I'm at school today. Amari forced me to watch her swimming competition so, here I am, inside the university pool even though I'm banned from going here. Minamata tuloy ako ng mga coach at athletes na para bang hindi ako pwedeng mag-exist dito sa loob. Dukutin ko mata nila, e.
I'm not that harsh. Hindi ko naman ide-drain 'yan nang may naglalangoy.
"Ang lakas ng apog mo, men!" Tatawa-tawang salubong sa akin ni Payton nang makaupo ako sa tabi niya. "Talagang pumunta ka, 'no?"
"Kasalanan ng pinsan mo," Sabi ko saka kami sabay na tumingin kay Amari na kumakaway sa banda namin.
Hindi ko siya pinansin, sa halip ay itinuon ko ang atensyon sa cellphone at naglaro ng kung ano-ano. Not long after, I saw two feet standing in front of me. Slowly, I raised my chin only to see another pest.
"A-Ah, kasama ko siya..." Payton said as he pull Gustavo toward him.
Ako naman ay masama ang tingin kay Gustavo habang siya ay may ngising binabaon sa labi habang inilalayo pa rin ni Payton. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay hanggang sa ngumisi rin ako at inilebel ang mukha ko sa mukha niya matapos kong tumayo.
Gustavo is a big man, we're the same size and height and whenever we're inside the same room, expect that a big brawl is going to happen. Well, I still stick to my own principle. Hindi ako manganganti kung hindi ako nagawan ng kasalanan.
"Akala ko kasi hindi ka pupunta, Luch," Kabadong sabi ni Payton na pilit nang pumapagitna sa amin ni Gustavo. "Shit, ang liit ko dito. Maawa naman kayo sa akin."
That's when our eyes settled to Payton. He's indeed small compared to us.
Saglit akong tumingin kay Gustavo at nakita ko na naman ang nakakaloko niyang ngisi saka umatras ng isang hakbang habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko na.
"Let's watch in peace," Gustavo said that made me arch my eyebrows.
"Nagsalita ang gago," Bulong ko saka ibinaba ang tingin kay Payton. "Pumagitna ka sa bench. Ayokong katabi ang hayop na 'yan."
"O-Oo, ako sa gitna."
"Nasaan ba si Gab?"
"Kasama ang mga kaklase niya."
"Tss, may pagkain ka? Matagal pa ang turn ni Amari kaya magtatagal din tayo dito."
"Ha? Wala — "
"Bibili ako. May ipapabili ka?"
"Ako ang bibili ng sa'yo," Biglang singit ni Gustavo kaya inis ko siyang tinapunan ng tingin.
"Ikaw ba ang kausap kong gago ka?"
"Ikaw din ba ang kausap kong kingina ka?"
"Tangina niyong dalawa. Ako ang bibili."
"What?!" Gustavo and I exclaimed to Payton when he suddenly cussed at us. Bigla namang nawala ang inis sa mukha niya at napalitan ng hiya.
"Joke lang, kayo naman. Huwag na. Hindi naman ako gutom."
Ngumiwi ako at nagdesisyong umupo na lang. I'm in no mood for a fight. Baka tuluyan na akong pagbawalan dito sa pool area kapag nadawit na naman ako sa gulo. Gusto ko pa namang matulog dito, presko palagi kahit minsan malansa ang simoy ng hangin.
Nagdaan ang ilang minuto, nakalimutan ko na rin na isang tao lang ang pagitan namin ni Gustavo. I was really focused on the swimming competition that I couldn't care less about Gustavo's presence. Natatabunan na din ng ingay ng mga manonood ang atensyon ko at mas lalong lumakas ang ingay nang si Amari na ang sunod.