CHAPTER 30

235 48 1
                                    


NASAPO KO ANG AKING ulo dahil sa biglang pagkahilo. This is so much to take. I can't believe Zandro lied to me. I trust him. Nando'n na ako sa point na gusto ko na makilala ang magulang namin.

Akala ko ay totoo talaga ang mga sinasabi niya. Pinagkatiwalaan ko siya dahil naghahangad ako ng pamilya tapos malalaman ko na puro kasinungalingan lang pala ang lahat.

"Aella," lumapit sa akin si Levi at hinagod ang aking likod. I bit my lower lips. Gustong kumawala ng mga luha ko dahil sa galit. How dare Zandro do this to me? I trust him! I let him stay in my house. "You should sleep, baby. It's late, it's not good for your health and the baby."

"I don't know who to trust, Levi."

Levi shrugged and held my arms. "Come on I will bring you to Izzy."

"Pero si Eve," nag-aalala kong wika. "Baka ano na ang nangyari sa kaniya."

Levi cupped my face with both of his hands. "I will call my friends, we will get Eve, okay? Don't stress yourself." Mahinahon nitong saad.

He becomes the Levi I used to love. Minsan talaga ay nag-aalala ako kay Levi. His mood changes fast.

Hinayaan ko si Levi sa gusto niya at nagpahila na lang patungo sa kwarto niya. I saw Izzy still sleeping on the same position where we leave her. Himiga ako sa tabi ni Izzy at marahan na inayos ang ilang hibla ng buhok nito paalis sa mukha.

"Sleep, baby, babalik ako kapag naka-usap ko na ang mga kaibigan ko." I looked over my shoulder and saw Levi behind me. Bahagya akong tumango at binalik ang mga mata kay Izzy.

Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto. Instead of sleeping I get out of bed and listen through the door. Nang masiguro ko na wala na si Levi sa mahabang hallway ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tahimik na nagtungo sa kwarto namin ni Izzy.

Hinanap ko ang bag ko at kinuha ang cellphone. I dialed Eve's number. Ilang beses 'yon nag-ring bago sinagot ang tawag.

"Eve? Thank God! This is Aella, nasaan ka? Ligtas ka lang ba? Bumalik ba si Zandro jan? Eve 'wag mong papapasukin si Zandro—"

"Aella," isang malalim na boses ang sumagot sa akin. Tila galing ito sa pagtakbo dahil humihingal pa ito. I heard heavy sighed and someone's wincing on the background. My heart starts to race.

"Zandro," napatakip ako ng bibig at napasalampak sa kama. Tears starts to build on my eyes.

"Yes, it's me, sister."

Kahit pa kinakabahan ay humanap pa rin ako ng mga salita. I swallowed hard. "Bakit na sa 'yo ang cellphone ni Eve? Nasan siya? Anong ginawa mo sa kapatid ko!?"

The background become silent. "She's... She's fine, had some bruises for running. I just give her some lessons but don't worry she's breathing."

"Fuck you, Zandro! Kapag may nangyaring masama kay Eve mananagot ka. Ano bang kailangan mo? Tigilan mo na si Eve, pakawalan mo siya. Sabihin mo sa akin ang kailangan mo basta pakawalan mo ang kapatid ko." I said between gritted teeth.

I clench my fist when I felt unfamiliar feelings inside me. I was raging. I'm mad. Thinking of Eve's bruised body. Ayaw ko man isipin pero sa tingin ko ay si Eve ang naririnig ko sa background na dumadaing kanina.

"I want you, Aella. And don't think of bringing your boyfriend with you, come to my place and we'll settle." The phone hang up.

"Zandro? Fuck!" Napahilamos ako sa mukha dahil sa inis. I clutch my phone and get my bag. Nilagay ko sa loob ng bag ang phone ko at tahimik na lumabas ng kwarto.

Hindi ko alam ang pakay sa akin ni Zandro at wala akong idea. I fucking lost my memory from the past and maybe it has something to do with him. Maybe I did something to him before and he needs something from me in return.

Hindi siya magpapakita sa akin at magpapakilala kung hindi niya ako kilala. He won't lie to me. Bumalik ako sa kwarto ni Levi at humiga muli sa tabi ni Izzy. Tinago ko ang bag ko sa ilalim ng unan at yumakap sa anak ko.

I kissed her forehead. Pinikit ko ang mata ko at hinayaan na maging abala ang utak. Hinintay ko na bumalik si Levi sa loob ng kwarto. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko. I felt his presence behind me.

"Aella,"

"Yes?" Mahina kong tugon.

"I will leave, Eve wasn't there. Your house was mess when they check it. Don't worry we will find her, okay?"

Nagmulat ako ng mata at dahan-dahan na umalis sa kama para hindi magising si Izzy.

"Alam niyo ba kung nasaan siya?"

Dumako ang tingin ni Levi kay Izzy at umiling. "No, but Verdict was working with that right now. Stay here with Izzy, pagbalik ko kasama ko na si Eve, okay?" He stepped forward and cupped my face.

Napapikit ako nang maramdaman ang mainit niyang palad sa aking pisngi. I have to lie. Hindi hahayaan ni Zandro na sila ang makaharap niya, baka mas lalo lang malagay sa peligro si Eve. I can't risk her life.

"Ligtas ba kami ni Izzy rito? Wala bang ibang makakapasok sa bahay na ito, natatakot ako baka mapahamak si Izzy. Kung ako lang ay ayos lang pero kasama ko si Izzy." I act scared. I bit my lower lips. Hindi ko alam kung ayos ba ang pagkakabigkas ko.

"You're safe here. The whole villa was secured and no one can enter here without my permission."

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "I trust you. Go and save Eve, keep her safe for me."

He lean and kissed my forehead. "I will. I have to go."

Pag-alis ni Levi ay mabilis kong kinuha ang bag sa ilalim ng unan at tinawagan ang numero ni Eve. It was answer immediately.

"If you want your sister alive tell your fucking boyfriend to get out of the way." Zandro's voice was fuming mad. I can feel he's clenching his fist.

Kahit labag sa loob ko ay sinabi ko sa kaniya ang gagawin nila Levi. If that Verdict was trying to track Eve's phone Zandro will know. Naalala ko noong nasa vacation house kami nila Zandro, abala ito sa harap ng laptop niya at may kung ano-anong tinitipa roon.

Zandro knows how to hack sites. And I know he's monitoring Levi' friends right now.

"Kung kailangan mo talaga ako hahayaan mo si Eve, sabihin mo sa akin ang address at pupunta ako... mag-isa."

Ramdam ko ang ngisi sa mga labi niya nang magsalita siya. "I know. Because you don't want your little girl crying over your sister's thomb."

Nadako ang mata ko kay Izzy. I will end this problem with Zandro and find my real family. Ayaw kong manatiling walang alam kung sino ba ako. Naloloka na ako minsan dahil sa kawalang alam sa mga bagay na nangyayari.

Zandro sent me the location. Hindi ko alam kung anong oras na ng gabi pero siniguro ko na nakasara ang mga bintana at pinto bago ako umalis.

I left a note on the bedside table. After leaving the house without any phone with me, because I know Levi will find me. I sent him a message to come home and stay with Izzy.

Lumabas ako ng Villa at pumara ng taxi. Hinintay kong pumasok ang kotse ni Levi sa loob ng Villa, ilang kotse ang sunod-sunod na pumasok sa Villa. Mga mamahalin na kotse 'yon at sigurado ako na mga kaibigan ni Levi ang mga 'yon.

I waited until they're gone. Sinabi ko sa driver ang location. My heart was racing. Wala akong plano sa utak o ano mang armas sa akin. It's just me.

Hindi ko alam ang kailangan ni Zandro sa akin. Ang nasa isip ko ngayon ay ang iligtas si Eve mula kay Zandro. He wants to trade. Papakawalan niya si Eve kapalit ko, kahit nag-aalinlangan ako dahil baka hindi niya tuparin ang kasunduan ay kumagat pa rin ako. Wala akong idea sa mga ganitong bagay.

Padalos-dalos lang ako dahil wala na ako sa tamang pag-iisip. I have to save Eve.

Hindi ko alam kung ilang oras ang byahe ko pero narating ko na ang sinabi ni Zandro na address. Isang matayog na building 'yon at mukhang ginagawa pa. The place was in complete darkness.

Sobrang lamig ng simoy ng hangin kaya kusa akong napayakap sa sarili. Kampante na ako dahil alam kong safe si Izzy kay Levi ngayon. If something bad happened to me tonight, I know Izzy was in a good hand. Hindi siya papabayaan ni Levi.

Bumuga ako ng hangin bago pumasok sa loob ng ginagawang building.

Prisoner of the Past [COMPLETED] (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon