chapter 4

318 22 1
                                    

"tulog pa yung dalawa.." — andito Na si samuel kaso nga tulog pa yung dalawa.

"Kamusta Pakiramdam mo?"

"Better. Hindi namab ako iniwan Nung dalawa kagabi. Coffee ka muna."

"salamat." Binigay ko na kay Samuel yung tinimpla kong kape.

"aalis ka ba agad? Aalis kasi kami." —

"san kayo pupunta?" — Umupo ako sa tabi ni samuel. Nasa iisang sofa nalang kami nakaupo.

"shopping lang.. ang lungkot kasi nung dalawa kagabi kaya inaya ko."

"galit ba sakin?" —

"Hindi a.. syaka lagi ko naman sinasabi sa Kanila na wag magagalit sayo. Hindi ka naman nagkukulang sa kanila." — Tumango lang si samuel.

"ah mamaya pala magta transfer ako sa bank mo ng allowance ni yael at sophie. syaka pang shopping mo na rin."

"Sira, allowance nalang nung dalawa ibigay mo. Hindi mo na naman ako Kailangang bigyan ng pang shopping." — Totoo naman. pero dati, ako pa mismo ang nagsasabi kay samuel na mag shopping kami at ipag shopping Nya ako. nakaka miss din pala yung mga araw na yun..

"But I want to."

"Hindi na Samuel.. baka kung ako pa ang isipin ng kinakasama mo ngayon kapag nalaman nya. Nakakahiya pa. sa kanya mo nalang Ibigay.."

"hala daddy andito ka na!" — napalingon kami sa may hagdan at gising na pala yung dalawa. Agad tumakbo si yael sa daddy nya at yumakap.

"as promised anak.. goodmorning ate.." — Ngumiti lang si sophie at bumeso kay samuel.

"mommy okay ka na ba?" — sophie.

"yes anak.. okay na ako." — niyakap ako ni sophie.

"Mommy parang ang blooming blooming mo po lately.. why?" — sophie.

"Me?? hindi naman a.." — natatawa ako.

"oo nga napansin ko rin yan anak.." — dagdag pa ni samuel.

"Naku Mommy ha, don't tell me sinagot mo na yung nanliligaw sayo." — gagang bata.

"what? No! Sira.. sabi ko naman sa inyo ng kapatid nyo hindi na ako magbo boyfriend. Sapat na kayong dalawa." —

"E mommy okay lang naman. si dad nga may iba na. hindi ka naman namin pinagbabawalan. Diba baby?" —

"hmm opo mommy." Napatingin ako kay samuel pero Umiwas sya ng tingin sakin.

"stop na nga.. halika na kumain na tayo. Halika na samuel, Kain na."





Samuel

         pano kaya kung nakahanap na nga ng kapalit ko si selene? parang hindi ko kaya. Pero ang unfair naman sa kanya kung pipigilan ko sya na magkaron ng iba. Ako ang nakipag hiwalay sa kanya tapos Ngayon pipigil-pigilan ko sya. Hindi naman talaga Mahirap mahalin si selene, mabait sya at ibibigay lahat sayo. nagka Problema lang talaga kami nung masyado syang nag focus sa Trabaho at nawalan ng oras sa amin ng mga bata higit na sakin na asawa nya.

"Sasama ka ba?" — tanong ni selene sa akin na nakabihis na at naka ayos.

"uhm pwede ba?" —

"Oo naman no! Para makapag bonding pa kayo ng mga anak mo." —

"Mom? Akala ko tayong tatlo lang ni yael?" — sabi ni sophie at Nagkatinginan kami ni selene.

"ah hindi anak isama na natin si daddy para you know mas makapag bonding pa kayo.. kasi bukas may pasok na!" —

"ayaw mo bang kasama si daddy anak?" — tanong ko kay Sophie.

"Hindi naman po sa ganun dad.. baka lang kailangan mo na rin umuwi at may nag aantay sayo sa bahay nyo. Diba, kagabi nga.." —

"Sophie stop! ano ba, aalis pa ba tayo o hindi na?" —

"sorry mom.. halika na yael mauna na tayo sa kotse ni MOMMY." — She's giving emphasize to her mommy. Baka nga ayaw nila akong kasama.

"susunod na kami ng daddy nyo.. sige na." — lumabas na sila sophie at yael. Hinawakan naman ni selene ang braso ko. "Pasensya ka na.. lambingin mo nalang."

"ah h-hindi okay lang. Next time nalang ako sasama."

"Samuel sumama ka na. Lalo lang magtatampo nyan si Sophie e. Halika na." —





Selene
           Andito na kami sa mall at kinausap ko si sophie na wag naman nang magtampo sa daddy nya. kawawa rin kasi si samuel alam kong mahal na mahal nya itong dalawa naming anak. ayoko na pati sila magkaron ng hindi pagkakaunawaan gaya ng nangyari sa amin ng daddy nila.





"Anak anong maganda?" — Ipinakita ko kay sophie yung dala kong dalawang dress.

"hmm mommy yung floral.. bagay po sayo yan. Diba daddy?" — tinignan ni sophie si samuel.

"Ah yes, yes.. Lahat naman Bagay Sayo. Or bilhin na natin yang dalawa."

"hindi, itong isa nalang next time na ito." —

"mommy bilhin mo na yang dalawa. ang dami dami mo nga pong binili samin ni yael e.. "

"akin na, ako na bahala dito. Sige pa mamili ka pa." — kinuha ni yael yung mga hawak kong damit. "wag ka nang tumanggi.."

"yiieee.." — natatawa pa si yael.

"thank you samuel.."

"you're welcome! ito lang ba? Baka may gusto ka pa." —

"generous naman ni dad.. sana laging Ganyan. pag nakahanap si mommy ng iba, lagot ka.." — Natawa ako sa sinabi ni sophie.

"anak talaga!" — sabi ko.

"Mommy kakain po ba tayo ng waffle? Daddy please.." — nagpapa cute pa itong bunso namin.

"sure baby.. wait lang babayaran lang ni daddy itong damit ni mommy ha?" —

"Okay po daddy! Thank you po!"






habang Kumakain kami ng waffle ay pinunasan ko ang gilid ng labi ni samuel. May whipped cream kasi.

"may whipped cream.." —

"Ay thank you.." — tugon nya.

"ah dad mamaya ba sa bahay ka matutulog?" — tanong ni sophie.

"ah oo sige. para mahatid ko din kayo bukas sa school. Tapos diretso na ako sa Trabaho." — samuel.

"wala ka naman dalang pamasok na damit e.." — wala naman talaga. Nung umalis sya sa bahay Lahat dala nya. Yung mga naiwan lang iilang damit na pang bahay lang.

"Meron ako sa kotse." — Tumango nalang ako.

"im sure na miss mo yung room nyo ni mommy.." — Sophie.

"Anak stop nga!" — natatawa kami ni sophie.

"kayo talaga.. sige na ubusin nyo na yang waffle nyo. may gusto pa ba kayong Puntahan?" —

"daddy sa rest house po natin sa zambales.. Diba po may resort tayo dun?" — napatawa ako sa sinabi ni sophie.

"anak ang layo naman ng gusto mong Puntahan!" — sabi ko habang tumatawa.

"ih daddy please.. para makapunta na rin si Yael dun! Kahit ilang days lang.."

"saan ate?" — yael.

"sa resort nila mom and dad. Ang ganda dun baby. Paglabas mo dagat na.."

"Wow!! Daddy Pupunta tayo don?" — yael.

"Mga anak.. pag uusapan muna namin ng daddy nyo yan. Sasabihan nlang namin kayo kung kelan." — sabi ko sa kanila.

"pero Pupunta tayo dont worry.." — samuel.

"yes!! Thanks dad.." — sophie.


andito na kami sa Kotse ni samuel. Inaantay nalang namin yung dalawa at may nalimutan pa daw bilhin si Sophie.

Mending heartsWhere stories live. Discover now