Padilim na, at sa tingin ni Laby pasado alas-sais na rin ng gabi nang sumulyap sa sirang bintana ng kuwarto kung saan siya nagising. Nakaupo siya sa isang sofa na may matigas nang cushion habang nakaharap sa isang basag na flat screen TV na intact sa dingding. Tumatagos pa sa loob ng bahay ang kakaunting liwanag galing sa malamyang papalubog nang araw.
Masakit nang bahagya ang tagiliran niya na malamang ay gawa ng pagkakatilapon niya matapos ang nangyaring pagsabog. Hindi niya matandaan ang huling nangyari maliban sa pagsabog.
"Agh!" Napaigtad agad siya dahil sa sakit ng likod nang subukang tumayo. Pero nagawa naman niyang makadiretso nang sanayin ang sarili sa kirot na nararamdaman gawa ng bugbog niya sa katawan.
"King, I don't like this food," malungkot na sinabi ng isang boses ng bata at nakarinig siya ng pagkutkot ng lata. "It tastes bad."
Dahan-dahang tumungo si Laby papalabas ng kuwarto. Napansin din niyang blangko ang harapan ng bukas na pinto kaya alam na agad niyang nasa mataas na bahagi siya ng bahay.
"Don't complain," mahigpit na sinabi ng boses ng lalaki. "Just be thankful that you have something to eat."
Kumalabog ang dibdib ni Laby dahil kilala niya ang boses na iyon. Paglabas niya sa pasilyo, nasilip niya sa ibaba ng bahay ang dalawang nag-uusap na ikinalaki ng mga mata niya.
"Zone?" mahina niyang sinabi, ngunit sapat na iyon para mag-angat ng tingin ang lalaki at salubungin ang tingin niya.
"You're awake."
"King?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa.
Napalunok si Laby dahil kasama na-sa wakas-ni King ang batang matagal na nitong gustong makuha sa mag-asawang Zordick-Zach. Hindi tuloy niya alam kung alam na ba ni King na ang bioweapon na hinahanap nito ay ang batang kasama.
"Hello, Laby!" masayang bati ni Zone at kumaway pa. "I'm eating!"
Napahugot ng hininga si Laby nang alukin siya ni Zone ng kinakain nito. Napansin niya ang lata at kilala niya ang brand niyon. Napangiwi siya at sinimangutan si King nang makilalang pagkain iyon ng pusa.
"Ano'ng pinapakain mo diyan sa bata, Havenstein?" inis na tanong ni Laby at dali-daling bumaba ng hagdan kahit pa kumikirot ang likod at tagiliran niya.
"That's food," sabi pa ni King at komportableng sumandal sa inuupuan nitong couch.
"Yes! Food for cats!" Hinalbot agad niya ang lata kay Zone at ibinalibag sa labas ng nakabukas na pinto ng bahay. "Bakit mo pinapakain ng pagkain ng pusa 'tong bata?" Kinarga niya agad si Zone mula sa tabi ni King. "Wala ka nang magawang maganda, ha?"
Naglahad ng palad si King habang nandidilat pa ng mata. "He was complaining that he's hungry! Magpasalamat nga siya, may nangunguya pa siya."
"How dare you?!" Dinala agad niya si Zone sa natatanaw niyang bahagi ng bahay na sa tingin niya ay kusina na at inupo roon si Zone sa ibabaw ng mesa dahil wala na roong maayos na dining chair.
"Laby, I don't like that food," reklamo ni Zone. "I want ice cream."
"Zone, walang ice cream dito," mahinang sinabi ni Laby harap-harapan kay Zone, iniiwasang marinig ni King ang sinabi niya. Tumayo na siya nang diretso saka nagkalkal ng mga drawer doon.
"Nagkalkal na 'ko diyan. Nag-aaksaya ka lang ng oras."
Mabilis na tumalikod si Laby at sinamaan ng tingin si King na nakahilig pasandal sa hamba ng malaking arko sa kusina.
"Kung wala kang maipakain sa bata, sana hindi mo binigyan ng pagkain ng pusa, di ba?" naiinis na sermon ni Laby. "Ikaw nga, di mo makain 'yon tapos ipapakain mo kay-" Hindi niya natapos ang sinasabi.
BINABASA MO ANG
Hunting Project: ZONE (Book 9)
AksiMagpapatuloy ang labang kanilang sinimulan. Nabunyag na ang mga lihim. Lumabas na ang mga sikreto. At ngayon, maghaharap-harap na ang bawat proyekto. Magsisimula na ang paghihiganti. Pababagsakin ang mga dapat bumagsak. Sa gitna ng malaking kaguluha...