"Ma! Si kuya!" And it was Ino's voice who I heard next.
Followed by that, I saw how the door to my left opened widely, revealing tita Diana who's teary-eyed as she coups her mouth.
"I-I'll call the doctor," She said afterwards then left.
Doon naman bumaling ang tingin ko kina Wen at Ino na hindi malaman kung anong gagawin. Hindi sila mapakali. Parang gusto akong yakapin pero hindi magawa dahil sa mga nakakabit sa katawan ko.
"What happened?" Takang tanong ko dahilan par amagkatinginan silang dalawa. Nagpauyuhan pa kung sino ang unang magsasalita.
"We were looking for you for four days, kuya," Ino calmly explained but I can still see the panic in his eyes. "You left your phone at the house so we weren't able to contact you. Pinuntahan namin sina kuya Payton, kuya Gus, kuya Gab, and ate Amari pero hindi nila alam kung nasaan ka. They helped us look for you. We even filed a police report that you're missing. Then tito Dy noticed that your condo's key was missing from the key holder, so well all went there—relieved that you're safe and sound. B-but we were wrong..."
"What went wrong?"
"We found you unconscious on your bed and..." Wen said and his tears started running down on his cheeks, "...you weren't breathing, kuya..." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Wen. "Hindi ka po ma-revive kaya akala namin...akala namin—"
Upon hearing that, my eyes widened and I gently pulled Wen for a hug—stopping him from saying anything that'll break the two of them more, that'll also break me...
"Sshhh," I caressed his back to ease his worry away. "I'm here, hm? I'm awake now. I'm awake, Wen. Nandito na si kuya... Hindi na aalis si kuya..."
Pati si Ino na nakatayo sa gilid ay hinila ko din para yakapin. Halos manggilid pa ang luha ko nang marinig ang mga iyak nilang tinig na para bang...nawala nga ako.
So, this is how they would react if I really died at my condo—all alone and wasn't even planning to die. Parang hindi ko na kakayaning mawala pa. Hindi ko kayang umiiyak sila ng ganito. Nakakadurog sa puso. Kung may pulbos pa sa pulbos, baka iyon na ang kalagayan ko ngayon.
I am close to nothing. The double kill became a triple one.
Bakit hindi ko naisip na may ibang taong gusto na mabuhay ako? Na makaalis ako sa miserableng buhay na 'to? Na hindi lang dapat ako nakatuon sa mga taong nagparanas ng sakit sa akin? That someone is waiting for me to arrive home, all in good condition.
"Excuse me, let me check the patient."
Naghiwalay kaming tatlo nang dumating ang doctor at in-examine ako. Nasa kaniya lang ang buo kong atensyon ngunit nawaglit iyon nang makita ko si papa sa labas ng pinto.
Nakatitig siya sa akin. Ngunit nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya, kaagad siyang nag-iwas ng tingin at umalis.
"Tita..." Pagtawag ko kay tita Diana nang makaalis ang doktor.
"Yes, dear? Nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin?"
Umiling ako. "Nasaan si..." Kinagat ang pang-ibabang labi at nagbaba ng tingin, "...si papa?"
Lumambot ang mata niya at hinaplos ang braso ko.
"He's outside..."
"Walang trabaho?"
"Kailan ba siya nawalan ng trabaho?" May bahid ng lungkot na ngiti niya.
"Bakit wala sa kumpanya?"
May hinihintay akong sagot. Parang iyong sagot na 'yon lang ang hinihintay ko para magkaroon ng kaunting pag-asa na...na baka hindi pa huli. Na baka 'yung isang dekada at dalawang taon kong hinanakit ay mapawi ng isang simple ngunit malaman na sagot.