chapter 5

408 18 2
                                        

dahil sa nakakabinging katahimikan na namamagitan sa aming dalawa ni samuel ay nagsalita na ako.

"sam, pwede ka namang humindi sa dalawa.." —

"Hindi a.. para rin makapunta si yael dun sa rest house natin. At si Sophie, bata pa sya nung nakapunta sya dun."

"mapupuntahan na ni Yael yung place kung saan sya ginawa.."

"Selene!" — Natatawa si samuel shuxx dapat sa isip ko lang yun sinabi!!! Nakakahiya!

"A-ano? Bakit wala Naman akong sinasabi.. antagal naman nung dalawa!"

"baka pabalik na din yun.. nagustuhan mo ba yung mga damit?"

"Oo naman.. salamat ulit samuel. Pero hindi mo na naman ako kailangang ibili. But seriously, thank you.."

"you're welcome.. Sukat mo mamaya?"

"ah oo sige. or bukas isusuot ko na pag pasok."

"baka lalo kang pormahan.. bagay na bagay sayo yung mga damit."

"naniwala ka naman dun sa anak mo..  as i said samuel, hindi na ako mag papa-pasok ng ibang lalaki sa Buhay ko. Im contented with our 2 kids."

"that's good."

"Kaya ko namang mabuhay ng walang lalaki sa buhay ko. Ewan ko lang ikaw kung kaya mong mabuhay ng walang babae."

"Kaya tama lang na naghiwalay tayo. Kasi kaya mong mabuhay na wala ako. At ako lalaki ako kailangan ko ng babaeng katulad mo. na hindi mo naman mabigay!" —

"Kaya hinanap mo sa iba?"

"Hindi kita niloko selene. Hiwalay na tayo nung naging kami ni grace." —

"Sige.. Kasalanan ko na kung bakit nasira yung Pamilya natin."

"buti alam mo."

"Natuto na naman ako sa pagkakamali ko na yon samuel! Kaya nga bumabawi ako sa mga bata. paano akong makakabawi sayo kung iniwan mo na ako ng tuluyan? Sige nga.." — Napatahimik nalang kaming dalawa nang makita namin na paparating na si sophie at yael.




"oh bakit ang Tahimik nyo po mom and dad?" — Sophie.

"Hindi a.. o kumpleto na ba yan? Baka may nalimutan pa kayong bilhin." — sabi ko at umayos na ng upo. Si samuel ang nagda drive at ako nasa Tabi nya then ung dalawa nasa likod.

"yes mommy.. thank you po. Ikaw ba ma magluluto ng dinner natin?" —

"ah hindi, ako na. Para makapag Pahinga na rin muna si mommy." — Nagulat ako sa sinabi ni samuel.

"naku hindi na. Sila ate mena nalang paglulutuin ko para makauwi ka na ng maaga." — Nakita ko ang pagtataka sa Muka ni yael at sophie kaya agad Kong sinegundahan yung sinabi ko. "K-kasi baka pagod ka na rin and you want to rest."

"you want me to leave?" — Mahinang tanong ni samuel sakin.

"No. I want you to get enough rest may Trabaho ka pa bukas."




Andito na kami sa bahay at Dumiretso agad ako sa kwarto. nawalan ako bigla ng gana. Kanina lang kami ulit nagkaron ng ganong pagtatalo ni samuel and sinusumbat pa rin nya sakin yung pagkakamali kong nagawa noon. pinagsisisihan ko na rin naman yon Ng sobra sobra. ouch ha!

"naiwan mo itong bag mo sa kotse.." nakaupo ako sa vanity table ko nang pumasok si samuel.

"lagay mo nalang dyan. Salamat!" —

"Nagmamadali ka kasing bumaba sa sasakyan. sorry sa kanina." —

"hindi, kasalanan ko naman talaga so wag kang mag sorry." — Nakita ko sa salamin na pumunta sya sa likuran ko.

"Im sorry, selene.." —

"okay na yun. tama lang naman yung sinabi mo. baka Siguro hanggang Dito nalang talaga tayo. Dati umaasa pa ako na magkaka ayos tayo at babalik sa dati. pero kanina, Mukang hindi na talaga. tama nga siguro si Sophie Kailangan ko na rin ng bagong katuwang sa Buhay.." — Napaluha ako pero agad ko iyong pinunasan. "S-sige na samuel magpapahinga na ako."

"Are you crying?" — hinawakan nya ako sa Balikat pero inalis ko iyon.

"Sige na samuel.. leave me alone please. And pwede ba pagpapasok ka dito sa kwarto ko kumatok ka na muna?" Tumango lang sya.

"im sorry selene.. iiwan na Muna Kita. Sa Kusina lang ako magluluto."

"Mag dinner na kayo mamaya. Matutulog na ako wag nyo na akong gisingin."

"hindi ka ka-kain? ako nga magluluto."

"can you just leave? Dun ka na sa mga anak mo! wag mo na akong paasahin dito at alam ko naman na wala nang pag asa! Wag ka nang maging soft sakin samuel. Wala ka nang pakeelam sakin."














Days passed, hindi ko na rin masyadong kinakausap si samuel. pwera nalang kung magkita kami sa baba or nasa kwarto rin sya ng mga bata. papasok na ako sa Trabaho nang dumating sya.

Mending heartsWhere stories live. Discover now