkakitaan silang lahat. Kompara sa malaking area ng Isle ngunit libo naman silang naroon.

Nakaupo lang si Laby sa isang couch na hindi pa gaanong nasisira. Inaayos niya ang isang hindi na gumaganang telepono at basag na android phone na wala man lang kasignal-signal. Si Ran naman ay naghahanap ng makakain at maiinom sa kusina.

"I don't think si Sam ang kumuha sa 'tin sa Isle," sabi ni Laby kay Ran habang pinagdudugtong sa telepono ang pinagputul-putol niyang wires mula sa sirang TV ng bahay.

Tiningnan sandali ni Ran si Laby. "I have a hunch that it was Cas' plan."

Ilang cabinet na rin ang binuksan ni Ran at ang mga naipon lang niyang edible doon ay mga biskuwit at mga hindi pa expired na potato chips. Binuksan niya ang gripo. May tubig sana kaso marumi.

"May flashlight dito." Hinagis niya ang nakuha kay Laby na nasalo nito gamit ang dalawang kamay. "Kailangan mo ng tulong diyan?"

"Alam mo, dapat kanina mo pa 'ko tinulungan e. Mas expert ka sa paggawa ng radar kaysa sa 'kin." Tinanggal ni Laby ang battery sa flashlight at idinugtong sa mga wire. "May barcode yung metal cuff mo kanina, natatandaan mo yung code? I'll try to locate the other players."

Tumango si Ran pero natigilan din nang mag-sink in sa kanya ang isang salita sa sinabi ni Laby. "Locate the other players?" Kinuha niya lahat ng naipong pagkain at inilapag sa center table katabi ng mga wires. "Talagang uunahin mo yung ibang players bago yung mga project?" Umupo siya sa upuang katapat ng inuupuan ni Laby.

"We need to find Max and the others."

Napataas ang kilay ni Ran nang biglang gumana ang android phone at naglabas ng sunud-sunod na codes. "Kaya mo naman pala e."

"Laki ng pakinabang mo kahit kailan, tss," sarkastikong sinabi ni Laby habang binabasa ang codes sa screen. "Tingin mo, naka-cuff kaya lahat ng player na dinala rito?"

Umiling si Ran. "Gusto kong pumusta sa hindi." Hindi ginalaw ni Laby ang pagkaing nakita niya kaya kinain na lang niya iyon para naman magkalakas siya kahit paano. "Nakakarinig ako ng pagsabog sa malayo. I'm sure, may naglalaban sa ibang panig nitong lugar."

"Kung nauna naman sila, sila-sila lang din ang magpapatayan dito."

Panay ang nguya ni Ran habang focus si Laby sa kinakalikot nitong mga wire at phone. Itinutok na lang niya ang isusubo sanang biskuwit sa tapat ng bibig ni Laby para pakainin ito habang may ginagawa.

"Ano 'yan?" takang tanong ni Laby habang palipat-lipat ang tingin sa biskuwit at kay Ran.

"Walang lason 'yan, nakakain na 'ko," paalala ni Ran.

"Tss," nginata na lang ni Laby ang inalok na biskuwit at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Uuhawin mo lang ang sarili mo. Masyadong matamis 'to."

"At least, may sugar. Enough para hindi tayo mahimatay rito." Inikot-ikot ni Laby ang inoperahang telepono at ang android phone na ginawang mummy gamit ang napakaraming wires.

"Ano na'ng gagawin ko?" tanong pa niya dahil hindi na niya alam kung ano na ang ginagawa niya roon.

"Ginaganito kasi 'yan, ma'am," sabi ni Ran, ibinaba ang balot ng biskuwit at siya na ang umasikaso ng ginagawa ni Laby. Nakakasagap na iyon ng frequency pero hindi pa rin malinaw. May available na radio ang phone pero malaki ang epekto ng kawalan ng linya sa distrito para makasagap ng matinong signal. Static lang ang naririnig nilang rumerehistro sa tunog ng telephone. Nawala na rin ang codes na nasa phone. Walang koryente sa paligid at mukhang kulang lang sa charge ang issue ng android phone dahil kahit basag ay gumagana naman.

Hunting Project: ZONE (Book 9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon