Walang may maayos na tulog sa bahay na iyon kundi si Zone lang. Malamang na dahil bata at gutom, hindi agad nagising kahit pa walang ingay at kahit anong fan sa kuwarto.
May rechargeable lamp sa bahay na nagamit nina Laby bilang pang-ilaw. Nagpapasalamat lang siya dahil bahagyang sira ang ialng bahagi ng bahay at sumisilip sa loob ang liwanag ng buwan. Napansin niyang nakaligo na si King noong nakaraang gabi bago pa ito tumabi sa kanya, at alam din naman niya kung gaano kaarte ni King Ace Havenstein pagdating sa grooming kaya alam niyang may malinis na tubig sa bahay na pansamantala nilang tinirhan. Hindi naman siya nagkamali ng hinala dahil malinis ang linya ng tubig nang buksan niya ang faucet sa banyo na halatang sinipa na lang sa sulok ang ilang debris ng nabasag na salamin at parte ng dingding. Malamang na si King din ang may gawa niyon dahil madalas din itong mairita sa kalat sa paligid.
Pagsulyap niya sa bintana, napansin niyang ilang block lang ang layo nila sa arko ng boundary ng Citadel. Naisip niyang kaya siguro malinis ang linya ng tubig ay dahil ibang linya na ang dinadaluyan mula sa bahay na iyon kompara sa mga bahay na nasa gitna ng Distrito Mortel.
Pagkahubad na pagkahubad niya ng damit na apat na araw na niyang suot, ang laking ginhawa agad ng naramdaman niya dahil sa wakas ay parang naalisan na siya ng malaking dumi sa katawan.
Ilang oras na lang at idedeklara nang tapos ang Annual Elimination sa taon na iyon. At habang umaagos ang malinaw na tubig sa shower, wala siyang ibang maramdaman kundi kawalan. Alam niyang oras na mabuhay siya pagkatapos ng tournament, papatayin na siya gamit ang batas na pinangangalagaan nila. At sa dekadang pagpapaulit-ulit sa kanya ng katotohanang iyon, at sa dekadang pagtanggap na natatakot siyang mamatay nang dahil sa Credo, noon lang sa mga sandaling iyon niya hindi kinatakutan ang batas na dahilan kung bakit siya naging ganoon.
Umaagos sa tiles ng na sahig ang makapal na putik sa bawat pagkuskos niya. Pakiramdam niya ay naalisan siya ng napakaraming bigat dahil sa lamig ng tubig. Ayos na siya kahit walang shower gel o kahit sabon at shampoo. Kailangan lang niyang alisin ang putik sa katawan niya galing pa sa isla.
Nasa kabilang kuwarto lang si Zone, at alam niyang matagal na iyong gustong makuha ni King. Pero halatang hindi ito kilala ni King kaya hindi niya alam kung hanggang saan niya kayang itago ang katotohanan dahil masyadong matalino si Zone para hindi mag-ingay.
Inabot siya ng higit tatlumpung minuto sa paliligo lang, at akma na sanang aabutin ang damit niyang suot pa sa isla nang makapang wala na iyon sa pinagpatungan niya. Paghawi niya ng shower curtain, nanlaki lang ang mga mata niya nang makita si King na mukhang inaabangan siyang matapos. Nakakrus lang ang mga braso nito habang nakataas ang kilay sa kanya.
"Where are my clothes?" nanghuhusga niyang tanong dito.
Hindi ito sumagot. Sinipa lang nito ang isang maliit na round chair papalapit sa kanya.
Sinundan lang niya ng tingin ang bangkito at nakitang may malinis na damit doon.
"Do you want me to say thanks to you?" tanong ni Laby habang dinadampot paisa-isa ang damit na nasa upuan.
"Stop being a reckless and selfless bitch," sagot ni King. "You can't even find clean clothes for yourself."
"And stop being a concerned son of a bitch," sagot naman ni Laby habang nagbibihis harap-harapan kay King. "That's not your nature."
Naningkit lang ang mga mata ni King habang nakatitig sa mukha ni Laby. Ni hindi man lang nag-abalang ituon ang tingin sa ibang lugar.
Nakapagpalit na ng denim jeans si Laby at inuunti-unti na lang ang pagbubutones sa asul na blouse na amoy cabinet pa.
"After this day, matatanggap mo na ang sentensya mo," pagbasag ni King sa namayaning katahimikan sa pagitan nila.
"Does it bother you?" tanong ni Laby habang tinatapos ang pagbubutones sa blouse.
BINABASA MO ANG
Hunting Project: ZONE (Book 9)
ActionMagpapatuloy ang labang kanilang sinimulan. Nabunyag na ang mga lihim. Lumabas na ang mga sikreto. At ngayon, maghaharap-harap na ang bawat proyekto. Magsisimula na ang paghihiganti. Pababagsakin ang mga dapat bumagsak. Sa gitna ng malaking kaguluha...