} anak ayoko ng ginawa mo kay mommy kanina.. mag sorry ka mamaya ha? Susunduin namin kayo. { — text ni samuel kay sophie.
} si Yael nalang po ang Sunduin nyo. kailangan ko pong sumama sa classmates ko. Need to finish some projects. { — sophie.
} nak please lets talk first.. iyak nang iyak si mommy. and gusto rin namin kayong makausap. {
} Fine.. { — sophie.
} andito kami ni mommy sa bahay.. mag dinner tayo mamaya and dito rin ako matutulog. {
- andito na kami sa school nina Sophie.. pinapasok na rin kami nung mga guard kahit maaga pa dahil kilala rin naman kami dito.
"dad! mom!!" — sinalubong kami ni yael ng yakap at halik.
"wow ang bait bait talaga ng baby.. san si ate?" — sabi ni selene at kinarga ni samuel si yael.
"Sa building pa po nila.. ay ayan na po mommy!" — bumeso si sophie kay samuel at selene..
"halika na po dad gusto ko nang magpahinga." — Lumakad na si selene papunta sa kotse nila.
Habang nasa byahe kami pauwi ay kinakausap namin itong dalawa. sana nga sa lambing lang namin ni samuel ay maging okay na. Ayokong may sama ng loob sakin si sophie or even yael.
"Sa Bahay matutulog si dad.." — sabi ko at ngumiti sa dalawa.
"wow yehey daddy!! daddy pwede ba tayong manuod ng movie mamaya sa room nyo ni mommy??" — Masayang sabi ni yael kaya napangiti kami ni samuel.
"Ofcourse baby! mamaya ise-set up ko na then magluluto si mommy ng pop corn.." — samuel.
"ate hindi ka ba Masaya?" — Tanong ko kay sophie kasi ang seryoso Ng Muka nya. Kung mukang masungit yung Muka ko, mas kay sophie. Anak ko nga sya talaga.
"what's next ma? bukas naman hindi na ulit ganyan. ginagawa nyo lang komplikado para sa amin ni yael. sanayin nyo nalang po kami na hindi tayo magkakasama kasi ayun na yung totoo. soon ganun na ang mangyayari."
"Sophie hindi." — samuel.
"dad is right anak.." —
"okay po. Sabi nyo e." — nag suot ng headset si Sophie at pumikit. gush, hindi ko na alam ang gagawin kay sophie. kasalanan rin namin to e. Kasalanan ko.
nang makauwi kami ay Dumiretso agad si sophie sa kwarto nya.
"kaya yan.. halika na Puntahan natin sa kwarto nila." — Hinaplos ni samuel ang likod ko. "anak stay here kay yaya ha? Kakausapin lang namin si ate sophie.."
"okay po daddy.. mag kain muna ako merienda po."
"Yah, May food dyan.. lets go!"
Pumunta na kami sa kwarto nila sophie. nakahiga ito at nag ce-cellphone.
"anak nasasaktan na si mommy.." — Sabi ko at niyakap si sophie. "Kausapin mo na naman kami o.."
"okay Kami ni mommy, anak.. hindi na kami mag aaway. promise!" —
"mom, dad please stop saying promises. hindi nyo nga natupad yung pangako nyo sa isat isa nung wedding nyo. Look at you now." — Sophie rolled her eyes and sighed.
"Sophie naiinis na ako sayo. You're so mean!" — Nag iba na yung tone ng boses ko kasi napupuno na talaga ako. "kanina pa kami amo nang amo ng daddy mo sayo pero ganyan ka parin!"
"mom sige na po kasi get out of my room! wala rin naman po kayong magandang sasabihin. At the end of the day, you're both separated at hindi na mababago yun!"
"ang hirap mong kausap sophie! bakit ganyan katigas ang puso mo??" — Dagdag ko pa.
"ma, dad sige na labas na. I dont want to see you. pumunta nalang kayo sa kanya kanya nyong partners."
"sophie how many times do i have to tell you that victor is not my boyfriend! bakit nung yung daddy mo ang nagka girlfriend hindi ka Ganyan?"
"because I Can't afford to lose you! k-kung ikaw magkakaron pa ng boyfriend hindi mo na kami maaalagaan ni yael! like dad, nawawalan na sya ng time sa amin! You promised us ma na hindi ka na maghahanap ng iba. nangako ka pero hindi mo rin tinupad!" —
"anak.." — Niyakap ko si sophie ng mahigpit. "hindi ako mawawala sa inyo.. never mawawala si mommy sa inyo and si daddy! sorry.. im sorry ate." —
"pasensya na anak.. babawi kami ng mommy nyo sa inyo." — Yumakap rin si samuel sa amin ni sophie.
"but still separated." — sophie.
"kami na ang bahala ni mommy dyan.. wag na kayong mag alala and wag na kayong Umiyak. si mommy kanina pa iyak nang iyak."
"Magpahinga ka na muna anak ha? dinner tayo mamaya. Kiss na mom.." — Hinalikan ko si sophie sa lips at Niyakap ulit.
"Dad rin.." — Hinalikan ako ni samuel sa labi. akala ko si sophie ang hahalikan ni samuel pero Ako pala kaya napalo sya sa braso at natawa at medyo gumaan na rin ang loob ko kasi nag smile si sophie.
"nang cha-chansing lang yang daddy mo kahapon pa yan e." —
"okay lang naman diba nak?" — tumango si sophie at yumakap ulit sakin.
"naghanap ka pa ng kakampi.. I Love you baby. Mahal na Mahal namin kayo ni yael."
"Sige na po ma I want to Rest.." — Humiga na si sophie kaya lumabas na kami ni samuel sa kwarto nila ni yael.

YOU ARE READING
Mending hearts
Romancethis story is about second chances and the unyielding power of love. Will Selene and Samuel make it again?