"The Triathlete" ~ Mr. Nelson Celis

73 1 2
  • Dedicated kay Nelson Celis
                                    

Si Sir Celis yung isa sa pinakamabait na teacher namin. Kahit kasi anong kalokohan / kaingayan yung gawin namin hindi sya nagagalit. Pinagsasabihan nya lang kami ng maayos. Minsan nga din napagalitan na sya ng admin ng school kasi ang lilikot namin eh pero kahit ganun hindi nagbago yung tingin at turing sa amin ni Sir Celis. Hindi ko na ikakaila, isa si sir sa pinaka-generous magbigagy ng grade. Hahahaha.

Dear Sir Celis,

Salamat po sa mga itinuro nyo sa amin. Salamat po kasi isa po ang Amethyst sa bumubuo ng araw nyo. Salamat po kasi sobrang bait nyo sa amin kahit na minsan napapagalitan na kayo kahit na wala kayong ginagawang masama.

Pasensya na po kung nagiging burden kami minsan (well hindi nga lang minsan eh kasi LAGI yun xD). Pasensya na din po if ever na hindi namin na meet yung mga expectations nyo sa amin. Salamat po kasi nag-open po kayo sa amin na nagiging masaya kayo kapag nakikita nyo kami. Salamat po talaga sir.

Alam ko po na may possibility na hindi na tayo gaanong magkita next school year pero sir, gusto ko pong malaman nyo na sobrang saya ko po kasi na handle nyo po kami, na sobrang saya ko po kasi may isang Sir Celis na nakasama yung III - Amethyst batch 2012 - 2013 sa mga kulitan, tawanan, saka kalokohan lalo na sa mga surprises.

Cherished po yung mga araw na kasama namin kayo and sana po hindi nyo kami makalimutan kasi forever pong may nakatatak sa puso namin ang pangalang "Nelson Celis". :)

xoxo,
Daryl 

A Letter From My Heart: Our HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon