Ahm... Kagaya ng iba, mabait si Fritz. Magalang sa babae, tapos sya din yung taga pasok ng bag ko kapag binubuksan na yung pintuan ng classroom namin tapos wala pa ako dahil sa pagliliwaliw. Haha. Mahal na mahal nyan si tooooooot. Ahaha. Bat nasingit yun? xD May alam din yang si Fritz tapos mahilig mag joke. Pero hindi garantisadong may tatawa. Hahaha. Joke. Fritz! Ngiti ah! Mamaya batukan mo ako kapag pumasok ako sa susunod eh xD
Dear Fritz,
Salamat sa walang sawang pagpasok mo ng bag ko everytime na binubuksan yung pinto ng classroom na wala ako ha? Salamat din sa mga serious jokes mo. Pwera biro, natatawa talaga ako kaso nahihiya akong tumawa dahil walang natatawa. Baka sabihin nila na ang babaw ko kaya kapag walang tumatawa hindi na din ako tumatawa. Sensya ah. xD
Hmm... Ano pa ba? Salamat kasi nauutusan kita xD Salamat sa pagsunod mo every time na pinapakuha ko yung remote ng aircon. Pasensya na kasi inaatake ng katamaran eh. Hehe pero araw araw naman yung katamaran na yun kaya, NORMAL na sa akin yun. Teka. Ang gulo nung letter ko. xD
So kagaya nung kay Ian, wala din akong gaano masabi tungkol sayo. Ang laki na kasi ng pinagbago mo simula noong una kitang ma-meet noong grade four pa lang tayo. Nakakatuwa kasi hindi ko akalain na yung malokong Fritz noon eh matino na lalo na pagdating sa mga babae ngayon. Stay nice and thoughtful to everyone. Hindi ko malilimutan yung mga nagawa mo kahit na maliit lang yung mga yun. It's the thought that always counts. Salamat ulit ^^
xoxo,
Daryl

BINABASA MO ANG
A Letter From My Heart: Our History
Fiksi RemajaHistory? To be honest, hindi ko talaga alam yung meaning nyan but... at the end of this novel, sana maibigay ko na yung meaning ng sinasabi nilang "HISTORY" AUTHOR'S REQUEST: *Become a fan *Comment / Suggest *Follow me on twitter @FrbddnThrtn --yan...