Chapter 24

11 1 0
                                    

"BABBYYYYYY!"

Hindi ko na kailangang lumingon pa para malaman kung sino ang sumigaw na 'yon. Just by hearing that endearment and familiar loud thin voice, I already know it's Yu.

"You're as loud as ever," Iiling-iling na sambit ko saka siya sinalubong ng yakap. "God, I miss you so much."

This is me with Yu. I am this affectionate with him. Kasi kung hindi, bubuntalin niya ako. Mas maton pa 'to sa akin. Sampal at suntok ang kayang gawin. Akin, suntok lang, e.

Kidding aside, yes, we're this close. Noong una ay naaalibadbaran ako dahil hindi ako sanay na may humahawak at lumilingkis sa akin, pero dahil sa kaniya, nasanay na rin.

"I miss you, too!" Kumalas siya ng yakap sa akin saka ako pabirong hinampas sa dibdib. "Ikaw ha, you're gay pala?"

I shook my head as I stifle a smile. "That's what we need to clear this day."

"Before that, let's order muna. Anong sa'yo? Treat ko."

Hindi ako nag-abalang tumanggi dahil makakatanggap ako ng malakas na hampas mula sa kaniya oras na tumanggi ako. And besides, I'm still short of money. Nags-start na rin ako ng sideline. So far, I'm doing good. Sakto lang ang kinikita ko para sa allowance ko sa buong buwan. Malaking dagdag na rin sa salary ko sa Devri Vari. Graphic designer lang naman kaya hindi masyadong nakakain ang free time ko. 

"So, who is this not-so-lucky man, baby?" Malokong tanong ni Yu habang nilalaro ang tinidor sa labi.

Ako naman ay sumimsim sa iced tea na inorder ko saka prenteng sumandal sa upuan habang nakakrus ang mga braso sa dibdib.

"Ganiyan kalala ang tingin mo sa akin?"

Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. "Pinagdudududahan mo ba ang judgment ko sa'yo?"

And that bratty look of him made me straighten my back and pinched his right cheek.

"Sorry. I'm just kidding, okay?" Then I chuckled. "Well, yeah, he is a not-so-lucky man. But what can I do? He made me fall for him."

"You've fallen?!"

"I don't...know?" I clicked my tongue since I'm so frustrated right now. "Hindi ko alam kung paano ko papangalanan itong nararamdaman ko, babe. I just...went with the flow. Then, eto na, nahulog na yata ako ng tuluyan."

"So, hindi ka man lang nag-attempt na pigilan? You just went with the flow?!"

"Yes..."

"E'di hindi lang siya ang may sala, baby! Pati ikaw!" He rolled his eyes at me. "Pinapasakit mo ang ulo nating dalawa. Oo, baby, kasalanan mo rin. Itatak mo sa utak mo. Nabaliko ka dahil kasalanan mo."

"Hindi ko naman itinatanggi—"

"You shouldn't," He sipped his coffee then went back to talking. "Acknowledge your feelings, acknowledge your actions, baby. Because at the end of the day, it's only you who has to accept yourself first before anyone could—well, except for me. Ngayon pa lang, tanggap na kita kung ano ka man."

That made me smile genuinely.

"Thank you, babe."

"But we still have to make sure you're gay and not bisexual, or you're just a confused infatuated curious man."

Kumunot ang noo ko nang bumalatay ang malaking ngisi sa labi niya.

"I don't like that smirk..."

Mas lalo siyang ngumisi at nagawa pang itagilid ang ulo habang kinakagat ang straw ng ice coffee niya. I know that playful smirk of him, and it's one of his smirk that I find amusing, yet at the same time, cunning.

Forbidden AffectionWhere stories live. Discover now