"Bakit nakasimangot ka?" Tanong ni Mashi sa akin nang makabalik ako sa dorm. "At bakit basang-basa ang damit mo? Dumaan ka ba sa open field?"
"Hindi."
"Oh, e, kung hindi sprinkler ang bumasa sa'yo, sino?"
"Nagservice ako."
"Service...?" I can tell that Mashi's frowning right now. Nakatalikod kasi ako sa kaniya habang kumukuha ng damit sa cabinet kaya hindi ko siya kita. "Shit! Nagcommunity service ka? Ikaw?!"
"Mm," Tipid na ani ko at hinubad ang itim na tshirt na suot ko.
"Tangina, seryoso?! Paano? Like, ikaw, magseservice?! Sa halos apat na taon mong namamalagi dito, ngayon ko lang nalaman na nagservice ka. This is a big shock, Luch. How the hell — wait."
Tumigil ako sa pagpupunas ng katawan saka tumingin kay Mashi na parang may napagtanto na kung ano.
"What?"
"Don't tell me, si sir Cad ang nagsupervise sa'yo?"
"Yes, and?"
"Boom!" He clapped his hand then excitedly pointed his finger at me. "That instructor is really something! Alam mo bang pati si Gustavo, napaglinis no'n sa labas ng gate?"
Kumunot ang noo ko, "Pakialam ko sa gagong 'yon."
"Luch, come on, this is not about Gustavo. It's about sir Cad!"
"Wala din akong pakialam sa kaniya."
"But he made you do community service," Mashi sassily said while stirring his McFloat using a straw. "That's a first you know."
"Oo," Sagot ko saka muling ibinalik ang atensyon sa paghahanap ng damit, "at sigurado akong ichi-chismis mo na naman kay Niana ang nangyari. I'm sure in no time, the university will find out all because of you and Niana."
"Hey! Hindi na ako nagkakalat ng kung ano-ano. I'm a changed man, Luch."
"Prove it first."
"I'm trying, okay?" Tumawa ito. "Anyway, may dumating na sulat sa'yo. Ang weird lang. May e-mail naman, di'ba?"
"Ayaw gumamit ng e-mail, e. Nugagawen?" I shut the cabinet door then walk towards my bedside table to see the letter.
I know who the sender is. Isa lang naman ang tao na malakas ang trip magpadala ng sulat kahit latest cellphone pa ang gamit niya. That person is none other than Yu, my childhood bestfriend. He is currently residing in the US with his parents. Bihira lang kami mag-usap dahil nga ayaw niyang gumamit ng communication through technology. He just simply hates it. Pero kapag naman na-trip-an tumawag, halos hindi ka na makawala dahil magagalit kapag inantok ka na sa pakikipag-usap sa kaniya.
From: Yu
I bought you a car. Make sure to use it!
P.S. I already took care of the tax.
Napahilamos ako sa sariling mukha matapos mabasa ang laman ng sulat. Pati tuloy si Mashi na abala sa pagkain ay napalapit sa akin at nakiusisa na rin.
Really...
Yu indeed loves spoiling me. He's very open about that! Ang rason niya, tinanggap ko daw kasi siya ng buong-buo noong bata pa lang kami. Tangina, hindi naman kailangang bilhan niya ako ng kung ano-ano taon-taon dahil lang do'n.
Just last September, he bought me a yacht. And now a car? Anong kotse naman kaya ang ipinadala niya dito at pati tax ay nagawa pang bayaran?
That asshole! Napakagastusero!