Zone 26: Future Husband

3.4K 162 11
                                    

Madaling-araw pa lang, gising na si Max. Tatlong oras lang ang tulog niya, at kahit ayaw niyang magising nang maaga ay kusa siyang nagising. Maaga siyang naligo, maagang nag-asikaso, maagang nagbihis ng pambahay na damit para sa Citadel—at ang pambahay roon ay casual formal na sa labas. Isang plain sky blue shirt, na ipinares sa khaki, at slipon. Alas-singko ayon sa grandfather clock sa sulok ng malaking silid, at pagbukas na pagbukas niya ng pinto ng silid ay nakita niya agad si Xerez na may dalang folder. Nang hagurin niya ito ng tingin, nakasuot ito ng gray three-piece suit na pinakauniporme ng Centurion.

"Good morning, Lord Maximillian," pagbati ni Xerez at yumukod para magbigay-galang.

"Hindi ka pa natutulog?" tugon ni Max.

"Kagigising ko lang, milord."

Nagsalubong agad ang kilay ni Max dahil mukhang kanina pa ito gising base sa ayos nito. "Sigurado ka?"

Nagpakita ang matipid na ngiti sa Guardian. "Yes, milord."

"Anong oras daw dadating yung mga susundo kay Arjo?"

"Mamayang alas-siyete ng umaga, milord."

Napatango si Max sabay pamulsa. "Tinanong ko pala si Ara. Sa St. Michael, doon sa malapit sa gym, ikinasal sina Papa. Masyadong malaki roon. Wala bang ibang wedding venue?"

Bahagyang tumungo si Xerez. "Pasensya na, milord. Ginagamit lang iyon kung Superior ang magkakasal sa kapwa Superior. Hindi maaaring gamitin ng mga Guardian ang lugar na iyon."

"Oh." Saglit na napangiwi si Max dahil hindi niya naman alam na may mga lugar pala sa Citadel na bawal gamitin ng mga Guardian. "Well, anyway, saan pala kami pupunta mamaya?"

"May kapilya sa Eastern Wales, milord. Doon ako maaaring magkasal."

"Nakausap mo na si Arjo?"

"May pinapunta akong Guardian para asikasuhin siya."

"Okay, thank you."



***



Alas-singko na at madalas na may nag-a-alarm sa loob ng medical facility kapag tumatapat sa eksaktong oras ang digital clock. Tutunog kapag eksaktong alas-tres, tutunog kapag eksaktong alas-kuwatro, tutunog kapag eksaktong alas-singko—at madalas na naaalimpungatan si Arjo sa bawat tunog na iyon. Papaling siya sa malambot na kama at tititig saglit sa cushioned wall saka babalik sa pagtulog.

Pero kakaiba ang alas-singko ng araw na iyon. Dahil ang ingay na gumising sa kanya ay isang boses ng lalaki.

"Good morning, Lady Josephine."

Napabalikwas agad ng bangon si Arjo at nakasimangot nang tingnan ang lalaki sa pinto. Nagkusot pa siya ng mata para malaman kung tama ba ang nakikita niya.

"Teka . . ." basag ang boses niyang tugon. "Ikaw yung kasama ko ro'n sa . . ."

Hindi na natapos ni Arjo ang sinasabi dahil hindi rin niya alam ang itatawag sa pinanggalingan nilang warzone.

"Sino ka ulit?"

"Sav, milady."

"Oh . . ." Napatango lang si Arjo at napasulyap sa pinto. Nakasara iyon. Inilipat niya sa Guardian ang atensiyon at hinagod ito ng tingin. Kung ano ang suot nito noong kasama niya, iyon pa rin ang suot nito sa mga oras na iyon.

"Bakit nandito ka?" tanong niya.

"Inutusan ako para ihanda ka."

"Aalis na ba?"

Hunting Project: ZONE (Book 9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon