chapter 2

359 22 3
                                    

"aw.." natatalsikan ako ng mantika. Pero go lang Gusto to ng kids.

"Dahan dahan kasi para hindi ka mapaso!" Napalingon ako at si pumasok si samuel sa kusina.

"dahan dahan nga.. tumatalsik talaga." —

"akin na ako na magtutuloy nyan."

"Naku Hindi na.. ako na, kaya ko na to. Asan yung dalawa?"

"nagbibihis.."

"Nakahain na ata sila ate sa dining.. kumain na muna kayo bago mag swimming." —

"naghahain palang sila ate mena."

"Ahh ganun ba.. nga pala samuel, pasensya ka na sa mga bata ha.. miss na miss ka talaga."

"natutuwa nga ako sa Kanila. and wag kang mag sorry no kasi miss na miss ko rin sila Gusto ko kapag ganun sila. Lalo na si yael napaka cute!"

"araw araw nagtatanong sakin yon kung pupunta ka ba e hindi ko naman alam ang isasagot ko.."

"Don't Worry pupunta na ako araw araw."

"k-kung ayaw mo naman akong makita pwede mo naman ayain yung dalawa na Lumabas with you."

"Huh? Wala Naman akong matandaan na sinabi kong ayaw kitang makita." — natatawa si samuel at umiling.

"ganun na rin yun no.. sira okay lang naman. Naiintindihan ko naman!" —

"ang drama talaga kahit kelan.. dalian mo na dyan at pababa na yung dalawa kakain na ulit. Masisira ang diet ko. lalo na love language mo ay busugin kami ng masasarap mong luto."

"hindi na naman ako masyadong nagluluto Ngayon."

"Huh, bakit maman?"

"wala lang.."

"Bakit blooming ka lately?"

"blooming? Wala nga akong kaayos ayos. Siguro kasi masaya lang ako with our two kids. sweet sweet nung dalawa. Ikaw din naman a, fresh ka these days. Mukang magaling mag alaga yung girlfriend mo." Natawa si samuel.

"ikaw Siguro nagsabi kay yael na may girlfriend ako no?"

"excuse me, Ofcourse not! close na close yung dalawa so baka pinag uusapan ka nila. Never kong io-open up sa dalawa na may iba kang babae."

"Chill! Im just kidding.."

"sige na at Puntahan mo na yung dalawa."

"see, ako ba ang Umiiwas? Parang ikaw nga. paalis ka nang paalis sa akin pero kapag wala ako dito Papunta ka nang Papunta."

"Pinapapunta lang kita dito dahil sa mga bata. Wala nang iba!"

"bakit ba ang defensive mo?"

"E bakit din ang yabang yabang mo? Hindi na talaga kita ite text na pumunta dito. bahala ka kapag nagtampo sayo yung dalawa! Hindi na nga dapat kita tine text e."

"alam ko naman yung responsibilities ko sa dalawa, selene."

"Sana nga samuel.. mahal na mahal ka nung dalawa and please wag mong hayaan na madamay Sila sa kung ano mang nangyari sa marriage natin." —  Tumango lang si samuel at hinaplos ako sa likod.

"Im sorry. Nainis ka ba sakin?"

"Hindi.. sige na don't waste your time talking to me. dun ka na sa mga bata."


buti nalang hindi sa pag aaway napunta yung usapan namin ni samuel kanina. Ngayon andito na kami sa pool area. Enjoy na Enjoy Yung dalawa and si Yael karga ng daddy nya.

"Mommy halika na po ligo na din po ikaw!" — sabi ni yael at winiwisikan pa ako ng tubig.

"kayo nalang muna nila daddy anak. masama Pakiramdam ni mommy e. Watch ko nalang kayo." — Kahapon pa masama ang Pakiramdam ko kaya nga maaga akong umuwi.

"mom Magpahinga ka nalang po kaya sa Kwarto? Pupunta nalang po kami mamaya dun." — Sophie.

"yah! Sige na mommy Magpahinga ka na. ako nang bahala dito." — Tumango lang ako at pumunta na sa kwarto namin ni samuel na kwarto ko nalang Ngayon. wala na dito si samuel sa bahay e.












"Kelan pa masama Pakiramdam ng mommy nyo?" — tanong ni samuel kay sophie at yael.

"Kahapon pa daddy.." — sophie.

"Hala baka sumasakit na naman ulo nya.." — yael. "Daddy dito ka na matulog please? Para bantayan natin si mommy.."

"Anak Kasi kailangan Umuwi ni dad.. babalik nalang ako bukas." —

"Pero daddy may sakit po si mommy kawawa naman sya." — dagdag pa ni yael.

"Hayaan mo na baby. tayo nalang mag alaga kay mommy mamaya ha? Dont worry." — nginitian ni sophie si yael at hinaplos ang pisnge nito. "sabi kasi ni mommy, kami nalang ni yael ang concern mo. So Naiintindihan ko po kung bakit di mo kayang mag stay dito to take care of mom. Pero sana Naman Po wag nyong kalimutan na asawa mo pa rin si mommy kahit may iba ka nang kinakasama. hindi na naman po ako bata na katulad ni Yael so Naiintindihan ko na po kayo." —

"anak hindi naman sa ganun.."

"Its fine dad! Okay lang po. nung nakaraan din po masama Pakiramdam ni mommy. Sabi namin sa kanya tatawagan ka namin pero ayaw na nyang maistorbo ka. hindi ka naman po pinag i-stay ni mommy dito kami lang po ang may gusto. Baka kasi magka ayos pa kayo ni mommy. Natuto na naman po si mom, dad.."

"sabi ni mommy alam na nya i handle ung oras para sa atin.." — yael.

"kayo talaga.. sige na at kumain na muna kayo. basta lagi nyong tatandaan na mahal na mahal namin kayo ni mommy."









Hindi ko alam kung bakit madalas sumakit ang ulo ko at nahihilo. hindi naman ako Pwedeng buntis. Never Naman akong nakipag siping sa iba and kay samuel matagal nang walang nangyayari namin. Baka Siguro pagod lang ako sa Trabaho at stress. Sana hindi to mag tuloy tuloy. Kailangan kong mag Trabaho at maalagaan si sophie at yael.



"selene.." — Binuksan ni samuel ang pinto. Hindi naman ako gumalaw sa pwesto ko. "selene!"

"Oh? Bakit? Tapos na kayo? anong Oras na paahunin mo na Yung dalawa."

"Naliligo na sa kwarto ni ate sophie. Kamusta Pakiramdam mo?" —

"okay na ako. Itutulog ko lang to. maligo ka na rin! may damit ka pa dyan sa cabinet ko. Hanapin mo nalang." —

"sige.. thank you! uhm pwede ba dito muna ako mag stay Ngayon? Para maalagaan ka namin ng mga bata."

"Naku, hindi na.. nakakahiya naman. Itutulog ko lang to then okay na! Wag mo akong intindihin."

"but selene gusto rin nung mga anak natin na dito ako mag stay Tonight. kinausap ako kanina."

"Sya sige na. Malaki naman yung kama ni sophie sa kwarto."

"Pano ka namin mababantayan kung. Nasa ibang kwarto kami? Syempre dito dapat sa kwarto natin."

"Kwarto ko nalang to Ngayon no!"

"fine. Kwarto mo nalang kung kwarto mo. Basta Dito kami ng mga bata para maging maayos ka na rin." Kitang kita ko na naghubad si samuel ng swimming trunks. Shuxx?? ano ba naman bakit naghuhubad basta basta??

"Samuel naman!! Para kang gago!" — nagtakip ako ng unan sa muka.

"ano pa kasi ang itatago ko sayo? nakita mo na lahat to. ayaw mo ba ulit makita?"

"Bastos! Maligo ka na nga." — Umayos na ako ng higa dahil Pumasok na si samuel sa banyo. im not prepared! but its bigger than before. Na miss ko tuloy. Char!

Mending heartsWhere stories live. Discover now