A/N: Sa mga nagbabasa ngayon, may pa-Ask the Author yung WP Ambassadors sa Facebook page nila. Hindi ko alam kung kailan basta end of June or beginning of July yata. Hindi ko sure sa date, surprise na lang daw sabi nila, check n'yo na lang daw yung FB page nila every now and then. Isa kasi ako sa ife-feature nila. Yung una raw kasing makakapag-comment sa Guess the Author nila, isha-shoutout ko sa page nila hahahahahahaha sana isa sa inyo ang ma-shoutout ko. Sherkolang. Kinakabahan nga ako, baka walang mag-comment kasi di naman ako sikat huhuhu T___T)v ays lang naman. Di naman masakit.
Anyway, pa-ending na tapos skip na kayo sa Book 11: Herring's Eyes hahaha. Wag muna sa book 10. Sabog pa ako para mag-update diyan. XD
***
Araw ng parusa sa mga Superior, pero mas pinili ni Max na dalawin ang mga magulang niyang tatanggap din sana ng parusang kamatayan kung hindi lang mga nasa bingit ng kamatayan sa mga sandaling iyon.
Inililipat na si Richard Zach sa isang chamber na gaya sa pinaglagakan ni Armida Zordick. Pinanonood lang ni Max ang proseso mula sa labas ng glass wall ng medical facility ni Labyrinth.
At dahil kay Xerez niya inutos ang pagpapataw ng parusa sa castigation doon sa Black Pit, si Ara ang sumama sa kanya para bantayan ang paglilipat ng katawan ng papa niya.
"Gusto kong humingi ng pasensya dahil mawawalan ka ng paglilingkurang Superior dahil sa 'kin," pagbasag ni Max sa katahimikan nila ng babaeng Decurion.
"Hindi kahit kailan naging kasalanan ang pagbabasa, milord. Nasa mga Superior na lumabag ang kasalanan, wala sa inyo," sagot nito.
Sinundan nila ng tingin ang dating Fuhrer na ipinapasok sa nakahigang glass chamber habang may nakadikit na cannula sa ilong nito. May iba pang maliliit na tubong nakakakonekta sa katawan nito.
"Nakausap ko ang medical facility ni No. 99," sabi ni Max, "ilalabas na raw nila si Arjo bukas."
"Yes, milord."
"Alam ba ng mga Guardian ang tungkol doon?"
"Kailangang malaman ng mga Guardian pero ekslusibo lang ang impormasyon sa mga Decurion at kay Xerez, milord."
"Sabi ni Labyrinth, may paraan para manatili rito si Arjo."
Bahagyang tumungo ang Guardian, nangangahulugang may paraan nga.
"Alam mo?"
Bahagya na naman itong tumungo. "Isa sa pagpipilian ay isasama si Lady Josephine sa ibabalik sa chamber. Sa ganoong paraan ay mananatili siya rito sa Citadel bilang project ni Labyrinth na under special quarantine."
Biglang napasimangot si Max at nagkrus ng mga braso habang sinusukat ng tingin ang Guardian. "'Yan na yung paraan na sinasabi niya?"
Tumungo na naman ang Guardian. "Hindi pinapayagan ang pag-aampon ng ibang tao sa loob ng Citadel, milord, maliban kung under training sila bilang Guardian, o may Summons bilang Superior, o di kaya ay kabilang sila sa pamilya ng mga Zach."
"Pero kapatid ko si Arjo," mahigpit na katwiran ni Max.
"Pasensya na, milord, pero nakapangalan si Lady Josephine bilang Zordick na kabilang sa angkan ng mga Wolfe. Hindi siya Zach at kabilang sa pamilya ninyo, ayon na rin sa mga dokumentong ipinasa ni Lady Catherine sa Citadel."
Lalong napangiwi si Max at naibalik ang tingin sa papa niya niyang nasa loob na ng itinayong glass chamber at dahan-dahang pinupuno ng asul na tubig.
BINABASA MO ANG
Hunting Project: ZONE (Book 9)
ActionMagpapatuloy ang labang kanilang sinimulan. Nabunyag na ang mga lihim. Lumabas na ang mga sikreto. At ngayon, maghaharap-harap na ang bawat proyekto. Magsisimula na ang paghihiganti. Pababagsakin ang mga dapat bumagsak. Sa gitna ng malaking kaguluha...