Chapter 33

13 0 0
                                    

Magkaharapan kami ngayon ni Cadikh sa loob ng living room ng bahay niya, magkatapatang nakaupo habang nasa pagitan namin ang mainit pang tsaa na tinimpla niya para sa aming dalawa. Ni hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya habang siya itong halos tunawin na ako gamit ang mata niya na animoy ayaw nang iwaglit ang tingin sa akin.

Ayaw talaga dahil halos limang minuto na kaming hindi dinadalaw ng ingay. Sobrang tahimik sa bahay. Halatang walang ibang naninirahan bukod kay Cadikh.

At para sa isang kindergarten teacher, hindi ko inaasahang mas strikto ang itsura niya ngayon. Paano kaya niya harapan ang mga estudyante niya? Paano kaya umaamo ang bagong mukha nito? Hindi ko maisip.

“Ano...” Sa wakas ay turan ko nang tagumpay kong natagpuan ang mga mata niya, “...hindi naman ako magtatagal. May sasabihin lang ako kaya pumunta ako dito.”

“Walang nakakaalam na dito ako nakatira bukod sa mga kaibigan ko,” He said then took his cup of tea. “So, who among those 7 assholes told you I'm here?”

Ass...holes...

“Hindi na importante,” Pag-iwas ko sa tanong niya, gulat dahil nagmura na naman siya. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa dahil sabi ko nga ay mabilis lang ako. Gusto ko lang humingi ng tawad sa nagawa ko noon.”

“Alin?”

“I was immature back then,” I said then bit my lowerlip and looked down. “I know this'll make you uncomfortable but it's about my confession. I want to say sorry. I want to sincerely apologize for confessing. Hindi ko naisip na baka ayaw mo ng gano'n, na baka mailang ka kapag sinabi ko. I was so drunk that night but that wasn't an enough excuse to do it. Hindi ako matahimik magmula nang mapagtanto ko ang nagawa ko. Hindi ko mapatahimik ang sarili kaya naisip ko na kailangan kong humingi ng tawad sa'yo. This sorry is all I got. Kinapalan ko ang mukha ko para lang harapin ka at masabi 'to. Sigurado akong ayaw mo akong makita o marinig man lang, pero sana, sana matanggap mo ang sorry ko, Sir Cadikh.”

A moment of silence between us. Nakatingin lang ako kay Cadikh, naghihintay ng reaksyon niya pero wala. Gano'n pa rin ang mukha niya.

“Luch...”

I halted. “Y-yes?”

“Free yourself from guilt,” Cadikh said then his expression changes from blank to a soft one. “From the start, apology is not even an option. It's your feelings. I have no control of that. Whether you confess to me or not, I don't mind. It was actually ecstatic to hear from someone that he likes me. That means I'm someone who's likeable.”

I am in a total awe. I did not expect that answer from him. All along, I'm too guilty of that confession that every night, I question myself of how stupid I am for doing that-for cursing him and ruining his supposed to be ecstatic night with everyone.

“Thank you for liking me. I really appreciate it.”

Sobrang payapa ng ekspresyon ni Cadikh. Napakapaya no'n na tipong hindi ko alam kung anong sunod kong sasabihin.

Nasabi ko na ang sadya ko. Nakahingi na ako ng tawad. Tinanggap na niya nang walang arte o sagutan man lang. Ano nang sunod? Ano nang dapat gawin?

“Hindi ka galit sa'kin?” May pag-aalinlangang tanong ko dahilan para kumunot ang noo niya.

“Ikaw ang dapat kong tinatanong niyan.”

“Ha? Bakit?”

“The day of your graduation...”

Hindi itinuloy ni Cadikh ang sasabihin habang ang kunot ng noo ko ay unti-unting tumuwid.

“You left the aisle. I was actually waiting for you to talk to you that day. Iyon lang ang tanging oras na nailaan ko para makabalik at makausap ko tungkol sa nangyari. B-But I wasn't able to talk to you.”

Forbidden AffectionWhere stories live. Discover now