Nasa function hall na kami ngayon ng resort at naigrupo na rin para sa mga activity ngayong araw. It was announced that other activities will be done tomorrow and on the fourth day, we're all free to have fun on our own, then we'll leave on the fifth day's morning.
Now, I'm standing alone in the crowded function hall, not even batting an eye to my workmates who's all excited to be grouped with their friends. Swerte ko pa at ka-grupo ko si Ms. Kaya.
"Luch, may saling-pusa sa atin..." Nakangiti ngunit may bahid ng pag-aalala niyang sambit na nagpakunot ng noo ko.
"Saling-pusa?"
"Walong grupo tayo. Sumakto sa bilang ng lahat ng empleyado," Aniya habang hinahaplos ang sintido. "Kaya bawat grupo ay aampon ng kaibigan nina Sir. Nasa atin si Sir Ajax. Gusto daw kasi nilang sumali."
My eyebrow raised, remembering what happened yesterday about their willingness to crawl into the mud. But good thing, we have Ajax. Okay naman siya, hindi gaanong maingay. Kasi kung nasa amin si Sir Atticus o Alard, baka umuwi na lang ako at mag-resign kinabukasan.
"Head's up, people!"
Lahat kami ay bumaling ng tingin kina Sir Ariss at Sir Kie na nasa entablado at may hawak na mic.
"Good morning, everyone! I know you're all excited for this day at ito ang pinakahihintay na parte ng taon ng karamihan..."
I did not pay attention to Sir Kiefer. Instead, I roam my eyes around to see which team has Sir Cadikh. Bakit ang bulok niyang bumunot ng team? Sana dito na lang siya para makita ko palagi. Baka ganahan pa akong maglaro kahit hindi ako mahilig.
Tsk, iba talaga kapag may nagugustuhan. Nakaka-inspire na lang bigla.
"Hi, Luch!"
Itinigil ko ang paghahanap kay Cadikh nang bigla na lang sumulpot si Ajax sa harapan ko.
"Hello po..." Magalang na sabi ko.
"You seemed bored. Hindi ka ba mahilig sa ganito?"
I shook my head. "Ngayon lang ako napasali sa team building. I'm into fighting."
"Pfft, what?"
"Oo nga, sir..."
"Don't call me 'sir'. Just Ajax is fine."
"You're older."
"Hey!" Sinapo niya ang dibdib na parang nasaktan. "I'm just 28. Bata pa ako."
"Older than me, I mean..." Paglilinaw ko at inalis naman niya ang kamay sa dibdib saka tumawa.
"Nah, don't mind it. And since you're into fights, let's join hands and beat those assholes," Then he pointed his index finger at his friends who's all clumping at the side of the stage. Sa wakas ay nakita ko na rin si Cadikh. "Are you up for it?"
I simply shrug. "I love competitions, so I'm in."
"Dang! That's my boy!"
Ayos din pala itong kaibigan ni Cadikh. Mga maloloko pero malakas ang urge na manalo. That's what I like in collaborations, the urge to win and fight 'til death—well, both literally and not. And our team might be lucky to have Ajax. Katawan pa lang, pangbangga na.
"The first activity is banana boat. Well, like the usual, ubusan ng miyembro. Leaders from groups 1 to 4 will swap with leaders from groups 5 to 8. Ang goal ng leader ay ubusin ang myembro ng team na naka-swap nila. Matira matibay. Kung sino ang marunong mag-jetski, sila ang magiging leader. Sino ba ang marunong sa group 1—"
Bago pa man may makataas na myembro mula sa group 1, lahat ng kamay ng mga kaibigan ni Cadikh ay nauna nang tumaas, maliban kina Sir Kiefer at Sir Ariss na siyang nagsasalita sa unahan. At kita ko ang mga disappointed nilang pag-iling nang mapagtantong kamay iyon ng mga kaibigan nila.