chapter 11

409 17 1
                                    

— pumasok si samuel sa kwarto ni selene at sakto naman na gising na ito at nakapaligo na.

"Sa kwarto nila natulog yung dalawa.. hindi dito." nag me-make up si selene sa harap ng vanity table nya.

"sorry sa kahapon."

"sorry saan? na kinampihan mo si grace over me? that's normal. sya ang kinakasama mo so dapat lang na kampihan mo sya."

"Salamat selene.. n-nakita ko kayo ni victor kagabi lumipat pala kayo ng restaurant."

"Uhm y-yah.. gutom na gutom na kasi talaga ako."

"kasama ba sa pag gutom ka hahalikan mo sya?" —

"samuel sya ang humalik sakin.."

"ano ka ba, biro lang. E boyfriend mo sya e. Normal din naman ata yun. gusto lang kitang makita kaya nagpunta ako dito sa kwarto mo."

"salamat sam.. may pasok Ako baka pwedeng ikaw na rin ang mag sundo sa mga bata mamaya."

"sure no problem. sige sa kwarto na ako nung dalawa."

"Nag breakfast ka na ba? sumabay ka na samin ng mga anak mo. Magbibihis lang ako."

"nag breakfast na ako e. Pero kakain nalang ulit ako.."

"Ikaw ang bahala.."


— habang Kumakain sila ay nanatiling tahimik sina selene at samuel.

"dad are you okay?" — Sophie.

"Ofcourse im okay.. sige na kumain na kayo para mahatid ko na rin kayo sa school."

"mommy hindi ka ba sasabay na samin??" — tanong ni sophie kay selene.

"susunduin yan ng boyfriend nya.. si victor." — Sabay na tumingin si yael at sophie sa mommy nila.

"Ma?" — sophie.

"mommy Sabi mo special friend lang si tito victor po?" —

"halika na nga yael.. Umalis na tayo." — tumayo na si sophie ngunit hinawakan sya ni selene sa kamay.

"anak let me explain first please.." —

"let me go ma! Male-late na po kami." — binitiwan na ni selene si sophie at agad itong lumabas ng kusina.

"baby please listen to mommy first.." — May namumuo nang luha sa mga mata ni selene. yayakapin nya sana si yael pero lumayo ito at tumakbo na palabas sa kusina. "bakit kasi sinabi mo??"  — inis nyang pagkakasabi kay Samuel.

"hindi ko alam na hindi pa alam ng mga bata na kayo na ni victor!"

"Hindi kami ni victor! nakakainis ka! sasama ako sa paghatid sa school. nakakainis ka samuel."

— Nasa daan na sila papuntang paaralan ngunit hindi pa rin nagsasalita si yael at sophie. nakasimangot ito at nag ce-cellphone lang.

"Love please listen to mommy.. wala naman kaming relationship ni tito victor. Promise!" — Niyakap ni selene si sophie.

"but dad said he's your boyfriend." — Sophie.

"fine.. i'll tell the truth. kagabi nung nag di-dinner kami ni victor I saw your dad and His Girl. a-ayaw lang ni victor na mapahiya ako kaya sinabi nya ako kaya nasabi nya yun. but the truth is wala talaga.." —

"bakit ka naman mapapahiya? gago ba sya?" — Samuel.

"your mouth sam!" — Saway ni selene kay samuel. "But Please Naman mga anak give victor a chance to prove himself na kaya nya rin kayong alagaan.. mabait si victor." —

"bakit hindi nalang kasi kayo ulit?" — Umiiyak na si sophie. "B-bakit kailangan pa naming mahirapan ni yael?"

Natahimik sina samuel at selene.

"araw araw kaming nangangapa ni yael kung uuwi ba si dad or kung pag uwi ba nya okay ba yung parents namin o nag aaway ns naman! ma, dad Ang Hirap ng ganito.. hirap na hirap na kami.." —  inihinto ni samuel ang kotse sa gilid at hinawakan ang kamay ni sophie.

"sophie stop crying. Alam mo naman na mahal na mahal namin kayo ng mommy nyo." — Samuel. "kahit Anong mangyari.."

"I dont think so dad.. K-kasi kung mahal nyo Talaga kami pipilitin nyo na maayos kayong dalawa.." — nagpunas ng mata si sophie. "dito nalang po kami ni yael. malapit na naman sa school."

"Sophie please.. intindihin mo naman yung situation natin.." —

"no ma never kong maiintindihan 'tong sitwasyon na to. just continue your life with your partners. Wag nyo nalang kaming intindihin ni yael. Lets go yael."

"B-but ate.. mommy is crying. kawawa si mommy." — Niyakap ni yael si selene. "Daddy hug si mommy po.. kawawa umiiyak sya!"

"Yael I said lets go! Hayaan mo na sila." — bumaba na sina sophie at yael sa sasakyan. "wag nyo na po kaming intindihin ni yael. and wag nyo rin po kaming susundan." — at isinara na nya ang pinto ng kotse. Iyak nang iyak si selene..

"iuwi mo nalang ako samuel.. a-ayoko nang pumasok." —  tumango lang si samuel at pinaandar na ang Kotse pabalik sa Bahay nila.






















"salamat." — Bumaba na si selene ng kotse at sumunod naman si samuel.

"can i stay? sasamahan nalang kita dito."

"Im fine samuel.. salamat nalang. Sige na pumasok ka na rin sa Trabaho mo."

"sasamahan na nga kita.. mamaya atakihin ka pa ng migraine e. mga Yaya lang andito busy pa and bihirang Pumasok sa kwarto." — kinuha ni samuel ang bag ni selene at pumunta na sila sa kwarto.

Mending heartsWhere stories live. Discover now