"We're here."
Tipid na sabi ni Bline.
"Wow! ganda ng bahay niyo Bline."
Tipid na ngiti lang ang tinugon niya. Agad naman kaming pinagbuksan ng guard ng gate. Woah ang gara. Ang ganda talaga ng front yard nila. May mini garden ang ganda kahit gabi na. Naaaninag ko pa talaga. Pag pasok namin sa pintoan agad kaming winelcome ng mga maids dumeritso naman kami sa sala at nandoon ang parents niya naka upo..
"Good evening dad,mom,bro this is Rianney my soon to be wife. And my father in law Andrei Dela Vega."
Agad naman kaming bumati ni papa.
"Good evening po."
Hinead to foot talaga nila ako nakakailang baka ayaw nila sakin. No worries by the way mas maganda nga yun bwesit na buhay to.
"Hmm,so ikaw pala ang napili ng anak kung gwapo?"
Head to foot look again nakakailang naman.
"WELCOME TO THE FAMILY YANI! ang ganda-ganda ng in law ko. Naku anak ang galing mo napakaganda ni Yani."
Nagulat naman ako sa biglaang pagyakap niya sakin. Akala ko kung ano na talaga. Ang weird nila. Ngumiti nalang ako naiilang kasi talaga ako eh.."Hi i'm Cline Flint i'm a lover boy I can steal you from kuya. Just tell me and we'll run away."
At hinalikan niya ang kamay ko ay ang gwapo ng batang ito.
"Stop it Cline you're disgusting."
Seryosong sambit ni Bline na nakatingin samin. Naka upo ito at naka number four pa. Parang ano eh parang si Kim Hyun Jong ang gwapo lang eh.
"Pare ako nga pala si Rex Ayuzawa ang gwapong papa nitong anak kung mahangin."
"Ahh Andrei pre."
Akala ko pa naman strict ang papa niya mukhang katulad din ng sa papa ko ah. May mga hangin yata ang utak.
"Hihiramin ko muna ang daughter in law ko ha naku ang cute-cute mo talaga anak. I'm mommy Narie okay?"
"Kayo na po bahala sa kanya matutulog na ako i'm tired." Busangot ang mukhang paalam niya samin.
Ang sungit-sungit baka meron."Okay anak good night."
At tumalikod na sobrang sungit talaga. Ni hindi man lang nag good night pabalik sa mommy niya.
"Tara na anak ang ganda mo talaga. Halika dun tayo sa kwarto mo ngayong gabi. Pinag handaan ko talaga yun. First time kung magkaroon ng anak na babae kaya pinahanap ko na agad ng wife ang anak ko. Halika ,honey ,Pare dadalhin ko muna ang Yani girl ko sa taas." Excited na aya sakin ni Tita Narie. Haba ng hair ko ang ganda ko daw eh.
"Okay mare."
"Okay, honey at may pag uusapan lang kami nitong si pare sa kasal bukas."
"halika na anak."
Yaya sakin ni mama ang sarap sa feeling may new mama na ako namimis ko tuloy si mama Marian. Agad naman kaming umakyat sa second floor at pumasok sa isang kwarto.
"So anak ito ang tutulogan mo ngayong gabi dahil simula bukas magkatabi na kayong matutulog ng baby ko I can't wait gusto ko nang magka apo."
Napalunok naman ako ng laway ng di oras Dios mio, Nalunok ko na lahat ng laway ko ha apo daw eh naku! Delikado to hazardous.
"Wow ang ganda naman ng kwartong to mama. Napaka girly ng dating. Tsaka ang ganda ng bed sheets panda ang cute."
"Talaga anak nagustuhan mo ang kwartong ito?"
"Opo mama ang ganda po salamat po mama ah kasi kahit ngayon mo lang ako nakita at nakilala eh tinanggap niyo ako maraming salamat po mama."
"Naku anak alam mo, wag mo nang isipin yun. Kahit na ngayon lang tayo nag kita. Feeling ko matagal na kitang kilala. Tsaka alam ko kung gaano ka pihikan yang anak ko. Di yan pipili ng taong ayaw niya at di niya type. kaya wag kang mag aalala ha, Tsaka bukas di ka na basta-bastang bisita lang namin. Dahil magiging parte kana ng family namin. Na-e excite ako. Alam mo anak popular yang anak ko sa University nila. Kasi napaka cool at super genius. Proud na proud ako sa kanya anak. Andaming nagpupunta dito pag weekends para bisitahin siya. Masaya na rin ako dahil maingay na naman ang bahay."
Napangiti naman ako sa tinuran ni mama.
"Kayo talaga mama."
"Sige Yani good night na. Matulog kana coz tomorrow would be the most romantic day of your life
Sleep well anak.""Okay po mama."
Agad ko namang hinug si mama at lumabas na siya. Haiiiyyy Kala ko talaga kanina ayaw nila sa akin makahiga na nga lang. Ay ang sarap sa pakiramdam para akong lumulutang. Ilang sandali lang ay may kumatok ng kwarto. Si papa lang pala."Papa gabi na ah. Di ka pa po matutulog?"
Agad naman na umupo si papa sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko.
"Anak sigurado ka na ba? Ikakasal ka na bukas. Alam mo anak, di ko talaga maitatangging gusto kong mag back out ka sa kasal. Kasi ang bata bata mo pa. Alam kong marami ka pang pangarap sa buhay mo. Gusto kung ma abot mo lahat ng iyon. Anak kung gusto mo----"
"Papa wag kang mag-alala kahit kasal na ako malaya pa rin naman akong abutin ang mga pangarap ko. Mag aaral pa rin naman ako papa kaya wag kang worried diyan. Tsaka ang sarap pong mag karoon ng mama ulit papa. Kung sana po buhay pa si mama siguro magiging supportive din siya tulad mo papa. Ikaw ang the best papa in the whole world I love you pa."
"Naku ikaw talaga anak binobola mo na naman ako. Ilang oras nalang anak aalis kana sa poder ko. Kukunin ka na nila sa akin. Masaya ako para sayo anak. Halika mag practice tayo ng paglalakad mo sa aisle para di ka na kabahan bukas."
"Esus! Akala mo talaga malungkot siya eh masaya ka naman kasi palagi mo nang makikita si Aling Rosas." Panloloko ko sa kaniya na ikinangiti niya. Loko talaga tong si papa eh.
TBC
Zerenette
BINABASA MO ANG
Her Accidental Husband
Romance"You don't need to choose a perfect person to spend your whole life with. just wait for it cause theres someone to whom you can't explain why that person came into your life and without hesitation that person will love you truly and whole heartedly...