HINDI AKO DUMIRETSO sa boutique. Naisipan ko na umuwi sa bahay dahil hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Levi sa bahay matapos nitong kuhain ang mga damit ko.Tumigil ang kotse ko sa tapat ng bahay. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob. The house was still the same, maliban na lang sa katahimikan na hindi ko talaga kasanayan. I miss Izzy, and Eve.
Bigla kong naisip, alam kaya ni Eve na hindi ako totoong anak ni Daddy? Does she know something too?
Dumiretso ako sa kwarto namin ni Izzy. Sobrang tahimik, nakakabinging katahimikan. Umupo ako sa kama namin at doon inabot ang paboritong unan ni Izzy. I hugged it and felt the softness of the pillow, naamoy ko pa ang pambatang pabango niya sa unan. Mas lalo ko tuloy siyang namiss.
Humiga ako sa kama at yinakap nang mahigpit ang unan.
Unti-unting bumagsak ang luha mula sa mata ko. Kanina ko pa pinipigilan ang nagbabadya kong luha. I didn't expect the revelation from Levi, I can't process everything. I tried to act normal earlier but deep inside my world crashed.
Ang daddy ko na akala ko ay totoo kong ama ay hindi pala. The medicine he was giving me, I thought it was for my headaches but it's for my memories to get lost. I trust him all my life and didn't expect this, how can he do this? Anong rason niya?
I clench my chest when I felt a sudden pain cross my heart. Napapikit ako ng sumakit nanaman ang ulo ko.
"Fuck!" It was word-wrecking pain. Nasapo ko ang gilid ng ulo ko, biglang nandilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay.
I WOKE UP INSIDE A FAMILIAR ROOM. I took a deep breath before scanning the surrounding. Ang jacuzzi ang unang nakaagaw ng pansin ko, well maganda naman kasi talaga ang jacuzzi, pero ang mood ko hindi.
Bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa no'n si Levi. Napasimangot ako bago umupo sa kama.
Why is it always him that I see every time I woke up? Wala na bang ibang mukha ang mabubungaran ko sa umaga?
"Ang aga nakasimangot ka agad," he said before walking towards my direction. "How are you feeling?"
"Not okay, and will never be okay." Masungit kong sagot. He chuckles before jumping on the bed in front of me. Nagulat ako sa ginawa niya.
"It's the side effect of not taking your medicine daily, if you stopped drinking the meds then your head will hurt more."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Paano mo nalaman? At bakit nandito ako? How did you know I'm at my house?"
He shrugged. "I know everything about you, baby." Malagkit na bigkas niya.
"Bakit nandito ka? Hindi ba dapat nasa pamilya mo ikaw?" Pagtataray ko. I don't like his presence, his affect to me won't help. Masyado akong marupok pagdating kay Levi kaya hangga't kaya ko siyang tarayan gagawin ko.
Sumama ang hulma ng mukha niya sa sinabi ko. "Stop mentioning them, will you?"
"Oh, talaga? Bakit naiinis ka ba?" Pang-aasar ko lalo.
"Aella," may pagbabanta sa boses niya.
I crossed my arm above my chest. "Stop calling my name, it irritates me."
Dumukwang siya palapit sa akin at pinitik ang noo ko. Nagulat ako sa ginawa niya at napa-awang ang labi. "Ang taray mo umagang-umaga, come on, your breakfast is ready." Hindi ako nakagalaw ng hilahin niya ang braso ko palabas ng kwarto.
I wasn't able to protest. He bring me to the kitchen and put me on the chair. Hindi ako nagsasalita o nagrereklamo. I let him do things, wala naman akong panama sa lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Prisoner of the Past [COMPLETED] (SOON TO BE PUBLISHED)
Romance[Mature Content R18+] Aella Louise Claveria was in a toxic relationship with Levi Reid Alvarez. She endured the abuse, feeling trapped and helpless. But one day, she found the courage to leave Levi and start a new life. Over the years, Aella worked...