chapter 17

380 22 3
                                    

"Honey ang gulo naman ng condo mo.. asan sya?"

"ay saglit mahal baka nasa kwarto. Titignan ko lang.."

"Yah sige dito nalang ako." Naglibot libot muna ako dito sa condo. Dito pala sila tumutuloy. maganda to dati e napabayaan nalang Siguro ni grace. napalapit ako sa may pintuan ng kwarto at narinig ko ang pag uusap nila.

"babe naman wag mo naman kaming iwan ng anak mo.. kailangan ka nya, kailangan ka namin!" — Binuksan ko ang Pintuan at Nagkatinginan kami ni samuel. "Selene.. Selene parang awa mo na.." — lumuhod si grace sa harap ko.

"b-buntis ka?" Umiiyak si grace habang nakaluhod sa harap ko.

"oo.. kanina ko lang nalaman. please hayaan mo nalang kami ni samuel. Parang awa mo na.."

"K-kayo nalang Siguro ang mag usap.. s-si-sige na mauuna na ako." —

"hon saglit!! Selene!" — Hinawakan ako ni samuel sa braso pero tinanggal ko yon at nagmadali na akong maka alis sa unit nila. fukc! nag uumpisa palang ulit kami nila samuel pero letse, may gulo na naman! buntis pa si grace. Hindi ko alam kung nananadya ung babae na yon o hindi na talaga kami para sa isat isa ni samuel!

andito na ako sa school nung mga bata. nag aantay na rin pala sila sa may bench kung saan sila laging sinusundo.

"mom, are you okay? Nasan po si dad?" — Bumeso sakin si sophie.

"ah na kay grace.. but don't worry guys andon lang sya para makipag hiwalay na. uuwi rin si dad mamaya.." — wala akong balak sabihin sa kanila na may anak yung daddy nila sa iba no! Ayokong masaktan ang mga anak ko.

"ahh akala ko naman po mommy may Problema na naman kayo.." —

"mommy mag drive thru po ba tayo? May stars po ako ulit o!" — Ipinakita sakin ni yael ang kamay nya na puro stars.

"wow anak.. yeah sure sige! kahit anong gusto nyo orderin nyo lang. Halika na anong oras na rin pala.."



andito na kami sa bahay at Dumiretso agad ako sa kwarto ko. kinakabahan ako kasi anytime pwedeng mawala sakin ulit si sam.. kung napamahal na talaga sya kay grace at Lalo na ngayon magkaka anak sila. Hindi malabo na sila ang piliin kaysa sa amin. Pero naisip ko rin na mas kailangan nga ni grace at ng anak nila si samuel. kami ng mga bata stable na at Kaya ko silang bubayin kahit wala si samuel pero si grace hindi nya kaya.

"mahal.." — Gabi na nang umuwi si samuel at kinakabahan ako sa sasabihin nya. "hon tulog ka na ba?" — Binuksan nya ang ilaw at yumakap ulit sa akin.

"hmm, andito ka na pala. kamusta?" — nginitian ko sya at Umupo ako sa kama. "bakit Ngayon ka lang?"

"sinamahan ko kasi si grace sa hospital and buntis nga talaga sya. tapos dumiretso na kami sa grocery. I'm sorry hon.."

"sorry for? aalis ka ulit? iiwan mo ulit kami ng mga bata?" — tumulo ang mga luha ko at hindi ko na iyon mapigilan.

"Love no.. inexplain ko kay grace na Hindi na kami pwede. don't worry ikaw pa rin ang uuwian ko. Kayo ng mga anak natin.."

"p-pero naisip ko rin na mas kailangan ka nila.. grace can't stand on her own isipin mo pa na may baby syang alagain!"

"alam na ba ng mga bata?"

"NO! AT WAG NA WAG MONG SASABIHIN SA KANILA!" — gigil kong sabi pero mahina. "sam.. s-siguro piliin mo nalang si grace at ang anak nyo.."

"Love?"

"maging okay nalang tayo sa harap ng mga anak natin sam.. k-kawawa si grace at ang baby kung Hindi mo sila papanindigan!"

"mahal naman.. inaayos ko na nga e. tapos Ganyan ka pa. kakabalik lang natin gusto mo na ulit matapos?"

"concerned lang ako sa anak mo sam.."

"No.. No ayokong mawala kayo ulit sakin. Ayokong mawala ka sakin selene." — Niyakap nya ako at ilang segundo nang ganon ang posisyon namin. Magkayakap lang. last thing I Knew, I was crying. "Hon?"

"a-ayokong mawala ka ulit sakin samuel.. pero sa tingin ko mas kailangan ka muna nila ngayon.. My decision is final. maging maayos nalang muna talaga tayo para sa mga bata." huminga ako ng malalim at umalis na sa yakap ni samuel.

"mahal pag usapan naman muna natin to o.. parang awa mo na."

"Sam andito lang naman ako. hindi ako lalayo.. tulog na naman yung mga bata pwede ka nang Bumalik sa condo nyo para maalagaan mo si grace. ako na anv bahala kila Sophie."

"eto ba talaga ang gusto mo?"

"tang ina samuel hindi! akala mo ba hindi masakit sakin to? parang paulit ulit akong sinaksak ss puso nung marinig kong buntis si grace!! Nag uumpisa palang ulit tayo sam, pero sira na agad! sirang sira na talaga! now you may leave and take care of your girl and child. Sige na Umalis ka na.."

"ayoko hindi Kita iiwan." — naghubad  sya ng shirt at pantalon at syaka Tumabi sa akin. he's just wearing boxers and sando. "Dito lang ako.."

"bahala ka.." — Tinalikuran ko sya pero hinila nya ako at niyakap. "Samuel.."

"I Love you.. Mahal na Mahal kita selene. gagawin ko ang lahat para magbago ang isip mo.. Sorry hon." — Hinalikan nya ako sa noo at syaka niyakap.

"I want to rest please.."

"matulog ka na.."

"hindi ako makakatulog.. parang kailangan ko ng beer."

"Beer? No. wine lang.."

"bakit mo dinedesesyunan Ang iinumin ko? Sa Kitchen ako. Ikaw Ang Matulog na. Wag kang susunod a? I want to be alone." Tumango sya at Hinalikan ako sa pisnge.

"Pag inaantok ka na dito ka na sa kwarto ha? Wag kang mag papaka lasing.." — Inayos pa nya yung hair ko at suot kong night dress. "I love you honey.."


Bumaba na ako sa kusina at wala akong ibang gusong gawin Ngayon kundi uminom at makatulog.














nakakailang bote na si selene at pulang pula na rin ang muka nya dahil lasing na sya at umiiyak pa! Naka upo si selene sa sofa.

"isang araw lang pala tayo magiging masaya ulit.." — buga ni selene sa hangin. "Sana sinulit na natin yung isang araw na yun hon.."

"mahal.." Tumabi si samuel sa kanya at niyakap sya. "hon Tama na yan lasing ka na.."

"hindi ako lasing sam.. kaya ko pa. Pero yung magkaka anak ka Sa iba, yun ang hindi ko kaya.. t-tapos dun ka na ulit kay grace iiwan mo na uli ako.."

"ikaw ang Mahal ko selene.. kayo ng mga anak natin. wag mo naman akong ipagtabuyan mahal. Nasasaktan ako."

"but I think that's the best way.." umulo si selene sa Balikat ni samuel.

"No.. may mas better akong naisip na way. sorry pero hindi kita susundin ngayon. Hon.. huy.." — nakatulog na pala si selene kaya inihiga nya ito sa sofa. "mahal.. kakargahin nalang kita ha? One.. two.. three!" — kinarga nya nalang si selene papunta sa kwarto nila..

Mending heartsWhere stories live. Discover now