Chapter 13

14 0 0
                                    

After the fun yesterday, a nightmare came today. Just as how lucky I was with God yesterday, I wasn't today. Pumasok ako nang tambak ng papel ang lamesa ko na kailangang i-copy bago magtanghalian. Hindi ko alam kung tungkol saan ang mga papel na 'to pero isa lang ang sigurado ko, mapaparalisa ang kamay ko mamaya.

"Tambak ka din?"

"Ikaw din?" Gulat na baling ko kay Payton na may tulak na trolley ng mga documents. "Mine's thicker than that..."

"Talaga? Swerte pa pala ako sa lagay na 'to?"

I clicked my tongue out of frustration, "Huwag kasing magpa-plano ng get-away nang hindi pa day-off."

Dumagdag pa na mamayang hapon din ako kakausapin ni Mr. Devries kasama ang Head ng HR. Hindi ako nag-aalala na baka masisante kaagad ako. Naiiisip ko lang na baka kapag napaalis ako, paano ang bridge tour ko? Panibagong hintay na naman sa day-off? Para lang ako nag-aksaya ng oras dito kung ganon.

"Luch, let's head inside..."

Tahimik lang akong sumunod kay Ms. Fernandez papunta sa office ni Mr. Devries. Nang makapasok kami sa loob, nagulat ako nang makita ko si Hyran na prenteng nakaupo sa couch at humihigop pa ng kape. Nagsalubong ang mga mata namin at sabay na nagtaas ng kilay sa isa't-isa.

"Mrs. Fatima can't attend so, I'm here instead of her."

Hindi ko siya pinansin at umupo na lang din ako sa tapat niya habang hinihintay namin si Mr. Devries. Not long after, the head of the HR came, then the boss came after her.

Ramdam ko ang bigat ng kwarto nang makapasok si Mr. Devries. I only know his name when I heard that he is the biggest shareholder, that's why I am this shock that he is this young to be the biggest shareholder of Banker state.

I was not really interested of what's going to happen in this office. Mukha lang akong nakikinig pero hindi talaga. Tumatango ako bilang sagot kahit wala akong ideya sa sinasabi nila. That's why when Mr. Devries told us that the head of the HR was the one at fault, napangisi na lang ako. Pinagsabihan lang ako at binigyan ng ilang reminders na kunwari ay naiintidihan ko. Well, I'm only hearing, not listening. Hindi naman ako interesado.

Ang mahalaga ay hindi ako nasisante. Ibig sabihin, may pag-asa pa ang bridge tour ko.

Mm, should I asked for my day-off next week? Pwede naman 'yon ayon sa kontrata. Wala naman akong kagaguhan na ginawa dito bukod sa nangyari noong unang linggo ko, na napatunayan namang wala talaga akong kasalanan, that I'm just following the contract signed by the two parties.

"I hope this won't happen again, Mr. Montejer," Hyran warned when we went out of the office.

Nginisian ko siya, "Wala naman akong kasalanan..." Sabi ko nang may halong yabang ang tono ng pananalita.

"Magpasalamat ka na wala kang kasalanan dahil hindi na palalampasin ng university kapag may gulo ka na namang pinasok."

"Then, expel me. Dig my records and throw me out of Argyros."

May nakukuhanan ako ng yabang dahil hindi ako pababayaan ni papa. Malaki ang galit no'n sa akin pero hindi ako no'n aabandunahin dahil dumadaloy sa akin ang dugo ng angkan niya. And no matter how I despise him, I won't deny the fact that one day, he'll save me from this chaotic life of mine, from this disastrous way of living, by giving me everything he has.

Pero kung hindi man niya gawin 'yon sa hinaharap, ayos lang sa akin. Tanggap ko na naman kung maghihirap ako at mamamatay na lang ng papagano'n. Wala na naman talaga akong rason mabuhay. Humihinga lang.

Minsan, naghahanap ako ng rason para lumaban. Pero rason na yata ang kusang lumalayo sa akin. Ayaw magpakita, ayaw magparamdam. Para bang alam niyang siya ang matagal ko nang hinahanap kaya sobrang tindi kung magtago mula sa akin.

Forbidden AffectionWhere stories live. Discover now