chapter 3

327 17 6
                                    

"mommy okay Ka na ba? Masakit pa po ba Ulo mo?" Yumakap sa akin si yael.

"onti nalang anak.. san si ate sophie?" —

"Nasa room nya po gumagawa ng assignment nya po. Daddy dito ka na po ba matutulog?"

"yes anak! dito tayo sa kwarto namin ni mommy."

"Sabi mo kanina daddy kailangan mo umuwi.." — Nagkatinginan kami ni samuel.

"ah hindi nak! Bantayan nalang muna natin si mommy." —

"samuel, kung kailangan mo nang umuwi okay lang. okay ako dito si Sophie and Yael."

"bukas nalang."

"Wehh daddy sabi mo may pasok ka pa bukas e! nagalit lang si ate dito ka na mag sleep.." — Huh?

"A-ano? Bakit nagalit si Sophie?" — Ano ba ang nangyari dito sa mga to habang nasa swimming pool?

"wala.. hindi naman nagalit e." —

"Yael? Anong nangyari?" — Niyakap ko si yael..

"k-kasi mommy Uhm wala po.. sabi ni dad dito sya matutulog."

"Yael!"

"kasi mommy ayaw matulog Dito ni daddy tapos sabi ni ate dito nalang para bantayan ka namin kasi sabi ni ate asawa kayo ni dad. Dapat andito si dad kasi masama Pakiramdam mo po."

"What? gush.. ah im sorry samuel. You dont need to stay. Pasensya na." — umupo si samuel sa kama. baka pinilit lang to ni sophie na dito matulog. "Sige na makaka alis ka na."

"Ha? selene dito na nga muna ako."

"Samuel sige na.. baka pinilit ka lang nitong dalawa. okay ako, okay kami ng mga bata. Mag iingat ka pauwi."

"selene naman.." — Natawa nalang ako.  "baka galit ka?"

"sira hindi no! Alam ko naman na may nag aantay sa pag uwi mo. kaya sige na.." — Ngumiti lang ako at hinaplos ang braso ni samuel. "Ingat ka." akala ko pa naman magpupumilit pa sya mag stay dito. well, Siguro nga gusto na nya talagang Umuwi. Someone is waiting for him.

"anak babalik nalang si daddy bukas.." — hindi sumagot si yael at nakasubsob lang sa dibdib ko.

"Anak.. aalis na daw si dad!" — Sabi ko kay yael.

"bye po."

"yael ayusin mo." — Umupo si Yael sa kama at Hinalikan si samuel sa pisnge.

"Ingat po daddy." —

"Babalik nalang ako bukas ng umaga ha?"

"Ingat ka samuel.. Puntahan mo nalang din si Sophie sa kwarto nya."

— Pagkalabas na Pagkalabas ni samuel sa kwarto ay Yumakap ako kay yael at napaluha. yung asawa ko wala nang pakeelam sakin. naiinis ako sa sarili ko kasi kasalanan ko to! hindi naman ganyan si samuel dati. He's always choosing me. Gusto nya lagi kaming magkasama. Pero Ngayon, hindi na mapilit na mag stay dito sa bahay para magka sama sama ulit kaming matulog. anong ginawa ko sa Pamilya ko..

"mommy wag ka nang umiyak.. Sorry po dapat hindi ko na sinabi na nagalit si ate sophie kaya mag stay si dad."

"baby wala kang kasalanan. Mabuti pa Yun sinabi mo para hindi mapipilitan si daddy na mag stay. pero anak ha, wag kang magagalit kay dad. Bad yun!"

"Opo Mommy.. kiss ko nalang po Ulo mo para hindi na sumakit lalo.." Hinalikan ni yael ang ulo ko ng Maraming beses.

"thank you baby.. halika na dito sa akin para makatulog ka na. napagod ka ba mag swim?"

"Medyo lang po mommy kasi karga ako ni daddy. Tapos mommy ang sarap ng corn dog and nachos. Thank you mommy the best mommy ka po!" — Niyakap pa ako ni Yael. dito lang talaga sa mga anak ko ayos na ako e. napaka sweet! Kahit si Sophie ang sweet sweet kahit young lady na.


"Ma.. umuwi pa rin si daddy." — pumasok si sophie sa kwarto at Yumakap agad sakin.

"nak hayaan mo na ang daddy mo. Busy sya siguro. Pero sabi nya babalik sya bukas ng umaga."

"But can't he understand? We need him. masama ang Pakiramdam mo and you need someone who will take care of you and say yun!"

"but im fine baby.. okay naman tayo with or without him e. syaka Hindi na ako ang priority ng dad nyo. Kayo nalang."

"Still mag asawa kayo."

"hayaan nyo na.. kasalanan ko rin naman e." — nasa magkabilang side ko si yael at sophie at nakayakap sakin.  "mag shopping nalang tayo bukas. Susunduin ko kayo sa school.. wag na kayong malungkot dyan!"

"yeheyyy!! Mommy mag play Tayo ha?" — Natawa ako biglang naganahan si yael. But si Sophie wala pa rin. nakita nya kasi kung paano kami ng dad nya before sobrang saya talaga namin. Nagka Trabaho lang ako kaya nagka ganito. Hello, gusto ko lang ma promote para mas malaki anv sahod. Pero lahat nga ng Sobra, masama.

Mending heartsWhere stories live. Discover now