I'm still furious but not as furious as earlier. I somehow calmed down after Cadikh made me realize the consequences of my plan.
Just earlier, I'm thinking of my friends. Ang tanga ko nga naman kung kikilos ako dahil lang sa emosyon ko.
"You're all wet, Luch. Ano bang nangyari Mashi?"
Payton and Gustavo is with us. Nasa guard house ulit kami habang tulala lang ako sa labas. Nandito rin si Mashi na kumalma na rin kagaya ko. As for the two, I don't know how they ended up knowing I'm here.
Hindi ko sinagot si Payton kaya si Mashi na lang ang nagkwento. Wala ako sa huwisyong makipag-usap. I should've left earlier but Cadikh took my senses away after I realized that he doesn't care what I do now.
So far from the instructor who's always pestering me to do the right thing.
Did he snap on me? On my attitude? Why is he like that? Why did he said that? And why...why am I this affected when in fact, I shouldn't be.
"Nasaan na si Matt?" I heard Payton asked.
"Nasa ospital na kasama 'yung dean namin."
"King should be detained for what he did. I didn't know he is an obsessed person. Nakausap ko pa naman 'yon 'nung nakaraan. Grabe, nakakakilabot," Payton said and I can already feel Gustavo's frown.
"Bakit mo naman nakausap?" And there he is, sounding like a sulking kid.
"May itinanong lang."
"Ang dami ng pwedeng tanungan, ikaw pa ang tinanong?"
"E, anong gagawin ko? Dapat ba itinulak ko?"
"Dapat sinikmuraan mo—"
"GUS?!"
"What?"
These fuckers, sa harap ko pa talaga nag-away.
"Luch, magpalit ka na kaya ng damit."
I shook my head at Mashi. "I'm fine."
"Magkakasakit ka niyan."
Sa tuwi na lang bumabalik ako dito, palagi na lang akong nababasa. I won't be surprised if I catch fever again, like the last time from the rooftop.
"Ayos lang ako. Dito muna ako."
I don't feel like moving. I'm fond of just staring outside, waiting for something I don't know. Maybe the urge to leave? Pero parang hindi naman. Basta ayoko munang gumalaw sa kinauupuan ko.
Mabuti na lang ay hinayaan ako ng mga guard na tumambay muna dito kahit na bawal. I'm not really close with the guards on duty today. Wala si Kuya Pitoy. Kaya akala ko ay hindi nila ako papansinin pero nagulat ako nang may lumapit na gwardya sa akin at inabutan ako ng tubig.
"Salamat ho," Pagtanggap ko at ininom 'yon.
"'Toy, magkakasakit ka kapag hindi ka pa nagpalit ng damit."
"Tuyo na naman ho ang damit ko."
"Kumain ka na ba?"
"Hindi pa ho."
"May tinapay dito, sumabay ka na sa amin pagkain tapos uminom ka ng gamot para hindi ka tuluyan ng lagnat."
These guards knew that I'm an asshole. Maybe this is the first time they saw me this pitiful to look that's why they offered me food.
Gustuhin ko mang tumanggi, dinaluhan ko na rin sila sa pagkain. Tahimik lang ako sa tabi nila hanggang sa bigla nila akong isinali sa usapan. Tungkol lang sa buhay, gano'n. Kaya hindi ako nailang na ang tatanda na nila at ang bata ko pa para sa usapan nila. I'm mature enough to know what words to say to them.