Zone 11: Main Event

3.5K 183 5
                                    

A/N: Itong Hunting Project Zone pala yung pinakakaunting word count sa buong TNW series aside sa incomplete installments nito (Hunting Project RYJO, The Wanteds, Dealing with Mr. Jacobs) So, huwag na tayong magulat kung aabot lang ito hanggang chapter 20 or less than chapter 30.

****




Masyadong naging mahaba ang gabi, masyadong marami ang bahay na kailangang halughugin, masyadong maraming bagay ang kailangang ikonsidera sa paghahanap.

Madaling-araw pa lang, nararamdaman na ng mag-asawa na may paparating na ulan. Matapos ang maaliwalas na langit, biglang nilamon iyon ng kulumpon ng mga maiitim na ulap pagsapit ng madaling-araw.

Hindi nila sinisi ang Guardian dahil alam nilang matagal nang matigas ang ulo ni Arjo. Wala rin naman sa inaasahan nila ang ginawa nito dahil naabutan nila itong wala sa sarili. Humiwalay ang Guardian at sinabing maghahanap ito sa ibang direksyon, na pinayagan na rin nila para mas mabilis mahanap si Arjo.

Pumatak na ang umaga, at masyadong madilim ang langit. May mahihinang kulog at kapansin-pansin ang kidlat na nasa loob ng madidilim na ulap bago pa man tuluyang lumiwanag.

Iyon na ang huling araw ng Kill for Will Tournament at wala silang kaid-ideya sa labas.

Walang may alam sa eksaktong oras dahil hindi maaasahan ang sikat ng araw para tukuyin ang oras, lalo pa't makulimlim.

Naging sobrang laki ng limang kilometro para hanapin ang mga batang Malavega.

Hindi pa rin nakikita si Arjo. Wala silang nakikitang bakas ni Ana. Kahit si Max ay hindi pa rin nila nasisilayan. At malalaman nilang naroon pala si Dae Hyun.

Bzzngg!

Napatingin na naman sa langit ang mag-asawa.

"That's the fifth drone," sabi ni Armida habang nakatingala. "They're going to the same direction."

Binilisan nilang mag-asawa ang lakad. Hindi nila pinansin ang unang drone na dumaan patungong norte ng direksyong nilalakaran nila. Dumaan ang pangalawa sa kaparehong direksyon. Nakompirma nila na may nangyayari sa gitna ng Distrito nang dumaan ang ikatlong drone. Nasa drones ang mga camera, at tutungo lang ito kung nasaan may players.

Bzznngg!

"Let's go!" utos ni Armida at sinabayan nila ng takbo ang kadaraan lang na drone.

Limang mga bahay ang una nilang nalampasan. Lumiko sa unang kanto sa kaliwa para sundan ang drone at kumanan.

Nagsisimula nang pumatak ang malalaking butil ng ulan.

Isang liko na naman sa kanan at tinakbo ang mahabang kalsada.

Bzznngg!

Nakasabay na naman nila ang isang bagong drone. Lumiko sa kaliwa, tinahak ang panibagong kalsada. Nilampasan ang sirang mga bahay na pinapatakan ng malalaking patak ng ulan.

Bzznngg!

Isa na namang bagong drone. Lumiko sa kanan, panibagong kalsada. Panibagong block ng mga sirang bahay. Lumiko sa kaliwa . . .

"Ana!"

Sa wakas, napahinto na ang mag-asawa.

"Oh shit," mahinang mura ni Armida nang makita sa gitna ng malawak na kalsada ang mga anak niya . . . at ang mga taong ayaw niyang makita.





Hunting Project: ZONE (Book 9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon