CHAPTER 32

203 47 0
                                    


NAPASINGHAP SI AELLA nang makapasok na siya ng tuluyan sa loob ng building. Hindi niya alam kung saan ba siya pupunta dahil walang sinabi si Zandro kung sa loob ba o labas ng building ba siya dapat.

She just let her instinct kick in. She walk pass the rooms that was still on process. Puro kahoy at bakal ang bawat kwarto na nadadaanan niya. Sa tingin ni Aella ay isang company ang ginagawang gusali.

She go up to the top floor. Walang presensya ng tao o kahit ano, tanging ilaw lang na sumasakop sa malawak na palapag.

Napabuga ng hangin si Aella at akmang aalis na nang makarinig siya ng mga yabag. It was more than one person. Naalarma siya at mabilis hinanap kung saan nanggagaling ang mga yabag na 'yon. Her eyes landed on the door when Zandro showed up with a huge grin on his face.

Masaya ito na makita siyang mag-isa. He wants this. Dumako ang mata ni Aella sa babaeng kasunod ni Zandro. Inaasahan ni Aella na si Eve 'yon pero hindi. Tila lumubog ang puso niya sa nakita.

"Cath?" Hindi makapaniwalang tawag ni Aella sa pangalan ng secretary niya.

The woman wave her hand at her and wink. "Hello, Ma'am Aella. It's good to see you here... alone." Hindi katulad ng Cath na secretary niya, ibang-iba ang babaeng kaharap niya.

Cath was wearing a dress that almost hug her body. She's wearing a flirtatious smile on her face before she get something from her behind. Nanlaki ang mata ni Aella nang tutukan siya nito ng baril.

"Cath!"

"Trabaho lang, Ma'am Aella. Walang personalan." Baliwalang wika ni Cath.

Bago pa kalabitin ni Cath ang baril ay tinaas ni Zandro ang kamay niya na tila pinapatigil ito.

Hindi alam ni Aella kung dahil ba sa pagod o takot kung bakit siya hinihingal. Tila kakapusin siya sa hangin dahil sa baril na nakatutok ngayon sa kaniya, isang kalabit lang noon at tapos na ang kaniyang buhay. Ang buhay na hindi manlang niya alam kung totoo ba o hindi, hindi niya alam kung sino ang mga magulang niya. Kung sino ba talaga siya, kung 'Aella' ba talaga ang pangalan niya.

Sumagi naman sa isipan ang pinakapunong pakay niya rito, si Eve.

"Nasaan si Eve?" Kinakabahan na tanong ni Aella nang maalala niya kung ano ang pinunta niya rito.

Zandro shrugged. "She got off, well, maybe someone helped her but it doesn't matter now because you're here and that's what all matters now... the amnesia girl is here."

Napailing si Aella dahil sa sinabi ni Zandro. Kung nakatakas si Eve ibig-sabihin ay nasa maayos na lugar na ito, kung totoo man na may tumulong sa kapatid niya ay mapapanatag na siya. Hindi na siya dapat mag-alala dahil nandito si Zandro.

"Now," panimula ni Zandro at hinawakan ang baril ni Cath na nakataas at bahagya 'yon binaba. "Let's start where you started this mess." Dugtong ni Zandro.

Kumuyom ang kamao ni Aella dahil sa mga sasabihin ni Zandro.

"Zandro, please, alam mong wala akong naaalala sa kung ano mang nangyari sa nakaraan." Ani Aella. Iniisip niya na baka madala sa salita si Zandro.

Umiling si Zandro na tila hindi iniintindi ang sinabi niya. "This is not my life Aella, this is not me." Natatawang saad ni Zandro at bahagyang humahakabang pabalik-balik.

"Then don't do this. Baka mapahamak ka Zandro, please, pwede natin ito pag-usapan nang maayos."

Nagulat si Aella nang agawin ni Zandro ang baril kay Cath at pinutok 'yon sa kung saan. Napatili si Aella dahil sa gulat.

"I can't even lift a gun before, but look at me now, holding it still and soon I will hold this next to your head where I will buried every single bullet of this gun to your fucking brain." Hindi mapigilan ni Aella na manginig sa takot. That's not impossible.

Prisoner of the Past [COMPLETED] (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon