CHAPTER 36

203 46 0
                                    


HULING ARAW ko ngayon sa hospital, dalawang linggo lang naman ako. Masyado lang nag-overreact si Levi dahil din sa pagbubuntis ko, unang linggo pa lang ay puwede na akong lumabas pero kinontra ni Levi. Ang ending ay dinadalaw ako ni Izzy sa hospital.

We made an excuse to her. Dinahilan namin ang pagbubuntis ko kaya ako nanatili sa hospital. Izzy being Izzy, she was so happy to know that she's having a younger sibling.

"Levi, stop it." May pagbabanta na sa tono ko habang sinasaway si Levi sa ginagawa niya.

Tila ako baldado dahil sa ginagawa niyang pag-akay sa akin sa mahabang pasilyo ng hospital. Palabas na kami at patungo na sa parking lot.

Napalingon ako sa kabila kong gilid nang maramdaman ko ang maliliit na kamay na humawak sa aking binti. I saw Izzy's both hands holding my legs as if she's supporting me, too. I grunt and mentally rolled my eyes.

Like father, like daughter!

"I give up," I whispered with a blow. Suko na ako sa mag-ama na ito. Kuhang-kuha ni Izzy ang ugali ni Levi, hindi lang 'yon dahil pati mukha nito. May nakuha naman sa akin si Izzy kaso ay lumalabas talaga ang hawig nila ni Levi lalo na kapag na sa public place kami at masungit ang histura ng anak ko.

I was still thinking of telling Izzy the truth. Pero nagdadalawang-isip ako dahil masyado pang bata si Izzy, hindi pa niya ako maiintindihan siguro ay aaminin ko na lang sa kaniya ang totoo kapag nagkaro'n na siyang sapat na kaalaman sa mga bagay. I will talk to Levi about it and we will settle down.

Hanggang makarating kami sa parking lot ay akay ako ng mag-ama. Napapabuga na lang ako ng hangin.

Wala si Eve ngayon dahil kasama niya ang triplets, ang paalam ng mga ito ay maghahanap sila ng school na papasukan ni Izzy. Hinayaan ko na lang sila sa gusto nila.

"Levi, can we talk?" Pukaw ko sa atensyon ni Levi. Nasa bahay na niya kami at kasalukuyan si Izzy ay natutulog sa kwarto niya. Sa tingin ko ay nasasanay na ang anak ko na matulog sa kwarto ni Levi, hindi naman umaangal si Levi.

Binitawan ni Levi ang hawak niyang kutsilyo. Naghahanda kasi siya ng pagkain para sa hapunan. He wipe his hands with the tissue.

"What is it, baby?" Lumapit ito sa akin at walang sabi na hinalikan ako sa labi.

Mabilis kong tinampal ang balikat niya. "Levi!"

He shrugged. "What is it you want to talk about?"

I put a gap between us and took a deep breath. "About your son. Hindi pa tayo nag-uusap tungkol sa atin, magkasama tayo ngayon sa iisang bubong pero hindi tayo nag-uusap tungkol sa atin."

"I told you about him, right?"

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga susunod kong sasabihin.

"Levi," napahawak ako sa aking braso at bahagyang kinuskos ang palad ko ro'n.

"Are you sure he's your son? I mean, hindi ako against sa sinasabi mo na anak mo siya, tatanggapin ko siya kahit anak mo siya sa labas pero... I was just thinking, hindi ko lang maiwasan na isipin. Sigurado ka ba?" Kinakabahan kong saad.

Ang totoo ay may parte sa akin na umaasa na sana ay hindi niya anak si Ark. Ayaw ko ng may kahati sa atensyon ni Levi si Izzy, pero kung totoo man na anak nga niya ito ay pipilitin ko na tanggapin dahil may kasalanan din ako. Kung hindi siguro ako umalis ay walang ganito.

Nangunot ang noo ni Levi kaya mabilis akong umiling at binawi ang sinabi ko. "Sorry, 'wag mo na lang ako pansinin. Sorry."

"No, it's fine, baby. It's just that, you have a point." Salubong pa rin ang kilay ni Levi. "I will call him, we will have a DNA test." Lumapit sa akin si Levi at pinatong ang palad sa ibabaw ng ulo ko.

Prisoner of the Past [COMPLETED] (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon