Zone 7: Sibling Rivalry

3.6K 181 9
                                    

Hindi maaaring iwan si Arjo ng Guardian niya, at hindi rin maaaring iwan ni Josef ang asawa niya. Sinabi ni Arjo na dalawang kilometro lang ang layo sa kanila ni Ana, pero napilitan silang huminto sa paghahanap dito paglubog ng araw.

Nanatili sila sa isang bahay na hindi kasing-ayos gaya ng bahay kung saan nagpaiwan si Ran. Magulo roon at mukhang iniwan iyong animo'y hinalughog nang maigi. Makalat kaya itinayo na lang nina Josef at ng kasamang Guardian ang mga upuan para mapahingahan nila.

Tahimik lang si Armida, inoobserbahan si Arjo na parang may hinahanap sa bintana. Hindi pa rin siya nakakalimot sa ginawa nito nitong hapon. Pinilit niyang ilayo si Arjo sa nakagisnan nilang buhay, at sa isang linggo lang na pag-iwan niya rito, marunong na itong pumatay ng tao at halatang hindi pa ito nagsisi sa ginawa. Kung may isang bagay siyang ayaw niyang kahinatnan nito ay ang magaya sa kanya-ngunit mukhang huli na ang lahat.

"Milady, magpahinga muna kayo," alok ng Guardian kay Arjo nang lumapit ito para sabihing handa na ang inihanda nitong mauupuan.

"Hindi ka ba ginugutom?" tanong ni Arjo sa katabi.

"Nagugutom ka ba, milady?" tanong din nito imbis na sumagot.

"Tinatanong kita kung nagugutom ka. Bakit ako yung tinatanong mo?"

Napatungo lang ang Guardian dahil mas mahaba na ang mga sagot ni Arjo at mas may buhay na rin kompara noong una silang nakatapak doon. "Kakain lang ako, milady, pagkatapos ng trabaho ko rito."

"Inutos din ba 'yon sa 'yo?"

"Iyon ang protocol."

"Grabe naman kayo. E nauuhaw? Nauuhaw ka na?"

"Ayos lang ako, milady. Nauuhaw ba kayo?"

"Ikaw nga yung tinatanong ko, bakit ba binabalik mo yung tanong."

"Kailangan kong malaman para makahanap agad ako ng maiinom."

"Wala ba rito sa bahay?"

"Pasensya na, milady, pero hindi maayos ang linya ng tubig dito."

Doon lang tumalikod si Arjo at tiningnan ang mga magulang niyang kanina pa sila pinanonood ng kausap.

"Pa, wala raw tubig dito," sabi niya kay Josef.

"Kaya nga. Gusto mo bang maghanap tayo ng bahay na may maayos na faucet?" kaswal na tanong ni Josef na pilit iniiwasang magtunog nagdududa kay Arjo.

Tumango lang si Arjo para sabihing oo.

"Armida, we're gonna find a better house than here," paalam ni Josef sa asawa.

Imbis na sumagot, masamang tingin lang ang ipinukol ni Armida sa dalaga. "Ano'ng ginawa nila sa 'yo sa Citadel?"

"Armida, hindi ngayong ang tamang-"

Pinutol ni Armida ang asawa. "Ano'ng mga nakita mo? Saan ka nakarating? Ano'ng mga nalaman mo?"

"Armida-"

Nagtaas agad ng kaliwang hintuturo si Armida para awatin si Josef. "You just killed a man few hours ago, Arjo," naghahamong sinabi ni Armida. "Pinalaki kitang maayos, tapos makikita ko na lang na ginagawa mo 'yon?"

"Ma, I already saw how you grow up," paliwanag ni Arjo. "I didn't expect that. Hindi ko rin ginustong makita 'yon-makita ang paghihirap mo o ni Erah o ni Jinrey o kahit ni Jocas."

"Oh God," napahimas agad ng noo si Josef dahil tama nga ang sinabi ng mga kasama nila sa isla tungkol sa ginawa kay Arjo. Nalaman nito ang hindi nito dapat malaman.

"At iniisip mong kaya mong ayusin ang lahat?" tanong ni Armida at nagpamaywang na mula sa kinatatayuan. "Iniisip mong kakayanin mo si Ana?"

"I'm a monster, Ma."

Hunting Project: ZONE (Book 9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon