Lumipas ang isa, dalawa, tatlo, apat na buwan, wala nga akong nakitang Cadikh sa university. Hindi ako nagtatanong pero kada nagsasubmit ako ng report sa faculty, pasimple kong tinitingnan ang lamesa niya. May mga gamit pero hindi sa kaniya. Iniisip ko na lang na baka lumipat lang siya ng lamesa.
It's been 4 months but I'm still in-denial. How can I not be? I really like him and I want to do a sincere apology to just, at least, release the pressure I've been keeping for myself for four months.
"I know you'll do great in your next journey, Luch. You displayed such an excellent performance as an intern. We don't do favors here but I do assure you, you have future in business."
I smiled at Sir Ariss. This is my last day of internship at Devri Vari. I had a great time here. Marami akong natutunan at alam kong hindi sinungaling na tao si Sir Ariss kaya naniniwala ako sa sinabi niya.
I know, someday, I'll be able to achieve what I'm aiming for. But for now, I'll focus on business. Hindi ko na sasayangin ang apat na taong roller coaster college life ko. Lalo na ngayon at umaayos na ang relasyon namin ni papa.
We're just casually talking. If there's any topic to be discussed, we'll immediately go for it and sit all day just to make final conclusions.
Pero wala pa rin kaming naririnig na sorry sa isa't-isa. Matagal pa siguro bago kami humantong do'n. Ipinagsawalang-bahala ko na muna dahil ayoko nang mag-isip ng sobra. Nakakapagod, nakaka-drain, nakakaumay.
But come to think of it. Pwede pala 'yon 'no? Pwede at kaya pala naming mag-usap nang hindi nagpapatayan ng tingin at nagsisigawan.
Never in my life I imagined that. Masyado akong nakulong sa isipin na hindi na kami magkakaayos ni papa kaya nawalan ako ng pag-asa noong mga panahong sobrang gago ko.
Maybe just like me, he is waiting for the perfect moment to apologize. As for me, I am waiting for the perfect for that to happen. Nakikita ko naman kasi. Papa is changing. My eyes saw it all and I know, in no time, he'll be able to give that one word I've been waiting for for half of my life.
"Thank you so much, Mr. Devries..." I sincerely said to Sir Ariss and bowed a little.
Oras na para umalis pero hindi ko magawang ihakbang ang paa ko.
Aside from thinking of papa, I'm also thinking of asking Casikh's friends of his whereabouts. Apat na buwan na e, pero nandito pa rin. Hindi maalis-alis.
"May kailangan ka pa, Luch?"
I bit my lower lip and stood straight. "Sir..."
"Yes? Do you need my number for your CV?"
Huh?
"Hindi po."
"Then, what is it?"
Should I go for it? Wala naman sigurong mawawala kung magtanong ako? Hindi ko naman gagambalain si Cadikh. I just...want to know how is he.
"S-Si..." I blew a heavy breath, "wala po, sir. Aalis na po ako."
Hindi ko siya hinintay na sumagot at tuluyang lumabas sa office niya. Nagpaalam na ako kina Ms. Kaya kaninang umaga kaya umalis na rin ako sa kumpanya.
I'm not really close with Mr. Devries when it's about personal stuff. Wala na akong ibang kaibigan niya na pwedeng pagtanungan because apparently, Ajax is not at Adazeio. Siya lang ang nakakausap ko ng matino noong team building. Sinubukan ko din siyang kausapin pero ilang buwan na daw hindi umuuwi sabi noong mga staff niya sa café. Nasa Europe trip daw.
Mas lalo ko namang hindi mapuntahan si Sir Atticus dahil malayo ang Atlantis Port dito. Hindi ako mag-aaksaya ng oras na pumunta doon para lang tanungin kung nasaan si Cadikh. Nakakahiya din. Baka kung anong isipin niya.