chapter 12

318 12 2
                                    

"anong gagawin natin samuel?" — umupo si selene sa kama. "Paano na?"

"onting lambing lang yun si Sophie.. kilala mo naman yun. mamaya pag uwi kakausapin natin."

"kasalanan ko lahat nang 'to e. Naiinis ako sa sarili ko. I really hate my self for being so pathetic. kung hindi naman ako nagkulang ng time sa inyo baka masaya pa tayo Ngayon!" Humawak si selene sa sentido nya at nagtakip ng muka sya umiyak.

"selene its not only your fault.. may mali rin naman ako dito kaya wag mong isisi lahat sayo." — Umupo si samuel sa kama at hinawakan ang kamay ni selene. "wag ka nang umiyak.. mamaya kung ano pa ang mangyari sayo." — Hinahaplos pa ni samuel ang likod ng asawa.

"im so sorry sam.. s-sige na Pwede mo na akong iwan dito. I'll be fine."

"no. dito nalang din ako. wag mo na nga akong paalisin pwede? maging okay tayo para sa mga bata. kung ayaw mo na sakin, okay lang basta maayos tayo sa harap ng mga bata. ayokong nakikita na ang gulo gulo ng Pamilya natin selene. So please!" —

"dapat nga sayo ko sabihan yan e.. you're the one who decided to be in this kind of situation samuel. alam mong mahal na mahal kita but then you still chose to leave. pinipigilan kita, gagawin ko ang lahat para mag stay ka pero ayaw mo na. kaya alam kong ayaw mo na talaga sakin. ganun ba ako kasamang asawa?" — may namumugto na namang luha sa mga mata ni selene.

"pasensya na.. napagod din ako."

"p-pero Tama ka. maging maayos tayo para sa mga bata. and please tell to your girl na kapag nakita yung mga anak ko huwag na huwag nyang papansinin. baka mamaya kung ano ano pa ang sabihin."

"Hindi ganun si grace.."

"wag mo na ngang ipagtanggol. kung gusto mong maging ayos tayong dalawa, dont you ever say her name on my face."

"wag na wag mo na ring papapuntahin Dito si victor and pag narinig kong binanggit mo ang pangalan nya..."

"ANO?" — 

"may punishment ka."

"i dont care about that punishment."

"really? Sige nga say his name." — Inaayos ni samuel ang Dress ni selene.

"stop ang bastos mo! namomoblema na nga tayo kay sophie yan pa iniisip mo."

"Susunduin ko naman yung inuutos mo e. sundin mo rin yung akin.. may punishment nga lang." — humiga na si samuel sa kama.

"punishment your face no.. puro ka kabastusan."

"halika na dito mahiga ka na.. Magpahinga ka na muna."

— Humiga si selene sa Tabi ni samuel at huminga sya ng malalim.

"tawagan mo nga si Sophie.. andyan yung phone ko sa bag then pag sumagot bigay mo agad sakin. im so worried samuel."

"nasa school na yun.. hindi na yun sasagot. Mamaya nalang maaga tayong Pumunta sa school. Sunduin natin."

"then what's next?"

"dinner.. dito nalang sa bahay mag pa-luto nalang Tayo sa mga yaya."

"Tulungan mo ako sa mga bata mamaya.."

"Syempre." Niyakap ni Samuel si selene. "Lambing lang katapat nun.."

"Ngayon ko lang nakita si sophie na ganun, samuel. nag aalala ako." — yumakap na rin si selene kay samuel at syaka tumangis na naman. "hindi ito ang gusto ko para sa Pamilya natin.."

"sorry.. hayaan mo pipilitin nating maging maayos."

"hihiwalayan mo si grace?"

"bahala na.. ang mahalaga ngayon maayos natin yung kay sophie. wag ka nang umiyak mamamaga yang muka mo sige ka." — Isinubsob ni samuel si selene sa dibdib nya at Hinalikan nya ito sa ulo. "alam kong mabango ako at nag e-enjoy ka dyan."

"kapal!"

"biro lang.. wag ka na kasing Umiyak."

"Thank you sam.. Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka." — Tinignan ni selene si samuel at Hinalikan nya ito sa pisnge.

"sa pisnge lang? Parang di asawa a."

"ihh.. matutulog nalang ulit ako. Matulog ka nalang rin." —

"oo mabuti pa nga at Magpahinga ka nalang muna. Dito lang ako sa Tabi mo." — nanatiling magkayakap sina selene at samuel Hanggang sa makaramdam ng antok si selene at tuluyan nang nakatulog.

Mending heartsWhere stories live. Discover now