Few days passed since we saw Cadikh confiscating cigar from a student, I always see him at the same spot. If not cigar, he leaves with vapes and lighters in his pocket. I don't know how stupid those students are to be doing those behind the dorm building knowing that it's an open area and Cadikh is the in-charged member for that cases.
Siguro sa lawak at dami na rin ng tao dito, hindi mabilis kumalat ang ginagawa niya kaya marami ring nahuhuli. Knowing how arrogant and selfish most of the students are here, they won't bother telling you what Cadikh is doing. Damay-damay na kumbaga.
This morning, I saw him again. Papasok na ako sa klase nang mahagip na naman siya ng mata ko nang akma akong kukuha ng inumin. He is wearing his usual get up. Black button-up dress shirt and black pants paired with black shoes. Hindi naman siya mahilig sa black, 'no?
Wala siyang nasamsaman ngayon pero nakatambay lang siya sa puno ng mangga at para bang may kausap sa sariling cellphone. Nagkibit-balikat na lang ako at akmang aalis na nang bigla niyang ilayo ang cellphone niya sa tainga saka padarag na may kinuha sa tainga niya at ibinato iyon sa lupa na para bang nagulat siya.
I was scowling hard when I realized what that could be. My eyes went from the grass where he threw that thing then went back at him. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa hanggang sa napasabi na lang ako...
"He's ... deaf?"
I can't be wrong. That's a hearing aid. Palagi akong nakakakita ng gano'n noong bata ako dahil sa lola ko.
Was he eletrecuted? Grounded? Why did he react like that?
Sa mga nagdaang araw na nakikita ko siya, hindi talaga mapapansin na may hearing aid siya. It's just small and his hair is long and always styled down.
"Damn it!" Basa ko sa labi niya habang nakamasid pa rin ako. Ni hindi ko na nga namalayang umawas na pala ang basong pinupuno ko ng tubig. "Tangina naman..." Nasabi ko na lang saka pinatay ang dispenser at hindi na nag-abalang uminom pa.
Walang kaso sa akin kung ma-late ako sa klase. Hindi pala klase, orientation lang tungkol sa magiging sistema ng internship namin. Nakapag-apply na ako sa mga job links na nakita ko sa google noong nakahilata pa ako. Kung sino ang unang tumanggap, papatusin ko na. Magaganda naman ang kumpanyang in-applyan ko.
Iiling-iling ako lumabas sa dorm para pumunta sa function hall. Marami akong nakakasabay at nakakasalubong na kung maiwas, akala mo papatayin ko sila.
"Di'ba, siya 'yung bumalibag kay King?" Rinig kong bulong nu'ng babae sa likod ko.
I didn't bother looking at her. Baka mahimatay sa tingin, kasalanan ko pa.
"He's also the one who drained the pool."
"Totoo? Kaya ba walang training ang swimming team natin nitong mga nakaraang linggo?"
Tangina. Magchi-chismisan na nga lang, talagang rinig ko pa. Huwag na kaya kayong bumulong?
Hindi ko na lang pinansin ang walang katapusang bulungan nila hanggang sa makarating ako sa function hall. I wasn't surprised when I caught everyone's attention. I am late, plus the fact that my sudden disappearance must have left a question to them. Hindi na rin ako nagtaka nang magsimula nang magbulungan ang iba na para bang nakakita sila ng multo.
What did they even think about my absence? I was expelled? In your dreams.
Hindi ako nag-abalang maghanap ng upuan dahil may bakante kaagad akong nakita nang makapasok ako. Naglipatan pa nga ang iba nang tumabi ako sa kanila.
I'm quite offended. Ano ako, germs?
When I sat, I saw the speaker shaking his head as he stares at me. I don't know him. This is the first time I saw that face. Maybe the new UD's secretary?