CHAPTER 40

217 46 0
                                    


NAMILOG ang mga mata ko at napayuko. My gaze went down to the floor and tried to find something that wasn't there. Pilit kong iniiwasan ang mga mapanuring mga mata. Gago kasi ang Levi na 'yon hindi manlang sinabi na darating pala ang mga kaibigan niya ngayong araw. Pero hindi rin naman daw niya alam. Pero bwisit pa rin siya!

"A–Ah, ikukuha ko lang kayo ng maiinom." Nahihiya kong saad habang nakayuko pa rin. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng mga tuhod ko dahil sa mga ginawa sa akin ni Levi.

Tumalikod na ako at mabilis silang iniwan sa sala. Bago pa ako makaalis ay nahagip ng mata ko ang mukha ni Primo na nakangisi. I glare at him and gritted my teeth.

Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng mga baso at nagtimpla ng juice. Kumuha rin ako ng tinapay bago dinala ang tray sa sala. I found them sitting around the center table with their serious faces. Tumikhim naman ako bago tahimik na nilapag ang dala sa table.

"Maiwan ko muna kayo," nahihiya kong wika. I look at Levi. I give him a warning look and smile at him sheepishly. "Sa kwarto muna ako."

"No, stay here," pigil ni Levi sa akin at hinila ang kamay ko. I landed beside him as he hold my hand and intertwined our fingers. "We're discussing your business, Izzy's Boutique, we want to expand your store and invest. You know your business has potential baby, right?"

Napanganga ako sa sinabi ni Levi. Napatitig ako sa mga mata niya at sinusuri kung nagbibiro ba siya o hindi, at mukhang hindi.

"Pinsan 'wag kayong maglandian sa harap ko, puwede?" Nabaling ang tingin ko kay Primo. Inirapan ko siya at sinamaan ng tingin. Akala niya ba nakalimutan ko na ang una namin pagkikita? Kapal niya! Hindi ko siya kukuhain na ninong ng mga anak namin ni Levi.

Hindi siya pinansin ni Levi kaya naman bahagya akong natawa. Buti nga.

"Bakit niyo naman gagawin 'yun? Okay naman na ang business ko, at isa pa babalik na ulit ako pagtapos ko lang dito sa mga problema."

Umiling si Levi sa akin. "It's not that, baby. We just want to help you, at isa pa regalo na rin nila sa 'yo ito, hindi ba?" Nilingon ni Levi ang mga kaibigan niya.

They introduce themselves earlier. Ang nakilala ko lang ay si Zephyr at Primo. Ang tatlo ay si Leon ang kapatid ni Zephyr na katulad niya ay asul ang mga mata, si Alas na may mapaglarong ngisi sa labi, at si Maximus na sa tingin ko ay ang pinaka-normal na ang tindig sa kanila. Siya lang kasi ang naiiba ang appearance sa kanila. He smile normally without any hint of flirting, when his face is serious you wouldn't know if he's mad or what. He just look... normal. But looks can be deceiving.

"Nakakahiya naman, malayo pa ang birthday ko. Pero salamat sa tulong niyo ha? Malaking tulong din 'yun sa business ko dahil din sa mga nangyari, ang tagal ko rin hindi naasikaso ang boutique. Salamat." I bow my head while chanting 'thank you'.

"And they came here to invite you. May pa-blessing si Maximus para sa business niya."

"Talaga? Kailan? Anong business? Saan gaganapin?"

Ngumiti si Maximus sa akin at sumagot. "Next week, Levi will be there too so he knows where. And my business is clothing line."

Nagliwanag ang mga mata ko dahil sa narinig. "Hala! Salamat sa invitation, pupunta kami ro'n promise." Tatayo sana ako para makipagkamay kay Maximus pero mabilis umikot ang paningin ko.

I lost my balance but Levi caught me on his arms. Biglang nagdilim ang paningin ko at tumibok ang ugat sa sentido ko bago ako tuluyang nanghina sa mga braso ni Levi.

"Aella!" It was the last thing I heard before I lost conscious.


NAGISING ako dahil sa batang umiiyak. Akala ko ay nananaginip lang ako dahil hindi ko magawang imulat ang mga mata ko. I tried to open my eyes but I can't. Tanging kadiliman lang ang aking nakikita... walang hanggang kadiliman.

Prisoner of the Past [COMPLETED] (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon