Chapter 37

8 1 0
                                    

Palihim akong umalis sa bahay ng nakashort at t-shirt lang. I purposely sneaked-out to go to Ajax's café. Gusto kong puntahan si Malik. Kahit na gusto kong makasama si Cadikh o masilayan man lang kahit sa malayo, mas gusto kong puntahan ang bata at laruin siya.

Lumaki akong walang bata sa paligid. Malaki na naman sina Wen at Ino noong dumating sila sa bahay kaya gusto kong malaman ang pakiramdam na may inaalagaang bata sa ganitong edad. Well, I'm just 24. Hindi pa katandaan pero hindi pa talaga ako nakakaencounter ng bata sa edad kong 'to, maliban talaga kay Malik. That's why my notion of hating kids immediately changed. Hindi pala masama na may batang kausap.

Pero siguro depende pa rin talaga.

Nang makarating ako sa café, kaagad kong inilinga ang paningin para hanapin si Ajax o kaya si Malik pero wala sila sa labas. Kaya naman lumapit ako sa counter at nagtanong.

"Hi..."

"Order ka?"

Kumunot ang noo ko dahil sa maangas na tanong noong lalaki.

"Hindi. May itatanong lang."

"Ano?"

Bago siguro 'to. Wala man lang bakas ng galang sa boses. Parang sawang-sawa sa buhay. Wala naman siya dito noong huling punta ko.

"Nasaan si Ajax?"

Nawala ang angas sa mukha ng lalaki. Sa halip ay napalitan ng pagtaas ng kilay. Parang nagtaray kumbaga.

This man is so sassy. What's his problem? Nagtatanong lang naman akk.

"Anong kailangan mo sa kaniya?"

"None of your business."

"Ah gano'n? E'di umalis ka. Nakakasira ka ng negosyo-"

"Kyyyy-rosss!"

Both the man and I landed our sights to Dos. I still remember him. Siya ang madalas kumuha ng order ko noon.

Dos put his arms around Kyros' shoulders and smiled awkwardly at me.

"Yes, Luch? What's your order? Pagpasensyahan mo na 'to," Sabay turo sa lalaki, "bago lang. Nag-aadjust pa."

I just nodded my head and proceed to my business.

"Where's Ajax?"

Sumabat bigla si Kyros. "Si Ajax ba ang order mo? Bayaran mo ako ng piso. Mababa lang ang halaga ng lalaking 'yon-"

"Nasa office!" Pagputol ni Dos at itinuro ang daan patungo sa office ni Ajax. "Pasok ka na lang. Katok ka, ha?"

Nakangiwi kong pinasadahan ang lalaking nagngangalang Kyros bago tuluyang naglakad papunta sa office ni Ajax. Like what Dos said, I knocked on the door and waited for a response.

"Come in!"

When I heard that, I opened the door and was welcomed by Malik sitting on Ajax's recliner while writing something on the table.

"Luch! Napadaan ka?" I pointed my fingers at Malik para ipaalam sa kaniya na ang bata ang sadya ko. "Ohh, so you met the nephew..."

"Yeah..."

And when Malik heard my voice, he lifted his head up until his eues sparkled upon seeing me.

"It's Adonis!"

Malik quickly get off the recliner and run with his little steps towards me. Sinalubong ko siya ng yakap saka binuhat.

"You miss me, mm?"

"Yes! Yes!"

Dumapo ang paningin ko kay Ajax na bahagyang nakangiti.

"So, you're Adonis?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forbidden AffectionWhere stories live. Discover now