"The Honest Sniper" ~ Patricia Baliguat

66 1 0
  • Dedicated kay Patricia May Baliguat
                                    

Maganda, mabait sa mabait, may dugong korean, isang acoustic singer, loka-lokang kaibigan na parang ako lang din. Wuhahaha. Sabi ng iba madami syang haters dahil sa isang dahilan, masyado daw syang honest kaya kapag may naikukwento sa kanya ang isang tao at bina-bad mouth ang isa pang tao eh sasabihin nya ang nalalaman nya. Pero sila lang yun. Walang kaso sa akin yun. Hindi na nya kasalanan na honest sya, ang may mali na lang dun ay yung taong nagkwento sa kanya kasi madaldal sila. :P

Dear Pat,

Hayaan mo na sila sa mga sinasabi nila ha? Nandito naman kami na nakakaintindi sa'yo eh. Sa akin hindi mo na kailangan magpaliwanag pa sa mga ginagawa mo para sa iba. Likas sa'yo ang maging honest kaya I'm glad kasi kahit alam mo na nasa risk yung image mo ay ayos lang sayo basta wag lang may masaktan na inosente.

Pasensya na if last time nasabihan kita ng kung anu-ano. I hope na hindi mo na gaanong inaalala pa yun kasi kagaya nga ng sinabi ko, mahal kita dahil kaibigan kita. Pasensya na din kung hindi muna kita pinakinggan sa paliwanag mo bago kita inaway. Sana maintindihan mo. 

By the way, kagaya ng dati, kapag may kailangan ka nandito lang ako. Isang tawag lang tutulong agad ako sa lahat ng paraan na kaya ko. Love you Pat!

xoxo,
Daryl 

A Letter From My Heart: Our HistoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon