Chapter 34

22 0 0
                                    

Nakakunot ang noo ko habang kaharapan si Cad sa loob ng restaurant na kinalululan naming dalawa. Apparently, it was him who called my phone number.

How did he get it? I don't know. Maybe from Sir Ariss since I haven't changed my phone number indicated in the resume I submitted at Banker State. But knowing Sir Ariss, he won't give my number to Cadikh just like that. Masyado siyang propesyunal para gawin 'yon. On the other side, the university has my phone number and since he is the University Director, baka hinalungkat niya sa student portal.

Wait...

That's not right.

I halted.

Sa pagkakatanda ko, ako ang unang nanghalungkat ng number sa student portal. I called him when he took me to his condo unit! That's it!

He saved my number?

"Did I bother you too early?"

Kinuha ko ang isang baso ng tubig na nakaserve sa akin at ininiom 'yon bago sumagot.

"Ayokong makipagplastikan, sir. Oo, ang aga mong abala."

"Oh, sorry about that. Kakahatid ko lang kasi kay Malik sa daycare kaya naisipan kong dumaan muna."

"Paano mo nalaman kung saang hotel ako nanunuluyan? Hindi ko naman sinabi sa'yo kahapon."

Cadikh displayed a very guilty look as he scratches his nape. I looked at him through my lashes but he just gave me an apologetic smile.

"W-Well, I have my ways."

"And who are your ways?"

"A secret..."

Muli ko siyang pinaningkitan ng mata saka uminom ulit ng tubig. Later on, our orders were served, so we ate first. Hindi ako nakapag-breakfast ng maayos kanina sa hotel kaya gutom pa rin ako. Sana ay mabusog ako sa breakfast na 'to. Ano ba 'to? Bakit walang kanin-nevermind. Wala nga pala ako sa Pilipinas.

"Wala ka bang trabaho?" Kapagkuwan ay tanong ko matapos naming kumain.

Lumabas din kami sa restaurant at naglakad-lakad. Pansin ko pa na madaming bumabati sa kaniya. Karaniwan ay mga ina.

"I don't work every Friday. It's a me-time."

"Oh, eh, bakit mo ako pinuntahan?"

Cadikh shrugged. "Wala lang. Masama ba?"

"Oo. Manliligaw ka ba?"

"Pfft, what? Bakit naman sumagi sa isip mo 'yan?"

"FYI, sir, hindi pa rin humuhupa ang nararamdaman ko para sa'yo. At para sabihin ko sa'yo, etong ginagawa mo," I pointed at him from head to toe, "pa-fall! Napakapa-fall!"

Wala ng dahilan para magpakipot pa. bakit ako mapapakipot gayong ayos lang naman pala sa kaniya na may gusto ako sa kaniya? I don't want to be demure when with him just because I like him. Hindi ako makikipagplastikan para lang magustuhan niya.

Hindi ko rin naman siya pinapa-fall sa akin. I'm just being me-bold and frank.

"Come on, Luch. Just think of me as a tour guide."

"Neknek mo. Uuwi na nga sana ako ngayon, pandi-sundo ka pa."

"Hindi pa oras ng uwi mo kung gano'n. It's like I'm a blessing in disguise."

"Nyenyenye..." I mocked then fasten my walk. Hindi ko alam kung saan direksyon ako tutungo. Makakabalik pa rin naman ako sa sobrang dami ng cab na bumabyahe pabalik sa address ng hotel na tinutuluyan ko. At sigurado din naman ako na hindi ako pababayaan nitong alalay ko sa likod.

Forbidden AffectionWhere stories live. Discover now