Chapter 32

12 0 0
                                    

I was determined to see Cadikh to the point that I often go back and forth to Adazeio with Mashi and Matt. Nagkataon naman na nagta-trabaho sila sa kumpanya ni papa kaya sila ang madalas kong yayain dito sa tuwing Miyerkules ng hapon, pero araw-araw din akong pumupunta dito. Nagbabaka-sakali ako na mache-tyempohan ko si Ajax.

Alam kong makapal ang mukha ko para magtanong sa kaniya kung nasaan si Cadikh pero anong choice ko, di'ba? Siya lang ang madalas kong makausap sa team building noon. And he's nice. Nakakatakot at nakaka-intimidate lang pero mabait talaga siya. Apart from that, he has this welcoming personality that you'll immediately lay your eyes on him the moment you see him and his circle. Sunod si Cadikh at Sir Kiefer; the rest, I don't want to comment anymore.

"Puro mango crepe ang in-order mo kada pumupunta tayo dito," Puna ni Mashi sa pagkaing in-order ko. "Wala ka bang ibang gustong tikman? Nag-uwi ng putahe 'yung owner from Athens. Why don't you try it? Eto, masarap 'to." Aniya sabay hila sa plato ni Matt patungo sa akin. "Tikman mo. That's a cake called Portokalopita."

"Ang kapal talaga ng mukha mo, 'no?" Mapaklang turan ko at itinulak pabalik ang plato kay Matt na ngayon ay nakanguso. "Kumain ka na lang diyan. Pati 'yung pagkain ko, pupunahin mo. Eh, sa gusto ko ng manga, anong magagawa mo?"

"Tama nga naman siya. Masarap kaya ang mangga namin dito, di'ba, Luch?"

I quickly stood from my seat and face Ajax when I heard him talk from behind. I can't be wrong! I know two years have passed but I can still recognize his voice.

"Ajax!" Masayang turan ko.

"Hi, Luch!" He uttered, of course, with a smile on his face. "Based on your tone, it's like you're expecting me. Am I right?"

"I-I do..." Dahan-dahang tango ko, biglang nahiya. "Matagal na, actually."

He grinned as if he is expecting that answer from me then said, "Nasa office lang ako..." Itinuro niya ang hagdan patungo sa second floor. "My office is open until 7:00 pm. I'll wait for you when you're free after you eat with your friends."

"Ngayon na," Determinadong sambit ko at bumaling kina Matt at Mashi. "Matatagalan ako. Una na kayo pagkatapos niyo..."

"Sige. Ganiyan ka naman, Montejer."

"Okie, Luch. Ingat ka pauwi."

I only tapped Matt's shoulder, showed my middle finger at Mashi, and followed Ajax who's waiting for me at the stairs.

Kinakabahan ako habang nakasunod sa kaniya, iniisip kung anong sasabihin ko; kung saan ako magsisimula. Sugod lang nang sugod kapag nakakita ng oportunidad pero kakabahan kapag nasa proseso na-nakakabaliw. Pero nandito na ako. Hindi na ako aatras. Matagal nang malakas ang loob ko, ngayon pa ba ako panghihinaan?

Only Ajax has the answer I need. And based on his actions, talagang hinihintay niya ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Pero sana, nagpakita na siya noon pa para hindi nasayang ang gas ko pabalik-balik dito.

Bumalik ako sa reyalidad nang mapagtantong nasa loob na ako ng opisina ng Adazeio-ni Ajax. The interior is very minimalistic, black and white, and only few furniture inside. Parang hindi opisina ng tipikal na owner. Mas madami pa yata ang laman ng banyo ko kaysa dito.

"Wala dito sa Cad, matagal na."

Bumilis ang pintig ng puso ko nang matumpok niya ang sagot na hinahanap ko. Nanatili lang akong nakatayo sa harapan ng pinto habang siya ay nakaupo sa lamesa, nilalaro ang mansanas na nakalagay sa tray ng coffee table.

"He disappeared at the last night of our team building, came back at Argyros' graduation rites, and went back to Athens again. He never returned to the Philippines after that. Instead, we visit him there," He looked at me, smirked, and threw me an envelope, which confused the hell out of me.

Forbidden AffectionWhere stories live. Discover now