Chapter 20

14 0 0
                                    

Kanina pa nakaalis si Cadikh. After we ate breakfast, he bid goodbye and told me he'll come back tonight. Hindi ako nagreklamo dahil condo naman niya ito. Nakikitira lang ako. Hindi pa rin namin napapag-usapan kung gaano ako katagal mags-stay dito kaya mabuti na rin na bumalik siya mamaya. Also, I need to rest again to fully recover. Ayoko ng lagnatin ulit.

Few hours have passed, tulog lang talaga ako maghapon. Ni hindi na ako nakakain ng lunch at hindi na rin uminom ng gamot dahil maayos na ang lagay ko. Hindi ko rin namalayan ang oras dahil sinipag akong maglinis kahit malinis na naman ang buong unit. I also played music through the television and vibe with it.

"I'm never gonna be good enough for you..." I hummed to Simple Plan's Perfect. It played out of nowhere. Baka tugtugan ni Cadikh kasi account niya ang bukas sa YouTube. "'Cause we lost it all... Nothing lasts forever... I'm sorry, I can't be, perfect..."

I vibed with it, knowing the lyrics wholeheartedly. Hanggang sa natapos ang kanta, sumabay ako. At kasabay ng tapos no'n, nakita ko na lang ang bulto ni Cadikh sa tabi ng countertop at umiinom ng tubig habang nakamasid sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Kanina ka pa?"

Hindi ko man lang naramdaman na pumasok siya.

"No," He shakes his head then put the glass of water on the countertop. "You have a good voice."

"I often get that," Mayabang na sabi ko na nakapagpangisi sa kaniya. "I'm not only intellegent, but also talented. What can I say? My mother is just so awesome."

"You got those from her?"

"Yes. Even the looks."

"Then, your mother must be beautiful."

I was quite taken a back. "Hindi ako maganda," Kapagkuwan ay ani ko, masama ang timpla ng mukha. Tangina, alam kong may magandang lalaki na nag-eexist pero masyadong sharp ang features ko para mapabilang sa mga lalaking 'yon.

"I didn't say you're beautiful. You have looks, Luch. Hindi mo ba alam?"

Nawala ang lukot ng mukha ko at napangiti. "I know."

"So arrogant..."

"What? Malakas lang ang confidence ko."

"Mm, if you say so..."

"Bakit pala ang aga mo?" Takang tanong ko saka sumilip sa labas ng bintana. "Maliwanag pa, a? Akala ko mamaya ka pang gabi?"

"Mabilis ko lang natapos ang gawain ko and..." He took something from behind, it's a paperbag. Lumapit siya sa akin at iniabot 'yon. "Clothes and stuffs for you."

"Ha?"

"It's yours. Use it for the mean time."

Nalilito kong tinanggap ang paperbag at sinilip ang laman no'n. Puro nga damit. Mga nakalagay pa sa ziplock at may ilan ring essentials.

"Why did you—"

"Sabi mo ay wala kang uuwian. And by that, that also mean you don't have any stuffs with you. Dumaan din ako sa mall kanina kaya ibinili na rin kita."

I nodded, getting his point. "Babayaran ko," Kailangan ko din ng maisusuot, e. Tatanggapin ko talaga 'to. I am badly in need now. I won't raise my pride just for this.

"No need, Luch."

"Anong no need, sir?" My eyebrows furrowed. "Madami ito. Hindi pwedeng hindi ko 'to babayaran."

Although, I don't have my allowance with me. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya dahil baka pati 'yon ay siya rin ang magbigay. He is that giving that I already assumed that it's possible for him to do that.

Forbidden AffectionWhere stories live. Discover now